Angpolusyon ay ang pagiging marumi ngkapaligiran o, sa iba pang kahulugan, kadumihan ngkaisipan.[1] Tinatawag din ito bilangkarumihan na nangangahulugan na nagpakilala ito ng mga nagpaparumi sa likas na kapaligiran na nagdudulot ng masamang pagbabago.[2] Maaring magkaroon ng anyo ang polusyon ng anumangsustansiya (solido,likido, ogas) oenerhiya (tulad ngradyoaktibidad, init,tunog, oliwanag). Angpollutant o bagay na nagpapadumi, ay maaring mga panlabas na sustansiya/enerhiya o likas na umiiral na dumi. Bagaman maaring naidulot ng pangyayaring likas ang polusyong pangkapaligiran, pangkalahatang nagpapahiwatig ang salitang polusyon na may pinagmulang antropoheniko ang mga dumi – alalaong baga, nagmula ito sa mga aktibidad na nilikha ng tao. Noong 2015, may siyam na milyong katao sa buong mundo ang namatay dahil sa polusyon (isa sa bawat anim na kamatayan).[3][4] Nanatili itong hindi nagbago noong 2019, na may kaunting tunay na pag-unlad laban sa polusyong nakikilala. Naibilang ¾ sa mga naunang namatay ang polusyon sahangin.[5][6]
Kabilang sa mga pangunahing anyo ng polusyon ang polusyon sa hangin, polusyon sa liwanag,kalat, polusyong ingay, polusyong plastik, karumohan sa lupa, karumihang radyoaktibo, polusyong termal, polusyong biswal, at polusyon sa tubig.