Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Pilosopiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nakaturo papunta rito ang "batnayan". Huwag itong ikalito sabantayan.
Nakaturo papunta rito ang "batnayanon". Huwag itong ikalito sawikang Bantayanon.
Scuola di Atene ('Paaralan ng Atenas') niRaphael, na sumisimbolo sa pilosopiya at nagtatampok ng mga pilosopo mula sasinaunang Gresya.

Pilosopíya[a] ang sistematikong pag-aaral sa mga pangkalahatan at mahahalagangkatanungan ngsangkatauhan, lalo na ang mga may kaugnayan sapag-iral,dahilan,kaalaman,etika,kaisipan, atwika. Para magawa ito, gumagamit ang mgapilósopó[b] ngmga paraan tulad ngpagtatanong,kritikal na diskurso, mgaargumentong makatuwiran, at sistematikong pagpepresenta.

Nagmula ang salitang "pilosopiya" mula sawikang Kastila, na nagmula naman sawikang Griyego na nangangahulugang "mapagmahal ngkarunungan." Samalaking bahagi ng kasaysayan, saklaw ng pilosopiya ang mgalarangan na itinuturing na ngayon bilang bahagi ngmga agham. Tinatawag napilosopiyang likas, lumaganap ang uri ng pilosopiyang ito mula sasinaunang Gresya at nagsilbing katumbas ng agham bago angPanahon ng Kaliwanagan.

Sa modernong panahon,metapisika,epistemolohiya,etika, atlohika ang mga pangunahing larangan ng pilosopiya. Layon ng metapisika na sagutin ang mga mahahalagang katanungan at ang tunay na kalikasan ngrealidad at pag-iral. Kaalaman atpaniniwala naman ang pinag-aaralan sa epistemolohiya, samantalang nakapokus naman ang etika sa pag-aaral samoralidad. Gumagamit naman ng mga tuntunin ang lohika upang mapatunayan angkatotohanan sa likod ng mga pangyayari. Bukod sa mga ito, may mga pag-aaral din ukol sa pilosopiya ng ibang larangan, tulad halimbawa ng saagham atpolitika.

Etimolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Direktanghiniram ang salitang "pilosopiya" mula sasalitang Kastila nafilosofía. Tulad ng mga wika sa ilalim ngmga wikang Romanse kagaya ng sawikang Pranses, nagmula ang salitang ito mula sawikang Latin naphilosophia, na direktang hiniram naman mula sasinaunang wikang Griyego naphilosophia (Griyego:φιλοσοφία), isangpagsasama ng mga salitangphilos (Griyego:φίλος, "pagmamahal") atsophia (Griyego:σοφία, "karunungan").[4][5] Ayon sa tradisyon, sinasabing siPitagoras ang nag-imbento sa salita, bagamat walang direktang ebidensiya ang nagpapatunay dito.[6][7]

Bago angPanahon ng Kaliwanagan, saklaw ng pilosopiya ang mga larangan na itinuturing na ngayon bilang mga agham. Kasama sa orihinal na saklaw nito ang mga bagay na nangangailangan ng pagsusuring makatuwiran o di kaya'y pag-uusisa, kaya naman madalas inihahanay ang mga agham sa ilalim nito.[8][9][10] Halimbawa, sakop ngpilosopiyang likas angbiolohiya,pisika, at magingmatematika.[8][11] Ito ang katumbas halos ngagham bago ang pag-usad ngRebolusyong Makaagham simula noong ika-16 na siglo. Gayunpaman, mabagal ang pagbabago ng kahulugan ng salita sa panahong ito; halimbawa na lang ang pamagat ng aklat niIsaac Newton noong 1687 naPhilosophiæ Naturalis Principia Mathematica, na direktang nagbabanggit sa pilosopiyang likas (philosophiæ naturalis) bilang saklaw ng naturang aklat, pero sa modernong panahon, itinuturing na itong isang aklat ngpisika.[12] Ang modernong kahulugan ng salita ay nagsimulang lumaganap noong ika-19 na siglo, kasabay ngRebolusyong Industriyal.

Sawikang Tagalog, ginagamit ang salitang "pilosopo" bilang isangpandiwa. Maaari itong magamit sa masamang konteksto. Halimbawa, ang salitang "pilosopo" at ang kaugnay nitong "pamimilosopo" ay maaaring manguhulugang "nagmamagaling" o "nangangatuwiran".[13][14] Laganap ang negatibong konotasyon na ito sa Pilipinas, kaya naman ginagamit ng ilang nasa larangan ang salitang "pilosoper", isang pagsasa-Tagalog ng salitang Ingles na "philosopher", upang humiwalay sa konotasyong ito.[2] Ayon kay Emmanuel de Leon ngPamantasan ng Santo Tomas sa dyornal naHasaan noong 2016:

Sinimulan kong gamitin ang salitang “pilosoper” sa halip na “pilosopo” upang maiwasan ang pangalawang dahilan ng pagkalugmok ng pilosopiya sa ating bansa na binanggit ni Quito, i.e., “ang masamang konotasyon ng pilosopiya sa Pilipinas”. Hindi natin matatanggihan ang negatibong konotasyon ng katawagang “pilosopo” sa ating bansa. Hindi ko orihinal ang paggamit ng katagang “pilosoper”. Nauna itong ginamit ni Ramon Guillermo sa kanyang pagsasalin ng akda ni Walter Benjamin na pinamagatan niyangHinggil sa Konsepto ng Kasaysayan. Hindi niya ipinaliwanag kung bakit niya pinili ang salitang “pilosoper” sa halip na “pilosopo”. Subalit, nakukutuban akong mulat si Guillermo sa masamang konotasyon ng katagang “pilosopo”. Masasabing maganda ang pagkakabinyag ni Guillermo sa katagang “pilosoper”. Kaya, nais ko itong kumpilan sa artikulong ito.[2]

Samantala, isangneolohismo angbatnayan. Una itong lumabas sa panitikan saMaugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino (1969). Isa itongpagsasama ng mga salitangbatayan ("basehan") athanayan ("talahanayan").[15]

Kahulugan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Kahulugan ng pilosopiya
Le Penseur ('Ang Nag-iisip') niAuguste Rodin.

Hindi nagkakasundo ang mga pilosopo at iskolar patungkol sa kahulugan ng pilosopiya.[16][17] Bukod dito, hindi rin malinaw ang pagturing sa larangan bilang isang ganap na sangay ng agham, at iba-iba rin ang binibigay na kahulugan ng mga pilosopong nanggaling mula sa magkakatunggalingkilusang pampilosopiya.[18] Gayunpaman, tipikal na pumapaloob ang mga ito sa dalawang pangunahing punto: kung bahagi ba ito ng agham mismo o hiwalay na larangan ito mula dito, at ano ang silbi ng pilosopiya.

May ilang pilosopo ang naniniwalang isang pag-aaral ang pilosopiya na pumapatungkol sa pagsagot sa mga katanungan ng sangkatauhan na hindi agad masasagot ng agham, tulad halimbawa ng silbi ngpag-iral.[18] May iilan din na naghahanay sa pilosopiya bilang isang agham na umaasa sa empirikal na ebidensiya imbes ngobserbasyon.[18] Samantala, naniniwala naman ang iba na hiwalay ang pilosopiya sa agham, dahil nakatuon ito sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga bagay-bagay. Ayon sa isang pananaw, layunin ng pilosopiya na linawin ang kalabuan at kalituhan na hatid ng istraktura ng mga wika.[18][17] Ayon naman sa pilosopo ngpenomenolohiya, agham ngesensiya ang pilosopiya.[19]

May ilang kahulugan din na nagpopokus sa espiritwal na bahagi ng pilosopiya. Ayon sa pilosopiya ng mgasinaunang Romano atGriyego, isang espiritwal na pagsasanay ang pilosopiya upang madebelop ng tao ang kanyang kapabilidad sa pangangatuwiran. Ito ang pananaw na ginamit ng mga pilosopong tulad ninaPierre Hadot atMichel Foucault, na nagbigay ng matinding pagtuon sakapakanan ng tao sa isang maaliwalas na buhay.[20][21][22] Gamit ang pananaw na ito, kinatuwiran ng ibang mga pilosopo at iskolar na layunin ng pilosopiya na idebelop angpananaw ng isang indibidwal sa mundo.[18]

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Kasaysayan ng pilosopiya

Nagsimula ang kasaysayan ng pilosopiya noon pang bago maimbento angpagsusulat. Dalawang pangunahing uri ng pilosopiya ang umusbong:Kanluranin na nagsimula saGresya at ang samu't-saring pilosopiyang umusbong sa Asya tulad ng saTsina atIndia, na kolektibong tinatawag sa ilalim ngSilanganing pilosopiya. Kalaunan, kasabay ng pag-usbong ng mgarelihiyong Abrahamaiko saGitnang Silangan, umusbong din ang mga pilosopiyang panrehiliyon tulad ng saKristiyanismo atIslam. Bukod sa mga ito, nagkaroon din ng mga sari-sarling pilosopiya ang iba't ibang bahagi ng mundo, tulad ng saHapon atAprika.

Kanluranin

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Kanluraning pilosopiya
Ilan sa mga mahahalagang pilosopo ng Kanluraning Mundo:Sokrates,Tomas ng Aquino,Rene Descartes,Immanuel Kant,Friedrich Nietzsche, atJean-Paul Sartre kasama siSimone de Beauvoir.

Sasinaunang Gresya nagsimula ang pilosopiya ngKanluraning Mundo, sa pamamagitan ng mga pilosopong kilala ngayon sa kolektibong tawag na "mga Presokratiko". Saklaw ng pilosopiya nila ang paghahanap sa mga sagot patungkol sa mga pangyayari sacosmos.[23][24][25] Ang pananaw na ito ay pinalawak pa niSokrates,Platon, atAristoteles, tatlo sa mga itinuturing na mga pinakamahahalagang pilosopo ng sinaunang panahon sa Europa. Dinebelop nila ang mga pundasyon ngetika atepistemolohiya, at nagsimulang mag-imbestiga sa tunay nakalikasan ng realidad at ngkaisipan.[24] Nabuo kalaunan ang ilan sa mga unangkilusang pampilosopiya, tulad ngepikureismo,stoisismo,skeptisismo, at angneoplatonismo.[24][23]

Kasabay ng paglaganap ngKristiyanismo sa Europa ang paglaganap din ng pilosopiyang panrehiliyon na nakabase sa naturang rehiliyon. Ginamit ng mga pilosopong tulad niTomas ng Aquino ang pilosopiya ng sinaunang panahon upang lalo pang palawakin at bigyang-diwa angteolohiyang Kristiyano.[26] Muling sumikat sa mga iskolar ang pilosopiya ng sinaunang panahon sa Europa noongRenasimiyento, lalo na angpilosopiya ni Platon, na nagbigay-daan sa pag-usbong ng ideya nghumanismo.[27][28][29] Kasabay ng pagbilis ng pag-unsad ng mga agham simula noong 1700s, nagsimulang imbestigahan ng mga pilosopo ang paraan paano nabubuo angkaalaman. Binigyang ng matinding pokus ng mga pilosopo sa panahong ito ang gampanin ng rason (rasyonalismo) atnararanasangpakiramdam (empirisismo). Ginamit ang mga ideyang ito sa paghamon sa mga tradisyonal na otoridad.[28] Sa panahong ito, dinebelop din ng mga pilosopo ang mga sistema ng pilosopiya na inklusibo, tulad halimbawa ngidealismong Aleman.[28] Pagsapit ng ika-20 siglo, umusbong sa naturang larangan ang paggamit sapormal na lohika at nagpokus sagampanin ng wika sa pilosopiya gayundin sa mga kilusang pampilosopiya tulad ngpenomenolohiya atpragmatismo.[28] Sa siglo ring ito nakita ang mabilis na pagdami ng mga pilosopo at paglalathala sa akademya, gayundin sa pagdami ng mga babaeng pilosopo at ang pag-usbong ngpilosopiyang pemenista, tulad halimbawa ng mga gawa niSimone de Beauvoir, ang nobya ng pilosopong siJean-Paul Sartre.[30][31]

Silanganin

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Silanganing pilosopiya
Ilan sa mga mahahalagang pilosopo mula sa Silangan:Confucius,Lao Tzu,Avicenna,Al-Ghazali,Siddhartha Gautama, atGuru Nanak Dev

Isang kolektibong pantawag ang 'silanganing pilosopiya' upang ilarawan ang mga pilosopiya na umusbong saAsya - silangan sa pananaw ng mga Europeo. Kabilang sa saklaw nito ang mga pilosopiyang umusbong saGitnang Silangan,India, atSilangang Asya.

Malaki ang impluwensiya ngIslam sa pilosopiya ng Gitnang Silangan. Umusbong dito ang naturang relihiyon simula noong nagsimulang mangaral siMuhamad satangway ng Arabia. Sinubukan ng mga sumunod na pilosopong Muslim na bigyang-kahulugan at linawin ang mga nakasulat saKoran, sa panahong kilala bilangGinintuang Panahon ng Islam. SiAl-Kindi ang itinuturing na unang pilosopong Muslim, at nagsalin ng mga gawa ng mga kilalang Kanluraning pilosopo tulad niAristoteles atPlaton sawikang Arabo upang ikatuwiran na may pagkakasundo sapananampalataya at rason.[32] Sinundan siya niAvicenna at nagdebelop ng isang sistema upang malaman angrealidad ayon sa agham, relihiyon, atmistisismo.[28] Samantala, kritiko naman siAl-Ghazali ng ideya na makakarating ang rason sa tunay na pagkakaunawa sa realidad at sa Diyos. Nagsulat siya ng isangdetalyadong aklat patungkol sa aniya'y kontradiksyon ng pilosopiyang Griyego sa mga turo ng Islam.[33] Nagsimulang humina ang interes sa pilosopiya sa lugar matapos ang Ginintuang Panahon ng Islam.[28] Gayunpaman, itinuturing ng mga iskolar siMulla Sadra bilang isa sa mga mahahalagang pilosopo ng sumunod na panahon.[34]

Sasinaunang Tsina, mas nagpokus ang mga pilosopo sa mga praktikal na katanungan kesa sa paghahanap sa mga sagot upang malaman ang tunay na realidad, tulad halimbawa ng pagbuo ng mga sistemang pampilosopiya na may layuning hanapin ang tamang pagkilos at ugali sa lipunan at pamamahala.[28] Ito ang sentrong paksa ng mga pilosopiyang umusbong sa naturang rehiyon simula noong ika-6 na siglo BKP, tulad ngConfucianismo atDaoismo. Sentro sa mga turo sa Confucianismo ang iba't ibang anyo ng moral nabirtud at ang kahalagahan nito sa pagtamo sa isang nagkakaisang lipunan. Samantala, nakasentro naman ang Daoismo sa mga tanong tungkol sa relasyon ng tao sakalikasan.[28] Nabuo sa Tsina ang konsepto nglegalismo, isang pilosopiya na nakatuon sa pagkakaroon ng isang matatag naestado sa pamamagitan ng mga istriktong batas, atMohismo, na nakatuon naman sa isang ideya ngkonsekwensiyalismo na walang pinapanigan.[28][35] Dinala naman ngBudismo ang pilosopiya nito sa Tsina sa sumunod na siglo, na nagresulta saisang bagong anyo nito. Nagsimula naman noong ika-11 siglo angNeoconfucianismo, isang uri ng Confucianismo na nakapokus sametapisika nito. Sa modernong panahon, ang pilosopiya ng Tsina ay nakabase sa mga ideya niKarl Marx ukol sasosyalismo atkomunismo. Nagdebelop ito kalaunan saisang anyo ngMarxismo na unang ginamit niMao Zedong simula noong ika-20 siglo na nagpabagsak sahuling dinastiya ng Tsina at nagbigay-daan kalaunan samodernong komunistang bansa.[35][36]

