Ang Pilipinas ay matatagpuan din malapit saEkwador at saSingsing ng Apoy ng Pasipiko na siyang dahilan kung bakit madalas tamaan ang bansa ng mga bagyo at lindol. Ang Pilipinas ay may lawak na 300,000 kilometro kuwadrado (115,831 milya kuwadrado), at noong 2021, mayroon itong populasyon na humigit-kumulang 109 milyong katao.[6] Ang Pilipinas ang ikawalong pinakamataong bansa saAsya at angika-labintatlong pinakamataong bansa sa daigdig. Ang kabisera nito ay ang lungsod ngMaynila at ang pinakamalaking lungsod ay angLungsod Quezon; pawang bahagi ngKalakhang Maynila.
Noong sinaunang panahon, ang mgaNegrito ang ilan sa mga unang nanirahan sa kapuluan. Sinundan sila ng pagdating ng mgaAustronesyo. Naganap ang pakikipagkalakalan sa mgaIntsik, Malay,Indiyano, at mga bansangMuslim. Ang pagdating niFernando de Magallanes noong 1521 ay ang pasimula ng pananakop ng mga Kastila. Noong 1543, pinangalanan ng isang Kastilang manggagalugad na siRuy López de Villalobos ang kapuluan naLas Islas Filipinas (Mga Kapuluan ng Pilipinas) sa karangalan niFelipe II ng Espanya. Sa pagdating niMiguel López de Legazpi mula saLungsod ng Mehiko noong 1565, naitatag ang unang paninirahan ng mga Kastila sa kapuluan. Naging bahagi ang Pilipinas saImperyong Kastila nang mahigit 300 taon. Naging daan ito upang angKatolisismo ang maging pangunahing pananampalataya. Sa gitna ng kapanahunang ito, ang Maynila ang naging sentro ng kalakalan ng kanluran sa Pasipiko na umuugnay sa Asya saAcapulco saKaamerikahan gamit ang mgagaleon ng Maynila.
Sa gitna ng kaniyang paglalayag noong 1542, pinangalanan ng Kastilang manggagalugad na siRuy López de Villalobos ang mga pulo ngLeyte atSamar bilangFelipinas ayon sa pangalan niHaring Felipe II ng Espanya, na siyang Prinsipe ngAsturias noon. Sa huli, ang pangalangLas Islas Filipinas ang sasaklaw sa lahat ng mga pulo sa kapuluan. Bago ito naging pangkaraniwan, iba pang mga pangalan tulad ngIslas del Poniente (Mga Kapuluan ng Kanluran) at ang ipinangalan niFernando de Magallanes para sa mga pulo naSan Lázaro ay ginamit rin ng mga Kastila upang tukuyin ang kapuluan.
Sa pagdaan ng kasaysayan, ilang beses nang nagbago ang opisyal na pangalan ng Pilipinas. Sa gitna ngHimagsikang Pilipino, inihayag ngKongreso ng Malolos ang pagtatag ngRepública Filipina (Republika ng Pilipinas). Mula sa panahon ngDigmaang Espanyol–Amerikano (1898) atDigmaang Pilipino–Amerikano (1899-1902) hanggang sa panahon ngKomonwelt (1935-1946), tinawag ng mga Amerikano ang bansa bilangPhilippine Islands, na salin sa Ingles mula sa Kastila. Mula saKasunduan sa Paris, nagsimulang lumutang ang pangalan na "Pilipinas" at mula noon ito na ang naging kadalasang ngalan ng bansa. Mula sa katapusan ngIkalawang Digmaang Pandaigdig, ang opisyal na pangalan ng bansa ay "Republika ng Pilipinas".[7]
AngYungib ng Tabon ay ang pook kung saan natuklasan ang isa sa mga pinakamatandang labi ng tao sa Pilipinas, angTaong Tabon.Mga kinatay na labi ng isangRhinoceros philippinensis na natuklasan sa Rizal, Kalinga na nagpapatunay na may mga naninirahan nang hominini sa bansa 709,000 taon na ang nakararaan.
Ang kamakailang pagtuklas sa mga kasangkapang bato at buto ng mga labi ng kinatay na hayop saRizal,Kalinga ay patunay na may mga sinaunanghominini sa bansa 709,000 taon na ang nakararaan.[8] Samantala, ayon sa mga naitalang labi ng tao sa bansa, maaaring dinayo na ng mga tao ang Pilipinas ilang libong taon na ang nakalipas. Inaakala na ang labi ngTaong Callao na natuklasan saYungib ng Callao saCagayan ay ang pinakamatandang labi ng tao sa Pilipinas na may tanda na 67,000 taon.[9] Mas higit pang matanda sa naunang natuklasang labi ngTaong Tabon saPalawan na tinatayang 26,500 taon na ang nakalipas.[10] Tumawid sa mga sinaunang tulay na lupa ang mgaNegrito o Ita, na siyang tinatayang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas. Sa kalaunan, dumayo sila sa kagubatan ng mga pulo. Sa kasalukuyan, nang sumapit ang ikalawang libong taon, nanirahan din sa Pilipinas ang iba pang mga mandarayuhan mula satangway ng Malay, kapuluan ngIndonesia, mga taga-Indotsina atTaiwan.[11][12]
Mayroon nang mga mangilan-ngilang teorya patungkol sa pinagmulan ng mga sinaunang Pilipino. Isa na ang teorya ni F. Landa Jocano na nagsasabing ang mga ninuno ng mga Pilipino ay lokal na umusbong. Ang teoryang "Pinagmulang Kapuluan" naman ni Wilhelm Solheim, ipinahihiwatig na ang pagdating ng mga tao sa kapuluan ay naganap sa pamamagitan ng mga network pangkalakalan na nagmula sa Sundaland sa pagitan ng 48,000 hanggang 5,000 BK at hindi sa pamamagitan ng malawak na pandarayuhan. Samantala, ipinapaliwanag ng teoryang "Paglawak ng mga Austronesyo" na ang mga Malayo-Polinesyong nagmula sa Taiwan ay nagsimulang lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK, taliwas sa mga naunang pagdating.
Ang pinakatinatanggap na teorya, batay sa lingguwistika at arkeolohikong katibayan, ay ang teoryang "Mula sa Taiwan", kung saan ipinapalagay na ang mgaAustronesyo mula Taiwan, na sila mismo ay nagmula sa mga neolitikong kabihasnan ngIlog Yangtze tulad ngkalinangang Liangzhu, ay lumipat sa Pilipinas noong 4,000 BK. Sa gitna ng Panahong Neolitiko, isang "kalinangan ng batong-luntian" ang sinasabing umiral na pinatunayan ng libu-libong magagandang gawangartipakto ng batong-luntian na nasumpungan sa Pilipinas na tinatayang noong 2,000 BK pa.
Ang batong-luntian ay sinasabing nagmula sa kalapit na Taiwan at nasumpungan rin sa iba't ibang pook sa kapuluan at pangunahing kalupaan ng Timog-silangang Asya. Ang mga artipaktong ito ang sinasabing patunay ng malawak na pakikipag-ugnayan ng mga lipunan ng Timog-silangang Asya sa isa’t isa noong sinaunang panahon.[13][14] Magmula noong 1,000 BK, ang mga naninirahan sa kapuluan ay binubuo ng apat na uri ng pangkat panlipunan: mga lipi ng mangangaso at mangangalakal, lipunan ng mga mandirigma, mga plutokrasi sa kabundukan, at mgaport principality.[15]
Mga larawan mula saBoxer Codex na ipinapakita ang sinaunang "kadatuan" otumao (mataas na uri).Mula kaliwa pakanan: (1) Mag-asawang Bisaya ng Panay, (2) ang mga "Pintados", isa pang pangalan sa mga Bisaya ng Cebu at sa mga pinalilibutang pulo nito ayon sa mga unang manlulupig, (3) maaaring isangtumao (mataas na uri) otimawa (mandirigma) na mag-asawang Pintado, at (4) isang mag-asawang maharlika ng mga Bisaya ng Panay.
Nanirahan sa bansa noong ikawalong dantaon ang mga mangangalakal naTsino. Ang paglaganap ng mga bansang (kaharian) Budismo sa bahagi ng Asya ang nagpasimuno ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa saIndonesia,India,Hapon, atTimog-Silangang Asya. Subalit, humina ang mga kaharian sa Timog-Silangang Asya dahil sa mahigpit na alitan at hindi pagkakasundo. Samantala, ang paglaganap ngIslam sa pamamaraan ng panangalakal at proselitismo, tulad ngKristiyanismo, ang nagdala sa mga mangangalakal at tagakalat ng pananampalataya sa kabahagian; ang mgaArabe ay dumating sa Mindanao noong ika-14 na dantaon. Sa pagdating ng mga unang Europeo, sa pangunguna ni Fernando Magallanes noong 1521, mayroon nang mgaraha hanggang sa hilaga ngMaynila, na naging mga karugtungang-sangay ng mga kaharian ng Timog-Silangang Asya. Subalit, pawang mga nagsasarili ang mga pulo ng Pilipinas noon.
Ang kasalukuyang paghihiwalay sa pagitan ng sinauna atmaagang kasaysayan ng Pilipinas ay ang araw na 21 Abril, taong 900, na siyang katumbas saKalendaryong Gregoryano ng araw na nakalagay saInskripsiyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna, na siyang pinakamatandang kasulatan na nagmula sa Pilipinas.[16] Ang araw na ito ay sumapit sa gitna ng kung anong tinatawag ng mga antropolohista bilang ang "yugto ng pag-usbong" ng Pilipinas (una hanggang ika-14 na dantaon), na inilalarawan bilang ang bagong pag-usbong ng sosyo-kalinangang huwaran, simula ng pag-unlad ng mga malalaking pamayanan sa baybayin, mas higit na pagsasapin-sapin at pagdadalubhasa sa lipunan, at mga pagsisimula ng lokal at pandaigdigang kalakalan. Magmula ika-14 na dantaon, ilan sa mga malalaking pamayanan ay naging maunlad na sentrong pangkalakalan, at naging kalagitnaang punto ng mga pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay, kung saan inilarawan ng kung anong tinatawag ni F. Landa Jocano na "yugto ng mgaBarangay" ng maagang kasaysayan ng Pilipinas, na nagsimula sa ika-14 na dantaon hanggang sa pagdating ng mga Kastila at ang pagsisimula ng panahong kolonyal ng Pilipinas.
Batay rin sa kasulatan, angsinaunang Tondo ay umiral noong bago mag-900 at nakasaad rin na ang Tondo noon ay may ugnayan sa Kaharian ng Medang sa kapuluan ng Java sa Indonesia. Bagaman ang katayuan ng ugnayan ng dalawa ay hindi malinaw sa kasulatan, patunay ito na noong ika-10 dantaon pa lamang ay may koneksyon na ang mga kabihasnan sa Luzon at Java. Sa pagdating ng mga Europeo noong ika-16 na dantaon, ang Tondo ay pinamumunuan ng tinatawag na "Lakan". Umusbong ito bilang pangunahing sentro ng kalakalan na may bahagi ng monopolyo saKarahanan ng Maynila sa mga produktong kalakal ngDinastiyang Ming sa buong kapuluan.
Ang susunod na makasaysayang tala ay tumutukoy sa isang pook sa Pilipinas ng Vol. 186 ng opisyal na kasaysayan ngDinastiyang Song kung saan isinasalarawan ang "bansa" ngMa-i. Taun-taon binibisita ng mga Tsinong mangangalakal ang Ma-i at nagsasalarawan ang kanilang mga tala tungkol sa heograpiya, mga produktong kalakal, at ang pag-uugali ng mga namuno sa Ma-i. Isinaad ng mga Tsinong mangangalakal na ang mga mamamayan ng Ma-i ay tapat at mapagkakatiwalaan. Dahil sa hindi malinaw na mga pagsasalarawan ng mga tala tungkol sa kinaroroonan ng Ma-i, pinagdedebatihan pa rin kung saan ito umiral, may mga iskolar na inaakalang nasaBay, Laguna ito, habang ang iba naman ay nag-aakalang nasa pulo ngMindoro ito.
