Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Piramide ng Ehipto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang tanawin ng mgapiramide ng Gisa mula sa talampas papunta sa timog ng kompleks. Mula sa kanan hanggang sa kaliwa ay angPiramide ni Khufu,Piramide ni Khafre at angPiramide ni Menkaure. Ang tatlong mas maliliit na mga piramideng nasa harapan ay mga kayariang may kaugnayan sa piramide ni Menkaure.

Angmga piramide ng Ehipto ay sinaunang mga hugis-piramideng mga kayariang gawa sa bato na nasaEhipto. Mayroong 138 mgapiramideng natagpuan sa Ehipto mula noong 2008.[1][2] Karamihan sa mga ito ang ginawa bilang mga libingan ng mgaParaon ng bansa at ng kanilang mga konsorte noong mga panahon ngLuma atGitnang Kaharian ng Ehipto.[3][4][5]

Ang pinakamaagang nakikilalang piramideng Ehipsiyo ay angPiramide ni Djoser (itinayo noong 2630 BKE–2611 BKE) na itinayo noongPangatlong dinastiya ng Ehipto. Ang piramideng ito at ang nakapaligid nitong kompleks ay dinisenyo ng arkitektong siImhotep, at pangkalahatang itinuturing bilang mga pinakamatatandang mga kayariang pambantayog ng mundo na binuo sa pamamagitan ng dinamitang masonriya o mga bato.

Pinakakilala sa mgaPiramide ng Ehipto ang mga natagpuan saGisa, na nasa paligid-ligid ngCairo, Ehipto. Ilan sa mga piramide ng Gisa ang ibinibilang sa pinakamalalaking mga istrukturang naitayo.[6]

AngPiramide ni Khufu sa Gisa ang pinakamalaking piramideng Ehipsiyo. Ito lamang ang isa saPitong mga Hiwaga ng Sinaunang Mundo na umiiral pa.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Slackman, Michael (17 Nobyembre 2008)."In the Shadow of a Long Past, Patiently Awaiting the Future".The New York Times. Nakuha noong1 Mayo 2010.
  2. "Mark Lehner (2008).The Complete Pyramids: Solving the Ancient Mysteries. p. 34". Thames & Hudson.
  3. "Egypt says has found pyramid built for ancient queen".Reuters. Nakuha noong2008-11-18.[patay na link][patay na link]
  4. Slackman, Michael (16 Nobyembre 2007)."In the Shadow of a Long Past, Patiently Awaiting the Future".New York Times. Nakuha noong2008-11-17.
  5. Michael Ritter (2003)Dating the PyramidsNaka-arkibo 2008-05-11 saWayback Machine., nakuha noong 13 Abril 2005.
  6. Watkin, David (ika-4 na edisyon, 2005).A History of Western Architecture. Laurence King Publishing. p. 14.ISBN 978-1856694599.{{cite book}}:Check date values in:|date= (tulong)
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Piramide_ng_Ehipto&oldid=2135043"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp