Samitolohiyang Griyego, siPoseidon ang isa sa tatlong naging anak ninaKronos atRhea. Siya ang panginoon at diyos ng karagatan, kaya't mayroon siyang kapangyarihan sa pagtaban ng mgaalon,bagyo, at maging ng mgalindol. Sa paglalarawan, katangian niya ang may hawak ng isang sandatangpiruya o tinidor, na kahawig ng isang malaking tinidor o sibat na may tatlong tulis at mahabang hawakan. Samitolohiyang Romano, kilala siya bilang siNeptuno[1][2], at bilang siNethuns samitolohiyang Etruskano. SaNethuns hinango ang pangalan niyangNeptuno.[3]
Mayroon siyang pag-aaring isang ginintuangkarong pandigma na nakapagpapahinahon at nakapagpapatag ng pisngi ng dagat kapag ipinadaraan niya ito sa ibabaw ng mga katubigan. Bagaman nasa ilalim ng karagatan ang kanyang kaharian at palasyo, ngunit madalas siyang dumalaw saBundok ng Olimpus. Batay sa mitolohikong salaysay hinggil kay Poseidon, siya ang nagbigay ngkabayo satao.[2]
↑Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "Poseidon,Neptune".Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya,ISBN0155050907., pahina 107.
↑Krauskopf, I. 2006."The Grave and Beyond." The Religion of the Etruscans. pinanutnugutan ni N. de Grummond at E. Simon. Austin: Palimbagan ng Pamantasan ng Teksas. p. 59.