Ang selyong garing ng Butuan na natuklasan noong dekada '70 sa lungsod ng Butuan na nagpapatunay na mahalagang sentro ng kalakalan ang kaharian noong panahong klasikal.
Sumunod na itinukoy ng opisyal na kasaysayan ng Dinastiyang Song angKarahanan ng Butuan, isang maunlad na kabihasnan sa hilaga't-silangang Mindanao, kung saan ito ang unang naitalang bansa mula sa kapuluan ng Pilipinas na nagpadala ng sugo sa Tsina noong 17 Marso 1001. Nakamit ng Butuan ang katanyagan nito sa ilalim ng pamumuno ni Raha Sri Bata Shaja, na isangBudistang namumuno sa isang bansangHindu. Naging makapangyarihan ang estadong ito dahil sa lokal na industriya ng panday-ginto at nagkaroon ito ng ugnayan at tunggaliang diplomatiko sa kaharian ng Champa.
Ayon sa alamat, itinatag naman angKadatuan ng Madyaas kasunod ng isang digmaang sibil sa pabagsak na Srivijaya, kung saan ang mga tapat na datung Malay sa Srivijaya ay nilabanan ang pananakop ngDinastiyang Chola at ang papet na Raha nitong si Makatunao, at nagtatag ng isang estadong gerilya sa Kabisayaan. Ang datu na nagtatag sa Madyaas na si Puti, ay bumili ng lupa para sa kaniyang kaharian mula sa isang katutubongAti na si Marikudo. Itinatag ang Madyaas saPanay (ipinangalan mula sa estado ng Pannai na kaalyado ng Srivijaya na nasaSumatra). Pagkatapos, madalas na nilulusob ng mga taga-Madyaas ang mga daungang panlungsod sa katimugang Tsina at nakipaggulo sa hukbong pandagat ng Tsina.
Kalapit ng Madyaas sa Kabisayaan ang Kaharian ng Cebu na pinamunuan ni Rahamuda Sri Lumay, isang maharlika na may liping Tamil mula sa India. Ipinadala si Sri Lumay ng Chola Maharajah upang sakupin ang Madyaas, subalit sumuway siya at bumuo na lamang ng sarili niyang malayang karahanan. Pawang magkaalyado ang Karahanan ng Butuan at Cebu at napanatili nila ang ugnayan at nagkaroon ng rutang pangkalakalan sa Kutai, isang bansang Hindu sa katimugangBorneo na itinatag ng mga Indiyanong mangangalakal.
Ang pinakamatandang petsa na nagbanggit tungkol sa Kaharian ng Maynila sa Luzon sa kabila ngIlog Pasig mula Tondo ay may kinalaman sa tagumpay ni Raha Ahmad ng Brunei laban kay Raha Avirjirkaya ngMajapahit, na namuno sa parehong lokasyon bago ang paninirahan ng mga Muslim. Nabanggit rin sa mga tala ng Tsino ang isang bansa na tinatawag na "Luzon". Pinaniniwalaang may kinalaman ito sa sinaunang Maynila dahil inihayag sa mga tala ng Portuges at Kastila noong mga 1520 na angLuçon at "Maynila" ay iisa lamang. Bagaman sinasabi ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan na dahil wala sa mga nakasaksi na ito ang talagang nakabisita sa Maynila, maaaring tinutukoy lamang ngLuçon ang lahat ng mga bayan ng mgaTagalog atKapampangan na umusbong sa mga baybayin nglook ng Maynila. Gayun man, mula 1500 hanggang mga 1560, itong mga naglalayag na mga taga-Luzon ay tinatawag sa Portuges Malaka naLuções o "Lusong/Lusung", at nakilahok rin sila sa mga kilusang pang-militar sa Burma (Dinastiyang Toungoo), Kasultanan ng Malaka, at Silangang Timor bilang mga mangangalakal at mersenaryo. Ang isang prominentengLuções ay siRegimo de Raja, na isang magnate sa mga pampalasa at isangTemenggung (sulat Jawi: تمڠݢوڠ) o gobernador at pulis-punong heneral sa Portuges Malaka. Siya rin ang pinuno ng isang hukbong dagat kung saan nangalakal at pinrotektahan ang komersyo sa pagitan ngkipot ng Malaka,dagat Luzon, at mga sinaunang kaharian at bayan sa Pilipinas.
Sa hilagang Luzon, ang Kaboloan (na ngayo'y nasaPangasinan) ay nagpadala ng mga emisaryo sa Tsina noong 1406-1411, at nakipagkalakal rin ito saHapon.
Sa ika-14 na dantaon dumating at nagsimulang lumaganap ang pananampalatayangIslam sa Pilipinas. Noong 1380, sina Karim ul' Makdum at Shari'ful Hashem Syed Abu Bakr, isang Arabong mangangalakal na isinilang saJohor, dumating saSulu mula Melaka at itinatag angKasultanan ng Sulu sa pagkumberto sa Raha ng Sulu na si Raha Baguinda Ali at pinakasalan ang kaniyang anak. Sa katapusan ng ika-15 dantaon, pinalaganap niShariff Kabungsuwan ng Johor ang Islam sa Mindanao at itinatag naman angKasultanan ng Maguindanao. Ang kasultanang uri ng pamahalaan ay lumawak pa patungong Lanao.