Maraming paaralan ng pilosopiya ang nabuo sasubkontinente ng India. Nakapokus ang mga ito sa pagtuklas sa tunay na kalikasan ng realidad, sa pamamagitan ng pagtatanong sa espiritwal na paraan upang marating angkaliwanagan. Nagsimula ito sa mga turo ng mgamga Veda, isang mahalagang aklat saHinduismo. Sumesentro ito sa mga isyu sasarili at satunay na realidad gayundin sa konsepto ngpagsilang muli bilang isang nilalang matapos mamatay.[28] Kasabay nito ang pagdebelop ng mga ideya na hindi nakabase sa mga Veda, tulad halimbawa ng mga turo niGautama Buddha na nagbigay-daan kalaunan saBudismo, at ng mga unang tagasunod ngJainismo, na itinatatag niMahavira.[28] Sa mga sumunod na siglo, tinatayang nagsimula noong 200 BKP, anim na pangunahing paaralang Hindu ang umusbong sa subkontinente:Nyāyá,Vaiśeṣika,Sāṃkhya,Yoga,Mīmāṃsā, atVedanta.[37] Nagkakatalo-talo ito sa kanilang interpretasyon sa mga turo ng Hinduismo, at sa mga konsepto tulad ng kung isangilusyon lang nga ba talaga angrealidad. Kasabay ngpagsakop ng mga Kanluranin sa subkontinente simula noong ika-19 na siglo, nagsimula ring humalo angKanluraning pilosopiya sa pilosopiya ng rehiyon. Sa kasalukuyan, ang pilosopiya ng lugar ay magkahalong nakabase sa mga turo ng sinaunang pilosopiya at ng Kanluraning ideya dala ng mga taga-Britanya.[38]

Sangay

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mahahati sa mga sangay ang pilosopiya base sa klase ng katanungang sinasagot nito. Kabilang sa mga pangunahing sangay nito angepistemolohiya,etika,lohika, atmetapisika. Bukod sa mga ito, marami ring mga larangan ang may sariling sangay ng pilosopiya, katulad halimbawa ngpilosopiyang pampolitika, o di kaya'y sangay na nakatuon sa isang partikular na kultura, tulad ngpilosopiyang Tsino. Dahil sa lawak ng saklaw ng ilang sangay, minsan din itong itinuturing bilang mga disiplina sa ilalim ngagham panlipunan,relihiyon, atmatematika.

Epistemolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Epistemolohiya
Inilatag niEdmund Gettier angisang problema sa pilosopiya patungkol sa kalikasan ngkaalaman.

Epistemolohiya ang sangay ng pilosopiya na nakatuon sa kalikasan, pinagmulan, at saklaw ngkaalaman. Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga paksang may kinalaman sa kaalaman, tulad halimbawa ngrasyonalidad ngpaniniwala.

Walang tiyak na kahulugan ang kaalaman sa epistemolohiya. Ang tiyak na kahulugan nito ay isa sa mga pangunahing pinagdedebatehan sa naturang larangan. Ang pinakasikat na kahulugan nito ay nanggaling mula sa pilosopiya ngsinaunang Gresya, na nagsasabi na ang kaalaman ay isang paniniwalang totoo at makatuwiran. Bagamat nagkakaisa ang maraming epistemologo sa unang dalawang bahagi (na ang kaalaman ay isang paniniwalang totoo), hindi ganon ang kaso sa pangatlo (makatuwiran). Madalas isinasama ang pagiging makatuwiran ng kaalaman upang ihiwalay ang kaalaman mula sa mgakuro-kuro,pamahiin, ohula. Upang masabing kaalaman nga ang isang paniniwala, dapat may kaakibat na ebidensiya ang nagsasabi nito, tulad halimbawa ngkaranasan o alaala. Gayunpaman, ang pananaw na ito ay kritikal na sinuri ng mga epistemologo simula nung ika-20 siglo. Pinakasikat sa mga ito angmga inihaing problema ng Amerikanong epistemologo na siEdmund Gettier, na nagpapakita na hindi masasabing kaalaman agad ang isang paniniwala kahit na makatuwiran ito o totoo.

Etika

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Etika
Tinatanong saproblemang trolley kung ano ang pinakatamang gawin sa sitwasyong nangangailangang pumili ng ililigtas sa pagitan ng isa o maraming tao.

Etika ang sangay ng pilosopiya na sumesentro samoralidad at ang kalikasan ng tama at mali. Tinatawag din itong pilosopiyang moral dahil rito. Nahahati sa tatlo ang etika:normatibong etika,nalalapat na etika, atmetaetika. Sa normatibong etika, hinahanap ng mga pilosopo ang patunay bakit pinakatama ang ginawang desisyon ng isang tao. Ilan sa mga pangunahing sangay angKonsekwensiyalismo na nagsasabing pinakatama ang desisyon kung humantong ito sa pinakamagandang bunga,deontolohiya na nagsasabing pinakatama ang desisyon kung naaayon ito sa pagganap sa isang tungkulin, atetikang birtud na nagsasabi naman na pinakatama ang desisyon kung naaayon ito sa mgabirtud tulad ng katapangan at pagkakumbaba. Nalalapat na etika naman ang sangay ng etika na nakatuon sa mga partikular na etika sa iba't ibang larangan, tulad ng sa trabaho (etikang pampropesyonal) at biolohiya (bioetika). Samantala, pinag-aaralan naman sa metaetika ang kalikasan ng etika mismo, kung hiwalay ba ito sa isip, at sa paanong paraan naiimpluwensiyahan ngmoralidad ang mga desisyon ng tao.

Lohika

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Lohika
Modus ponens, isang anyo ngimperensiya na nagsasabing, "kung totoo angp, atdawit angq sap, masasabing totoo rin angq".

Lohika ang sangay ng pilosipiya na nakapokus sa pagbibigay ng tamang dahilan. Nahahati ito sa dalawa:pormal atdi-pormal. Pinag-aaralan sa pormal na lohika ang katibayan ng mga iprinesentangargumento na hiwalay sa kanilang paksa o nilalaman. Samantala, sentro sa pag-aaral ng di-pormal na lohika angkritikal na pag-iisip at angteorya ng argumento. Gumagamit ito ngwikang likas, di tulad ng pormal na lohika, na gumagamit naman ngwikang pormal.

Argumento ang sentrong paksa sa lohika. Kalipunan ito ng mgapalagay na may bunga. Gumagamit ang mga ito ng mgaproposisyon na maaaring tama o mali, depende sa mga kahulugan ng bawat bahagi nito. Masasabing tama ang isang argumento kung suportado ng mga palagay na iprinesenta ang sinasabing bunga nito.

Metapisika

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Metapisika
Isang depiksyon saDiyos sa rehiliyongKristiyanismo. Isa sa mga pinag-aaralan sametapisika ang sagot sa tanong na, "meron nga bangdiyos?"

Metapisika ang sangay ng pilosopiya na nakatuon sa kalikasan ngrealidad. Ilan sa mga kasama sa pag-aaral nito angpag-iral,katauhan, atkamalayan. Bukod dito, sakop din nito ang mga pag-aaral na may kinalaman sa paghahanap kungmeron bangdiyos, gayundin ang relasyon ng mga konseptong katulad ngkaisipan atsanhi at bunga.

Talababa

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. ibang katawagan:batnayan[1]
  2. ibang katawagan:pilosoper,[2]batnayanon[3]

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Pagsipi

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "batnayan":Del Rosario, Gonsalo (1969). Salcedo, Juan (pat.).Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino (sa wikang Filipino). Maynila, Pilipinas: Lupon sa Agham. p. 248.
  2. 2.02.12.2De Leon, Emmanuel C. (2016)."Pamimilosopiya, Wika, at Mga Baluktot na Katuwiran: Tungo sa Pagpapayaman ng Wikang Pilosopikal sa Pilipinas"(PDF).Hasaan.Pamantasan ng Santo Tomas: 49. Nakuha noong7 Abril 2024.
  3. "batnayanon".Glosbe (sa wikang Ingles). Nakuha noong2 Nobyembre 2023.
  4. "filosofía" [pilosopiya].Diccionario de la lengua española (sa wikang Kastila). Nakuha noong10 Hulyo 2023.
  5. Liddell, Henry George; Scott, Robert (1940).A Greek-English Lexicon.Oxford: Clarendon Press. Nakuha noong10 Hulyo 2023.
  6. Bottin 1993, p. 151.
  7. Jaroszyński 2018, p. 12.
  8. 8.08.1Harper 2022.
  9. Shivendra 2006, p. 15-16.
  10. Tuomela 1985, p. 1.
  11. Grant 2007, p. 318.
  12. Lindberg 2007, p. 3.
  13. Agpaoa, Jerwin (2019)."Pamimilosopo: Understanding the Filipino Practice of "Philosophizing"".Philippine Social Sciences Review (sa wikang Ingles).71 (2) (nilathala 15 Nobyembre 2021). Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 7 Abril 2024. Nakuha noong7 Abril 2024.
  14. Mahinay Mabaquiao, Napoleon Jr. (Oktubre 2020)."Pilosopiya: Isang Pag-unawa". Nakuha noong7 Abril 2024 – sa pamamagitan ni/ng ResearchGate.
  15. "batnayan":Del Rosario, Gonsalo (1969). Salcedo, Juan (pat.).Maugnaying Talasalitaang Pang-agham Ingles-Pilipino (sa wikang Filipino). Maynila, Pilipinas: Lupon sa Agham. p. 249.
  16. Honderich 2005.
  17. 17.017.1Sandkühler 2010a.
  18. 18.018.118.218.318.4Overgaard, Gilbert & Burwood 2013, p. 17-44.
  19. Tieszen 2005, p. 100.
  20. Banicki 2014, p. 7-31.
  21. Hadot 1997.
  22. Grimm & Cohoe 2021, p. 236-251.
  23. 23.023.1Blackson 2011.
  24. 24.024.124.2Graham 2023.
  25. Duignan 2010, pp. 9–11.
  26. Pasnau, Robert (2023). Zalta, Edward N.; Nodelman, Uri (mga pat.)."Thomas Aquinas" [Tomas ng Aquino].The Stanford Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles). Stanford University. Nakuha noong28 Hulyo 2023.
  27. Adamson 2022, pp. 155–157.
  28. 28.0028.0128.0228.0328.0428.0528.0628.0728.0828.0928.10Grayling 2019.
  29. Chambre et al. 2023.
  30. Mussett, Shannon."Simone de Beauvoir".Internet Encyclopedia of Philosophy (sa wikang Ingles). Nakuha noong9 Agosto 2023.
  31. Waithe 1995.
  32. Adamson 2020. harv error: no target: CITEREFAdamson2020 (help)
  33. Adamson 2016, p. 140-146.
  34. Rizvi 2021.
  35. 35.035.1Littlejohn 2023.
  36. Mou 2009.
  37. Adamson & Ganeri 2020.
  38. Perrett 2016.

Bibliograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Link sa labas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Mga mapagkukunang impormasyon patungkol saPilosopiya
Sangay
Mga larangan
Estetika
Epistemolohiya
Etika
Isip
Malayang kalooban
Metapisika
Normatibidad
Ontolohiya
Realidad
Panahon
Panahon
Sinauna
Indiyano
Persyano
Tsino
Sinaunang Gresya atRoma
Medyebal
Hudyo
India
Islam
Kanluranin
Silangang Asya
Moderno
Tao
Kontemporaryo
Mapanuri
Kontinental
Iba pa
Rehiyon
Rehiyon
Aprika
Silanganin
Gitnang Silangan
Kanluranin
Iba pa
Mga larangan
Interdisiplinaryo
Tema
Mga dyornal
Akademya
Kaugnay
International
National
Other
Pilosopiya mula sa mgakapatid na proyekto ng Wikipedia:
Mga kahulugan mula Wiktionary
Mga midya mula Commons
Mga balita mula Wikinews
Mga sipi mula Wikiquote
Mga teksto mula Wikisource
Mga aklat mula Wikibooks
Mga kagamitan mula Wikiversity
Mga datos mula Wikidata
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Pilosopiya&oldid=2173846"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp