SiPiteas oPytheas (ika-4 na daantaon BK), kilala rin bilangPiteas ng Massalia oPytheas ng Massalia (binabaybay din sa anyong Latin naMassilia, isang lugar na pangkasalukuyang kilala bilangMarseilles oMarsella saPransiya) ay isang Griyegong heograpo at eksplorador mula sa kolonyang Griyego naMassalia. Siya ang unang Griyegong naglayag papuntang malayong hilaga ngDagat Mediteraneo magmula sa Massalia. Isa siya sa unang tunay na mga heograpo, na pinatutunayan ng kanyang mga pagtatala ng ginawa niyang mga paglalakbay, kasama ang kung anong uri ng pagkain ang kinakain ng mga tao ng mga pook na iyon.[1]
Nagsagawa siya ng isang paglalakbay ng panggagalugad papuntang hilaga-kanlurang Europa noong bandang 325 BK. Naglakbay siya papuntang Cadiz, Espanya, at pagkaraan ay nagpunta sa Britanya. Sa pagpapatuloy ng paglalakbay na pakanluran, natagpuan ni Piteas ang isang malamig at mayelong lupain at tinawag niya itongThule (binabaybay dingTile), na maaaring ang pangkasalukuyangLupang-Yelo o kayaNoruwega.[1]
12Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Searched for the Land of Thule?".Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York,ISBN0671604767.,Explorers and Pioneers, pahina 111.
Ang lathalaing ito na tungkol saTao,Gresya atEksplorasyon ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.