Patuloy na lumaganap ang Islam sa Mindanao at umabot sa Luzon. Naging Islamisado ang Maynila sa gitna ng paghahari ni Sultan Bolkiah mula 1485 hanggang 1521. Naisakatuparan ito dahil nilabanan ng Kasultanan ng Brunei ang Tondo sa paggapi kay Raha Gambang sa labanan at matapos ay iniluklok ang Muslim na Raha Salalila sa trono at sa pagtatag ng estadong-papet ng Brunei na angKaharian ng Maynila. Pinakasalan din ni Sultan Bolkiah si Laila Mecana, ang anak ng Sultan ng Sulu na si Amir Ul-Umbra upang palawakin ang sakop ng Brunei sa Luzon at Mindanao. Nagpatuloy ang mga Muslim sa pakikipagdigma at nagsagawa ng mga slave-raid laban sa mgaBisaya. Bunga ng pakikilahok sa mga pagsalakay ng mga Muslim, nilipol ng Kasultanan ng Ternate angKadatuan ng Dapitan saBohol. Nadali rin ang mga karahanan ng Butuan at Cebu ng mga isinagawang slave-raid at nakipagdigma laban sa Kasultanan ng Maguindanao. Kasabay ng mga slave-raid na ito, ay ang panghihimagsik ni DatuLapu-Lapu ngMactan laban kayRaha Humabon ng Cebu. Mayroon ding alitan sa teritoryo sa pagitan ng Tondo at ang Islamikong Kaharian ng Maynila, kung saan ang pinuno ng Maynila, na siRaha Matanda, ay humiling ng tulong pang-militar laban sa Tondo mula sa kaniyang mga kamag-anak sa Kasultanan ng Brunei.
Ang mga tunggalian sa pagitan ng mga Datu, Raha, Sultan, at Lakan ang nagpadali sa pananakop ng mga Kastila. Ang mga kapuluan ay kakaunti lamang ang bilang ng mga naninirahang tao dahil sa patuloy na mga nagdaraang unos at pagkakaalitan ng mga kaharian. Samakatuwid, naging madali ang kolonisasyon at ang mga maliliit na estado sa kapuluan ay dagliang nasakop ngImperyong Kastila at nagsimula ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Sa pamumuno niMiguel López de Legazpi, sinakop at inangkin ng mga Kastila ang kapuluan noong ika-16 na dantaon at pinangalanan itong "Las Islas Filipinas" ayon sa ngalan ni HaringFelipe II.[17][18] Kaagad na ipinakilala at ipinalaganap angKatolisismo sa pamamagitan ng mga tagakalat ng pananampalataya, at pati na rin ang mga Batas ng Indias (Laws of the Indies) at iba pang alituntuning pampatupad. Matigas na pagsuway ang itinugon ng mga pangkat katutubo sa kabundukan pati na rin ng mga mapanlabang Muslim na nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Kabi-kabilang mga himagsikan at karahasan ang lumaganap sa mga baybayin sa kabuuan ng tatlong dantaong pananakop, bunga na rin ng pagsasamantala at kakulangan ng pagbabago. Pinamahalaan mula saBireynato ng Nueva España (Bagong Espanya sa ngayon ayMehiko) ang bagong nasasakupan at nagsimula ang kalakalan saGalyon ng Maynila sa pagitan ng Acapulco at Maynila noong ika-18 dantaon.
Itinatag ng punong panlalawiganJosé Basco y Vargas noong 1781 ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Samahang Pangkalakalan ng mga Kaibigan ng Bayan) at ginawang hiwalay ang bansa mula sa Bagong Espanya.
Nagbukas ang pakikipagkalakalan ng bansa sa daigdig noong ika-19 na dantaon. Ang pag-angat ng mga masigasig at makabayang burges, binubuo ng mga nakapag-aral na mga katutubong Pilipino, mga Kastila at creole na ipinanganak sa Pilipinas, mga mestisong Espanyol at Tsino, silang mga ilustrado ang nagpahiwatig ng pagtatapos ng pananakop ng Kastila sa kapuluan. Naliwanagan saKilusang Propaganda na nagsiwalat sa kawalang-katarungan ng pamahalaang kolonyal, sama-sama silang sumigaw para sa kalayaan. Dinakip, nilitis, binigyang-sala, hinatulan ng kamatayan at binaril siJosé Rizal, ang pinakasikat na propagandista, noong 1896 sa Bagumbayan (Luneta ngayon) dahil sa mga gawaing umano ng pagpapabagsak ng pamahalaan. Naglaon at pumutok angHimagsikang Pilipino na pinangunahan ngKatipunan, isang lihim panghimagsikang lipunan na itinatag niAndrés Bonifacio at napamunuan din niEmilio Aguinaldo. Halos tagumpay na napatalsik ng himagsikan ang mga Kastila noong 1898.
Panahon ng mga Amerikano at ang Pananakop ng mga Hapon
Noong taon ding iyon, magkadawit ang Espanya atEstados Unidos saDigmaang Kastila-Amerikano. Natalo ang Espanya at ipinasiya nilang ipasa ang kanilang mga nasasakupan na ang Pilipinas, Guam, Kuba, at Puerto Rico sa Estados Unidos. Binayaran naman ng Estados Unidos ang Espanya ng 20 milyong dolyar para sa mga ito, gayong nakapag-pahayag na ng kalayaan ang Pilipinas at itinatag angUnang Republika ng Pilipinas at si Emilio Aguinaldo ang hinirang na pangulo, ngunit hindi ito kinilala noong dalawang bansa.
Ang pagtanggi ng mga Pilipino sa panibagong pananakop, ngayon ang mga Amerikano, ang nagtulak saDigmaang Pilipino-Amerikano na natapos umano noong 1901 ngunit nagpatuloy hanggang 1913. Ang planong pagkalooban ng kalayaan ang bansa ay naudlot nang magsimula angIkalawang Digmaang Pandaigdig. Sinakop ng Imperyong Hapon ang bansa at itinatag angIkalawang Republika ng Pilipinas.[19]
Maraming mga krimen ng digmaan ang ginawa ng mga Hapones sa panahon ng kanilang pananakop. Ang mga gerilya ay nagpatuloy sa kanilang pang-haharas sa mga Hapones. Bumalik sa bansa ang mga Amerikano noong Oktubre 1944. Tuluyang natalo ang mga Hapones noong 1945. Halos isang milyong Pilipino ang namatay sa digmaan. Naging isa sa mga unang naging kasapi ngMga Nagkakaisang Bansa ang Pilipinas. Noong 4 Hulyo 1946 ay ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng Pilipinas.
Panahon ng Ikatlong Republika at Rehimeng Marcos
Ang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos noong 4 Hulyo 1946. Ipinapakita nito ang pagbaba sa watawat ng Estados Unidos habang itinataas naman ang watawat ng Pilipinas.
Noong 11 Oktubre 1945, naging isa ang Pilipinas sa mga unang kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa at sa sumunod na taon, sa 4 Hulyo 1946, kinilala ng Estados Unidos angkasarinlan ng Pilipinas, sa gitna ng pagkapangulo niManuel Roxas. Ang mga natitirang kasapi ng komunistangHukbalahap ay nagpatuloy ang presensya sa bansa ngunit nasupil ito ng sumunod kay PangulongElpidio Quirino na siRamon Magsaysay. Ang sumunod kay Magsaysay na siCarlos P. García, ay nilikha naman ang patakarang "Pilipino Muna" na itinuloy niDiosdado Macapagal. Sa panunungkulan ni Macapagal, inilipat ang araw ng kalayaan mula sa Hulyo 4 at ginawang Hunyo 12, na siyang araw nainihayag ni Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya. Habang pinaigting naman ang pagbawi saSabah.
Noong 1965, natalo si Macapagal sa pampanguluhang halalan kayFerdinand Marcos.[20] Sa kaniyang pagkapangulo, pinasimulan ni Marcos ang proyektong pang-imprastraktura ngunit napagbintangan naman ng malawakang katiwalian at lumustay ng bilyun-bilyong dolyar sa pampublikong pondo. Noong malapit na matapos ang termino ni Marcos ay nagpahayag siya ngbatas militar noong 21 Setyembre 1972.[21] Ang panahong ito ay inilalarawan bilang panahon ng pampulitikang panunupil, pangtatakip, at paglabag sa karapatang pantao.[22][23] Itinatag sa mga pangunahing industriya ang monopolyo na kontrolado ng mga kroni ni Marcos,[24] kabilang ang pagtotroso at pagsasahimpapawid; ang monopolyo sa asukal ang siyang humantong sataggutom sa pulo ng Negros sa kalagitnaan ng dekada 1980s.[25][26]
Deklarasyon ng Batas Militar, sa uluhan ng Sunday Express.
Kasama ang kanyang asawang siImelda, inakusahan si Marcos ng katiwalian at paglustay ng bilyun-bilyong dolyar ng pondong pampubliko.[27][28] Ang mabigat na pangungutang ni Marcos sa unang bahagi ng kanyang pagkapangulo ay nagresulta sa pagbagsak ng ekonomiya, na pinalala ngrecession noong unang bahagi ng dekada 1980s kung saan ang ekonomiya ay kumurot ng 7.3 porsiyento taun-taon noong 1984 at 1985.[29]
Panahon ng Ikalimang Republika (1986 – kasalukuyan)
Sa pagbabalik ng demokrasya at reporma sa pamahalaan noong Pebrero 1986, hinarap ng administrasyong Corazon Aquino ang problema sa malaking utang, korapsyon, at mga kudeta.[33] Isang paghihimagsik ng mga komunista at labanang militar sa mga separatistang Moro ang nagpatuloy;[34] humarap din sa sunud-sunod na mga sakuna ang administrasyon, kabilang anglindol sa Luzon noong Hulyo 1990, at ang pagsabog ngBundok Pinatubo noong Hunyo 1991.
Minarkahan ng paglago ng ekonomiya ang siyam na taong administrasyon ni Arroyo, ngunit nabahiran ito ng katiwalian at mga iskandalo sa pulitika,[39] kabilang ang mga alegasyon ng pandaraya sahalalang pampanguluhan sa Pilipinas noong 2004.[40] Nagpatuloy ang paglago ng ekonomiya sa panahon ng administrasyon niBenigno Aquino III, na nagtataguyod ng mabuting pamamahala at kalinawan.[41][42] Nilagdaan ni Aquino III ang isang kasunduang pangkapayapaan saMoro Islamic Liberation Front (MILF) na nagresulta sa pagbuo ngBangsamoro Organic Law na siyang bumuo sa rehiyong nagsasarili ngBangsamoro, ngunit naantala ang pagpasa ng batas dahil sa pakikipagbarilan ng mga rebeldeng MILF sa Mamasapano.[43][44]
Ang Pilipinas ay isangkapuluan ng 7,641 mga pulo na ang kabuoan ng sukat ng lupa, kasama ang mga nakapaloob na bahagi ng tubig, ay tinatayang nasa 300,000 kilometro kuwadrado (120,000 sq mi).[51] Ang baybayin nito na ang sukat ay 36,289 kilometro (22,549 mi) ang dahilan kung bakit ikalima ang Pilipinas sa pinakamalawak ang baybayin sa buong daigdig.[52] Nasa pagitan ito ng 116° 40', at 126° 34' E. longhitud at 4° 40' at 21° 10' N. latitud at humahangga saDagat Pilipinas sa silangan, saDagat Timog Tsina sa kanluran, at sa Dagat Sulawesi sa Timog (kasalukuyangDagat Celebes). Ang pulo ngBorneo ay matatagpuan ilang daang kilometro sa timog kanluran at ang Taiwan ay nasa hilaga.[53] Ang labing-isang pinakamalaking isla ng bansa ay angLuzon,Mindanao,Samar,Negros,Palawan,Panay,Mindoro,Leyte,Cebu,Bohol atMasbate, na bumubuo sa humigit-kumulang siyamnapu't-limang porsiyento ng kabuuang lawak ng bansa.[54]
AngBulkang Mayon ang pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas.
Karamihan sa mga bulubunduking kapuluan ay nababalot ng mga kagubatang tropikal at mga nagmula sa mga pagsabog ng bulkan. Ang pinakamataas na bundok ay angBundok Apo sa Mindanao. Ang sukat nito ay 2,954 metro (9,692 talampakan) mula sa kapatagan ng dagat. Ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas ay angIlog Cagayan sa hilagang Luzon, na umaagos ng humigit-kumulang 520 kilometro (320 mi).[55]
Ang Pilipinas ay napapaloob din sa tinatawag naSingsing ng Apoy ng Pasipiko na isa sa pinakaaktibongfault areas sa buong daigdig.[56][57][58] Humigit-kumulang limang lindol ang naitala araw-araw, bagaman karamihan ay masyadong mahina para maramdaman. Maramingbulkan ang madalas na sumasabog sa bansa tulad ngBulkang Pinatubo atBulkang Mayon.
Klima
Ang pampook na pangmatagalang panahon ay mainit, maalinsangan, at tropikal. Ang kalimitang taunang temperatura ay nasa 26.5° sentigrado. May tatlong panahon sa Pilipinas na pangkalahatang kinikilala ng mga Pilipino. Ito ay ang Tag-init o Tag-araw (mainit na panahon mula ika-3 buwan hanggang ika-5 buwan), ang Tag-ulan (maulan na panahon mula ika-6 buwan hanggang ika-11 buwan), at ang Taglamig (malamig na panahon mula ika-12 buwan hanggang ika-2 buwan). Ang bansa rin ay nasa tinatawag na "typhoon belt" ng Kanlurang Pasipiko at ito ay tinatamaan ng mga 19 nabagyo taon-taon.
Ang pamahalaan ng Pilipinas, na hinalintulad sa sistema ngEstados Unidos, ay natatag bilangRepublika ng mga Kinatawan. Ang kanyangPangulo ay may tungkulin bilangpinuno ng estado at pati ngpamahalaan. Siya rin ang punong kumandante ngHukbong Sandatahan. Naluluklok ang Pangulo sa posisyon sa pamamagitan ng isang pangkalahatang halalan at manunungkulan siya sa loob ng anim na taon. Siya ang may katungkulang maghirang ng mga kasapi at mamuno sa gabinete.
Ang Batasan ng Pilipinas ay nahahati sa dalawang Kapulungan, ang Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga kasapi ng dalawang kamarangKongreso, na binubuo ngSenado at ngKapulungan ng mga Kinatawan, ay hinahalal sa botong popular.
Binubuo ang Mataas na Kapulungan o Senado ng 24 na senador na naninilbihan sa loob ng 6 na taon. Tuwing 3 taon, kalahati ng mga kasapi nito ay napapalitan sa pamamagitan ng pangkalahatang halalan at maaaring manungkulan ang isang senador nang hanggang 3 sunud-sunod na termino.
Samantala, ang Mababang Kapulungan o Kapulungan ng mga Kinatawan naman ay inihahalal ng mga botante ng isang distrito o sektor at may terminong 3 taon. Maaari ring manilbihan ang isang Kinatawan ng hanggang 3 sunud-sunod na termino. Binubuo ang Mababang Kapulungan ng hindi bababà sa 225 kinatawan.
Ang sangay panghukuman ng pamahalaan ay pinamumunuan ngKataas-taasang Hukuman, angPunong Mahistrado ang namumuno nito at may 14 na Kasamang Mahistrado, lahat hinihirang ng Pangulo at manunungkulan hanggang sa panahon ng kaniyang pagreretiro.
Ang Pangulo, Pangalawang Pangulo at Punong Mahistrado ng Pilipinas ay mapatatalsik lamang sa kaniyang posisyon sa pamamagitan ng isang prosesong pampolitika na kung tawagin aypagsasakdal, katulad ng nangyari sa dating PangulongJoseph Ejercito Estrada dahil sa pagkakasangkot sa Jueteng Scandal na nabunyag noong 2001. Napatalsik din sa puwesto ang dating Punong Mahistrado na siRenato Corona dahil sa pagiging tuta niya kay dating PangulongGloria Macapagal-Arroyo. Nagtagumpay ang pagsakdal noon sapagkat kusang umalis sa Malakanyang si Estrada at ang pumalit ay ang Pangalawang Pangulo nitong si Gloria Macapal ang fice
Ugnayan sa ibang bansa
Pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Duterte atVladimir Putin ngRusya sa gitna ng pulong-panguluhan ng Kooperasyong Pang-ekonomiya sa Asya-Pasipiko saPeru, 2016.
Pinapahalagahan ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Estados Unidos. Sinuportahan ng Pilipinas ang Amerika saDigmaang Malamig at angDigmaang Pangterorismo at isang pangunahing kaalyado na hindi kasapi ngOrganisasyon ng Tratado ng Hilagang Atlantiko. Ang mga ugnayan sa iba pang mga bansa ay maayos sa pangkalahatan. Ang ibinahaging pagpapahalaga sa demokrasya ay nagpapagaan sa ugnayan sa mga bansa sa kanluran at Europa. Habang ang parehong pang-ekonomiyang aalahanin ay nakatutulong sa pakikipagugnayan sa ibang mga bansang papaunlad pa lamang. Ang makasaysayang ugnayan at pagkakahalintulad sa kalinangan ay nagsisilbi rin bilang tulay sa pakikipagugnayan sa Espanya. Sa kabila ng mga isyu tulad ng pagmamalabis at mga digmaang nakadudulot samga Pilipinong nasa ibayong-dagat, ang ugnayan sa mga bansa saGitnang Silangan ay mabuti, na nakikita ito sa patuloy na pagbibigay hanapbuhay sa mahigit dalawang milyong Pilipinong naninirahan doon.
Ang Pilipinas ay kasalukuyang nasa isang pagtatalo sa mga bansangTaiwan,Tsina,Vietnam atMalaysia patungkol sa kung sino ang tunay na may-ari ngKapuluang Spratly na masagana ng langis at likas na petrolyo. Ito rin ay may 'di pagkakaunawaan sa bansang Malaysia sa usapingSabah. Sinasabing ibinigay ng Sultan ngBrunei ang teritoryo ng Sabah sa Sultan ngSulu pagkatapos nitong tumulong sa pagkawasak ng isang rebelyon doon. Iyon ang nagbigay karapatan at poder sa pamahalaan ng Pilipinas na angkinin muli ang kanyang nawalang lupain. Hanggang ngayon, tumatanggap ang Sultan ng Sulu ng pera para sa "upa" sa lupa mula sa pamahalaan ng Malaysia.
Ang Pilipinas ay nababahagi sa mga pangkat ng pamahalaang pangpook (local government units o LGU). Ang mgalalawigan ang pangunahin na pangkat. Hanggang 2002, mayroong 85 na lalawigan sa bansa. Ang mga ito ay nababahagi pa sa mgalungsod atbayan, na binubuo ng mgabarangay. Ang barangay ang pinakamaliit na pangkat pampook ng pamahalaan. Ang lahat ng mga lalawigan ay nalulupon sa 23mga rehiyon para sa kadaliang pamumuno. Karamihan sa mga sangay ng pamahalaan ay nagtatayo ng tanggapan sa mga bahagi para magsilbi sa mga lalawigang saklaw nito. Subalit, ang mga bahagi sa Pilipinas ay walang bukod na pamahalaang pampook, maliban saBangsamoro atKordilyera, na mga nagsasariling rehiyon.
Ang Pilipinas ay isangumuunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang antas ng sahod sa Pilipinas aymababang gitnang sahod (lower middle income)[59]. AngGDP kada tao ayon saPurchasing power parity (PPP) sa Pilipinas noong 2013 ay $3,383 na ika-130 sa buong mundo at mas mababa sa ibang mga bansa saTimog Silangang Asya gaya ng Brunei, Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia[60]. AngGDP kada tao ayon sa PPP ay naghahambing ng mga pangkalahatang pagkakaiba sapamantayan ng pamumuhay sa kabuuan sa pagitan ng mga bansa dahil isinasaalang alang nito ang relatibong gastos ng pamumuhay at mga antas ng pagtaas ng presyo ng bilihin ng mga bansa. Ang Pilipinas ay ika-138 sa buong mundo saindeks ng pagiging madaling magnegosyo o mahirap magnegosyo sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay ika-105 saCorruption Perceptions Index sa mga 176 bansa sa buong mundo o may napakataas na antas ng korupsiyon.[61]
Ang kahirapan at hindi pantay na sahod sa pagitan ng mayaman at mahirap ay nananatiling mataas sa Pilipinas.[62] Ang mga kamakailang paglago sa ekonomiya ng Pilipinas ay nangyayari lamang sa mgasektor ng serbisyo gaya ng industriyangpagluluwas ng semikondaktor, telekomunikasyon, BPO, real estate na sinusuportahan ng mga remitans o ipinadalang salapi ng mga OFW sa kanilang mag-anak sa Pilipinas na may maliliit na negosyo. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit mayroong hindi sapat na kalidad na trabaho at ang kahirapan at pagiging hindi pantay ng sahod ay hindi napabuti.[62] Ang sektor na lilikha ng mas maraming trabaho gaya ng agrikultura, pagyayari, at industriya ay matamlay.[62]
Iniulat ng World Bank na ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang ekonomiya saAsya noong mga 1950 pagkatapos ngHapon ngunit naging isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ngayon.[63][64] Ito ay itinuturo ng mga ekonomista sa mga taon ng maling pangangasiwa sa ekonomiya at pababago-bagong kondisyon sa politika noong rehimen niFerdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986 na nag-ambag sa bumagal na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.[64] Ayon sa ilang sanggunian, ang taunang GDP ng Pilipinas mula 1976 hanggang 1986 sa ilalim ni Marcos ay 1.8% lamang.[65] Sa ilalim ni Marcos, angkapitalismong kroni atmonopolyo ay itinatag kung saan ang kanyang mga kroni ay malaking nakinabang.[66] Sa ilalim ni Marcos, ang Pilipinas ay mabigat naumutang sa dayuhan na umabot ng 28 bilyong dolyar mula kaunti sa 2 bilyong dolyar nang maluklok siya sa puwesto noong 1965. Sa kasalukuyan, ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagbabayad pa rin ng interes sa mga utang pandayuhan ng bansa na natamo noong panahon ng administrasyong Marcos hanggang sa 2025.[67]
Bilang isang bagong bansang industriyalisado, nagpapalit na ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa pagiging isang bansang nakabatay sa agrikultura patungo sa ekonomiyang nakabatay ng higit sa mga paglilingkod at paggawa. Sa kabuoang bilang ng mga manggagawa sa bansa na nasa 38.1 milyon[2], 32% nito ay naghahanapbuhay sa sektor ngagrikultura subalit 13.8% lamang nito ang naiaambag sa GDP. ang sektor ng industriya na nasa 13.7% ng dami ng manggawa ay nakakapag-ambag ng 30% sa GDP. Samantala ang natitirang 46.5% ng mga manggawa ay nasa sektor ng paglilingkod na bumubuo sa 56.2% ng GDP.[69][70]
Noong 1998 ang ekonomiya ng Pilipinas — pinaghalongagrikultura, marahan na industriya, at mga serbisyong pansustento — ay nanghina dulot ngkrisis pinansiyal sa Asya at ng mahinang kalagayan ng panahon. Ang pag-angat ay bumaba sa 0.6% noong 1998 mula 5% noong 1997, pero nakabawi hanggang sa 3% noong 1999 at 4% noong 2000. Nangako ang pamahalaan na ipagpapatuloy ang mga reporma sa ekonomiya para makahabol ang bansa sa mga bagong nagsisipag-unlaran at industriyalisadong mga bansa saSilangang Asia. Ang nagpapabagal sa pagsisikap ng pamahalaan na mapabuti ang ekonomiya ng bansa ay ang mismong utang nito (utang pampubliko na 77% ng GDP). Ang hinihinging badyet para sa pagbabayad ng utang ay higit na mas mataas pa sa badyet ng pinagsamang Kagawaran ng Edukasyon at Militar.
