Ang mgaAsyatikong linsang oAsiatic linsangs ay binubuo ng dalawang espesyeng inuri sa henus naPrionodon na tanging henus sa pamilyangPrionodontidae. Ang Asyatikong linsang (Prionodon) at angAprikanong linsang (Poiana) ay dating inilagay sa subpamilyangViverrinae (ng Viverridae) kasama ng ilang mga henere. Gayunpaman, ang kamakailang pagsasaliksik ay nagmumungkahing ang mga aktuwal na relasyon ng dalawang ito ay magkaiba. Ang mga Asyatikong linsang naPrionodon ay kahanga-hanga sa pagkakatulad namorpolohikal sa mgapusa ng pamilyangFelidae. Ang analisis ngDNA ay nagpapakitang bagaman ang mgaAprikanong linsang ay mga tunay na vivverid na nauugnay sa mgagenet, ang mga Asyatikong linsang ay hindi at ang pinakamalapit na mga kamag-anak ng pamilyangFelidae.[2] Ang mga pagkakatulad sa pagitan ng mga Asyatikong linsang at mgapusa ay sanhi ng isangkaraniwang pinagmulan samantalang ang pagkakatulad sa pagitan ng dalawang henera ng mga linsang ay isangebolusyong konberhente. Anglinsang ay mula saJavanese nalinsang owlinsang na dating maling isinalin bilang "otter" sa mga diksiyonaryong Ingles. Ang mga espesye ng Asyatikong linsang ang:
This list is generated from data inWikidata and is periodically updated byListeriabot.
Edits made within the list area will be removed on the next update!
End of auto-generated list.