SiPocahontas (ipinanganak bilangMatoaka oMatoika noong humigit-kumulang sa 1595—namatay noong 21 Marso1617), na nakilala sa paglaon bilangRebecca Rolfe, ay isangIndiyanong Amerikano na namuhay noong ika-17 daantaon. Katangi-tangi siya dahil sa pagpapanatili ng isang matapat na ugnayan sa pagitan ng mga Indiyano ng Tidewater,Virginia (na nakikilala noong kapanahunan ni Pocahontas bilang Tenakomakah) at mga kolonistangIngles na nagtayo ng isangkuta at maliit na pamayanan saIlog James na tinawag naJamestown noong 1607. Ayon sa alamat, sinagip niya ang buhay ni KapitanJohn Smith nang papatayin na ito ng kaniyang amang pinuno ng mga Indiyano na si Emperador o HepePowhatan (na nakikilala rin bilang Wahunsunacock). Bukod sa kaniyang palayaw na Pocahontas, na ang ibig sabihin ay "maliit na walang habas" (maliit na walang pakundangan, ayon kay William Strachey) na dahil sa kaniyang pagiging likas na malikot noong bata pa, pormal din siyang nakikilala bilangAmonute.
Habang nagaganap ang isang digmaang pangkolonya laban sa mga Indiyano, nadakip si Pocahontas at kailangangtubusin bago palayain. Nabinyagan siya bilang Kristiyano sa pangalang Rebecca at napainam niya ang kaniyang kasanayan sawikang Ingles habang isang bihag. Noong 1614, pinakasalan niya siJohn Rolfe, isang manananim ngtabako. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, na ang pangalan ay Thomas. Noong 1616, nagpunta ang mag-anak na Rolfe saLondon. Si Pocahontas ay naging isang tanyag na tao noong huling taon ng kaniyang buhay. Namatay siya sa Gravesend at inilibing sa St George's Simba, Gravesend sa Kent Inglatera noong 21 Marso 1617.
Ang lathalaing ito na tungkol saTao,Kasaysayan atEstados Unidos ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.