AngPleistoseno (Ingles:Pleistocene (/ˈplaɪstəsiːn/) at may simbolong PS[5]) ang epoch na heolohiko na tumagal mula mga 2,588,000 hanggang 11,700 taon ang nakalilipas na sumasaklw sa kamakailang panahon ng paulit ulit na mgaglasiasyon(pagyeyelo) ng daigdig. AngPleistocene ay hinango sa Griyegongπλεῖστος (pleistos "karamihan") andκαινός (kainos "bago"). Ipinakilala niSir Charles Lyell ang terminong ito noong 1839 upang ilarawan angstrata saSicily na may hindi bababa sa 70% ng mga faunangmolluska na namumuhay pa rin sa kasalukuyan. Ito ay nagtatangi ng epoch na ito mula sa mas matandangPlioseno na orihinal na inakala ni Lyell na pinaka-batang patong ng batongfossil. Ang Pleistoseno ay sumusunod saPlioseno at sinusundan ngHoloseno. Ang Pleistoseno ang unang epoch ngKwaternaryo o ikaanim na epoch ng era naCenosoiko.[6] Ang wakas ng Pleistoseno ay tumutugon sa wakas nghuling panahong yelo. Ito ay tumutugon rin sa wakas ng panahongPaleolitiko saarkeolohiya. The end of the Pleistocene corresponds with the end of thelast glacial period. Sa iskala ng panahongICS, ang Pleistoseno ay nahahati sa apat na mga yugto: angGelasian,Calabrian,Ionian atTarantian. Ang lahat ng mga yugtong ito ay inilalarawan sa katimugang Europa. Sa karagdagan sa subdisbisyong internasyonal na ito, ang iba't ibang mga subdibisyong pang-rehiyon ay kadalasang ginagamit. Bago ang isang pagbabago sa wakas ay kinumpirma noong 2009 ngInternational Union of Geological Sciences, ang hangganan sa pagitan ng Pleistoseno at ang naunangPlioseno ay itinuturing na nasa 1.806 at hindi 2.588 milyong taon BP. Ang mga publikasyon mula sa mga naunang taon ay maaaring gumait ng kahit anong depinisyon ng panahon.
↑Cohen, K. M.; Finney, S. C.; Gibbard, P. L.; Fan, J.-X. (January 2020)."International Chronostratigraphic Chart"(PDF). International Commission on Stratigraphy. Nakuha noong23 February 2020.