Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Prometeo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saPrometheus)
Para sa ibang kagamitan, tingnan angPrometheus.
Si Prometheus habang nakagapos sa isang bato at sinasaktan ng isang agila.

SiPrometeo oPrometheus ay isang diyos naTitano samitolohiyang Griyego. Hindi siya katulad ng ibang Titano, sapagkat naging kakampi siya niZeus at labing-isa pangiba pang Olimpiyanong mga diyos. Kapatid niya siEpimetheus, na kumampi rin sa mga diyos ngBundok Olimpo.[1]

Pangalan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Nangangahulugan ang kanyang pangalan ng "maagang pagmumuni-muni at paghahanda sa gagawin". Mas may karunungan siya kaysa kapatid na si Epimetheus.[1][2]

Paglalarawan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Kasama si Epimetheus, nabigyan sila ng katungkulang lumika sa mgalalakingtao ng mundo at ng mgahayop. Si Prometheus ang nagbigay sa tao ng wangis na kahawig ng mga diyos, sa pamamagitan ng paghubog sa putik, na nagkaroon ng kakayahangtumindig at may mga matang nakakatanaw sa kalangitan; hindi tulad ng sa mga hayop na nakatuon sa lupa. Siya rin ang nagbigay sa tao ngapoy na nagmula sa kalangitan. Dahil sa pagnanakaw niya ng apoy mula sa langit na ipinagkaloob niya sa tao, napananggalang ng tao ang kanyang sarili mula sa lamig. Nagamit rin ng tao ang apoy upang makagawa ng sari-saring mga bagay. Dahil rin sa apoy, naiangat ng tao ang kanyang sarili mula sa kaantasan ng mga hayop.[1]

Nang maipagkaloob ang apoy sa tao dahil sa ginawang pagnanakaw nito ng Titanong si Prometheus, nalaman at ikinagalit ito ni Zeus. Pinagawa ni Zeus siHephaestus, ang diyos napanday, ng isang pangkat ng mgatanikala, na ginamit naman ni Zeus upang igapos si Prometheus sa isang malaking bato. Iniwan siya ni Zeus sa ganitong kalagayan, na sinasaktan ng isangagila (mas mukhangbuwitre sa mga paglalarawan at dibuho). Araw-araw na kinakain ng agila angatay ni Prometheus, na muli namang tutubo upang kainin lamang ng agila sa susunod na araw. Naging tagapagligtas niya mula sa paghihirap na ito ang bayaning siHerakles (Herkules).[1]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.11.21.3"Prometheus,forethought".The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., pahina 357.
  2. Gaboy, Luciano L.Forethought - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Prometeo&oldid=2084286"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp