AngPortugal , o opisyal na tinatawag naRepublikang Portuges (República Portuguesa [ʁɛˈpuβlikɐ puɾtuˈɣezɐ] ), aybansang matatagpuan sa timog-kanlurangEuropa saTangway ng Iberia . Pinaka-kanluraning[ 9] bansa sa Europa ang Portugal, at natatabihan ngKaragatang Atlantiko sa kanluran at timog, at ngEspanya sa hilaga at silangan. Bahagi ng Portugal ang Atlantikongkapuluan ngAzores atMadeira na kapwangawtonomong rehiyon na may kanilang sariling mgapamahalaang rehiyonal .
Ang Portugual ay ang pinakamatandang estado sa Tangway ng Iberia at isa sa mga pinakamatanda sa Europe na patuloy na pinagtirahan, pinagsakupan, at pinaglabanan mula noongsinaunang panahon . Sumunod sa mga tauhangdipa-Selta ,Selta ,Cartagineses , atRomano ang mga pagsasalakay ng mgaHermanikong Visigodo atSuebi . Itinatag ang Portugal bilang bansa noong KristiyanongReconquista laban sa mgaMorong nanghimasok sa Tangway ng Iberia noong 711 PK. Itinatag noong 868, sumikat angKondehan ng Portugal pagkatapos ngLaban sa São Mamede noong 1128. Ipinroklama angKaharian ng Portugal pagkasunod saLabanan sa Ourique noong 1139, at kinilala ang kalayaan mula saLeón ngTratado ni Zamora noong 1143.[ 10]
Galing ang salitang Portugal sa Gitnang Latin naPortyngale , mula sa dantaong 1300. "Daungang Gaya" (Portus Cale , ngayong Oporto) ang ibig sabihin nito. Galing ang unang hari ng Portugal sa Portucale, ang Kondeng si Alfonso.[ 11]
Ang Portugal ay isang bansang may-kaunlaran[ 12] at nagtataglay ng ika-19 pinakamataas na ginhawa sa buhay, ayon saThe Economist Intelligence Unit . Ito ay ang ika-13 na mapayapa at ikawalong pinaka-globalized na bansa sa daigdig. Ito ay kasapi ngUnyong Europeo at ngMga Nagkakaisang Bansa . Ito rin ay isang estadongSchengen .
↑ In recognized minoritylanguages of Portugal : ↑ (sa Portuges) Público. "Portugal tem 92.212 quilómetros quadrados, por enquanto..." . Retrieved 2 July 2012.Naka-arkibo 5 October 2012 saWayback Machine .↑ (sa Portuges) [1] . Accessed on 17 June 2015.↑ (sa Portuges) Portugal. Censos 2011 (ine.pt)↑4.0 4.1 4.2 4.3 "Portugal" . International Monetary Fund. Nakuha noong13 December 2015 .↑ "Gini coefficient of equivalised disposable income (source: SILC)" . Eurostat Data Explorer. Inarkibo mula saorihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong13 August 2013 .↑ "2015 Human Development Report" (PDF) . United Nations Development Programme. 2015. Nakuha noong14 December 2015 .↑ "Reconhecimento oficial de direitos linguísticos da comunidade mirandesa (Official recognition of linguistic rights of the Mirandese community)" .Centro de Linguística da Universidade de Lisboa . Inarkibo mula saorihinal noong 18 March 2002. Nakuha noong2 December 2015 .↑ The Euromosaic study, Mirandese in Portugal , europa.eu –European Commission website. Retrieved January 2007. Link updated December 2015↑ Christopher Bliss, Jorge Braga de Macedo, C. J. Bliss, p.13 ↑ Brian Jenkins, Spyros A. Sofos,Nation and identity in contemporary Europe , p. 145, Routledge, 1996,ISBN 0-415-12313-5 ↑ https://www.etymonline.com/word/portugal ↑ "Archive copy" . Inarkibo mula saorihinal noong 2008-04-09. Nakuha noong2011-02-08 .{{cite web }}
: CS1 maint: archived copy as title (link )
Sovereign states States with limited recognition Dependencies and other entities