AngPrometryo oPromethium, orihinal naprometheum ay isangelementong kimikal na may simbolongPm atbilang atomikong 61. Ang lahat ng mgaisotopo nito ayradioaktibo. Ito ang isa sa dalawa lamang mga gayong elemento na sinusundan sa talaang peryodiko ng mga elementong may mga anyong matatag na isang pagtatanging kasalo ngtechnetium. Sa kimika, ang prometryo ay isanglantanido na bumubuo ng mgaasin kapag isinama sa ibang mga elemento. Ang prometryo ay nagpapakita lamang ng isang matatag na estadong oksidasyon na +3. Gayunpaman, ang kaunting mga kompuwestong +2 ay maaaring umiiral. Noong 1902, iminungkahi niBohuslav Brauner na may isang elemento na may mga katangian sa pagitan ng sa mga alam na elementongneodimyo atsamaryo. Ito ay nakumpirma noong 1914 niHenry Moseley na sa pagsukat ng mga bilang atomiko ng lahat ng mga elementong alam sa panahong ito ay natagpuang walang elementong may bilang atomikong 61. Noong 1926, ang isang pangkat na Italyano at Amerikano ay nag-angkin na kanilang nahiwalay ang isang sampol ng elementong 61. Ang parehong mga pagkakatuklasan ay agad na napatunayang mali. Noong 1938 sa isang eksperimentong nukleyar na isinagawa saOhio State University ang kaunting mga nuklidong radioaktibo ay nalikha na tiyak na mga hindi radioisotopo ng neodimyo o samaryo ngunit may kawalan ng patunay sa kimika na ang elementong 61ay nilikha at ang pagkakatuklas na ito ay hindi pangkalatang kinilala. Ang prometryo ay unang nalikha at inilarawan saOak Ridge National Laboratory noong 1945 sa paghihiwalay at analisis ng mga produksiyong fission ng panggatong nauranium na nalantad na radiasyon sa isang reaktor na grapito. Ang mga nakatuklas ay nagmungkahi ng pangalang "prometheum" (ang baybay ay kalaunang binago) na hinango mula kayPrometheus na isangTitano saMitolohiyang Griyego na nagnakaw ng apoy mula saBundok Olimpo at dinala ito pababa sa mga tao, upang isimbol ang parehong matapang at posibleng maling paggamit ng katalinuhan ng sangkatauhan. Gayunpaman, ang samplo ng metal ay nagawa lamang noong ,1963.May dalawang mga posibleng pinagmumulan para sa natural na prometyo: ang bihirang mga pagkabulok ng natural naeuropyo-151 na lumilikha ng prometryo-147 aturanyo(iba't ibang mga isotopo). An gmga praktikal na aplikasyon ay umiiral lamang para sa mga kompuwestong kimikal ng prometyo-147 na ginagamit sa maliwanag na pintura, mga atomikong baterya at mga kasangkapang panukat na kapal bagaman ang prometryo-145 ang pinakamatatag na isotopo ng prometyo. Dahil ang natural na prometryo ay labis na salat, ang elemento ay tipikal na sinisintetisa sa pamamagitan ng pambobomba ng uraniyo-235(pinayamang uranyo) ng mga termal na neutron upang lumikha ng prometyo-147.
↑The thermal expansion of Pm isanisotropic: the parameters for each crystal axis (at 20 °C) are αa = 11.1×10−6/K, αc = 15.0×10−6/K, and αaverage = αV/3 = 12.4×10−6/K.[1]
↑1.01.11.2Arblaster, John W. (2018).Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International.ISBN978-1-62708-155-9.