Ang isangpontipise opontiff (mula saLatin napontifex) ay isang kasapi ng pinakakilala ng mga kolehiyo ng mgasaserdote o pari ng relihiyon ng Sinaunang Roma naKolehiyo ng mga Pontipise.[1][2] Ang terminong "pontipise" ay kalaunang inilapat sa anumang dakila o pangunahingsaserdote o pari. Sa paggamit saKristiyanismo, ito ay inilapat sa isang obispo at mas partikular na saObispo ng Roma o "Pontipiseng Romano".[3]
May apat na pangunahing mga kolehiyo ng mgasaserdote o pari saSinaunang Roma na ang pinakakilala ay ng mgapontipise.[4] Ang iba pa ay ng mgaaugures,quindecimviri sacris faciundis, atepulones. Ang parehong tao ay maaaring maging kasapi ng higit sa isa sa mga pangkat na ito. Kabilang angpontifex maximus na pangulo ng kolehiyo ng mga pontipise, may orihinal na tatlo o limang mga pontipise ngunit ang bilang ay dumami sa paglipas ng mga siglo na sa huli ay naging 16 sa ilalim niJulio Caesar. Sa ikatlongsiglo BCE, ang mga pontipise ay kumontrol sa sistemang pang-relihiyon ng estado.
Ang lathalaing ito ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.