Ang estratehiyang pinaiiral ng pamahalaan ay ang pagpapabuti saimpraestruktura, ang paglilinis sa sistemang tax obuwis upang paigtingin ang kita ng pamahalaan, ang deregulasyon atpagsasapribado ng ekonomiya, at ang karagdagang pagkalakal sa rehiyon o mas integrasyon. Ang pagasa ng ekonomiya sa ngayon ay nakasalalay sa kaganapang pang-ekonomiya ng kanyang dalawang pangunahing sosyo sa kalakal, angEstados Unidos atHapon, at sa isang mas mabisang administrasyon at mas matibay na patakaran ng pamahalaan.
Sa ilalim ng pamumunò niNoynoy Aquino, ang rate ng paglago ngGDP ng Pilipinas noong 2012 ay 6.6 porsiyento na sinasabing ikalawang pinakamataas sa Asya. Ang Fitch Ratings ay nagtaas ng Pilipinas sa "BBB-" with a stable outlook na unang pagkakataong ang Pilipinas ay nakatanggap ng gayong katayuan ng grado ng pamumuhunan sa Pilipinas. Itinaas din ng World Economic Forum ang Pilipinas sa 10 punto sa itaas na kalahati ng ranggong pagiging mataulin nitong pandaigdigan sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga pagbuti sa ekonomiya ay sinasabing sanhi ng mga hakbang na isinasagawa ni Noynoy upang pataasin ang pagiging bukas ng pamahalaan at sugpuin ang korapsyon na muling nagbigay ng pagtitiwalang internasyonal sa ekonomiya ng Pilipinas. Gayunpaman, sinasabing ang mga mayayamang pamilya lamang ang nakinabang at nakikinabang sa pagbuti ng ekonomiya. Ang pagiging hindi pantay ng sahod sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Pilipinas ay nananatiling mataas. Noong 2012, isinaad ng Forbes Asia na ang magkakasamang kayamanan ng 40 pinakamayamang pamilya sa Pilipinas ay lumago ng $13 bilyong dolyar noong 2010 hanggang 2011 sa $47.4 bilyon na pagtaas na 37.9 porsiyento. Ang pagtaas sa kayamanan ng mga mag-anak na ito ay katumbas ng 76.5 bahagdan ng kabuuang pagtaas ng GDP ng Pilipinas sa panahong ito. Ang hindi pantay na sahod ng mga mamamayang Pilipino ang pinakamataas sa Asya. Sa Thailand, ang kayamanan ng 40 mga mayayamang pamilya ay tumaas lamang nang 25 bahagdan sa 2012 samantalang sa Malaysia ay 3.7 bahagdan at sa Hapon ay 2.8 bahagdan lamang.
Ang gusaling panlulan sa Pilipinas ay hindi gaanong maunlad. Ito ay dahil sa bulubunduking lupain at kalat-kalat na heograpiya ng kapuluan, ngunit bunga rin ito ng mababang pamumuhunan ng mga nakalipas na pamahalaan sa mga gusali. Noong 2013, humigit-kumulang 3% ng pambansang GDP ay napunta sa pagpapa-unlad ng gusali – higit na mas-mababa kung ihahambing sa karamihan sa mga karatig-bansa nito.[71][72] May 216,387 kilometro (134,457 milya) ng mga daan sa Pilipinas; sa habang ito, tanging 61,093 kilometro (37,961 milya) lamang ng mga daan ay nailatag.[73]
Madalas makakakuha ng mga bus,dyipni, taksi, atde-motor na traysikel sa mga pangunahing lungsod at bayan. Noong 2007, may humigit-kumulang 5.53 milyong mga nakarehistrong sasakyang de-motor. Dumarami nang 4.55% sa bawat taon ang mga pagpaparehistro ng mga sasakyan.[74]
May papel lamang ang lulan na daambakal sa Pilipinas sa paglululan ng mga pasahero sa loob ng Kalakhang Maynila. Ang ibayo ay pinaglilingkuran ng tatlong mga linya ng mabilis na lulan:Linya 1,Linya 2 atLinya 3.[89][90][91] Noong nakaraan, nagsilbi ang mga daambakal sa mga pangunahing bahagi ng Luzon, at magagamit ang mga serbisyong daambakal sa mga pulo ng Cebu at Negros. Ginamit din ang mga daambakal para sa mga layong pang-agrikuktura, lalo na sa paggawa ng tabako at tubo. Halos wala nang transportasyong pangkargamento sa riles magmula noong 2014. Ilang mga sistemang lulan ay nasa ilalim ng pagpapa-unlad: nagpapatupad angDOST-MIRDC atUP ng mga unang pag-aaral ukol saAutomated Guideway Transit.[92][93][94] Magmula noong 2015 sinusubok din ang kung-tawaging "Hybrid Electric Road Train" na isang mahabangbi-articulated bus.[95][96][97]
Bilang isang kapuluan, kadalasang kinakailangan ang paglalakbay sa mga pulo-pulo gamit ang sasakyang pandagat.[98] Ang mga pinaka-abalang pantalang pandagat ayMaynila,Batangas,Subic,Cebu,Iloilo,Dabaw, Cagayan de Oro, atZamboanga.[99] Naglilingkod ang2GO Travel atSulpicio Lines sa Maynila, na may mga ugnay sa iba't-ibang mga lungsod at bayan sa pamamagitan ng mga pampasaherong bapor. Ang 919-kilometro (571 milyang)Strong Republic Nautical Highway (SRNH), isang pinagsamang set ng mga bahagi ng lansangan at ruta ng ferry na sumasaklaw sa 17 mga lungsod, ay itinatag noong 2003.[100] Naglilingkod angPasig River Ferry Service sa mga pangunahing ilog sa Kalakhang Maynila, kasama angIlog Pasig atIlog Marikina na may mga daungan sa Maynila, Makati, Mandaluyong, Pasig at Marikina.[101][102]
Kapal ng bilang ng tao sa bawat lalawigan magmula noong 2009[update] sa bawat kilometro kuwadrado.
Tumaas ang populasyon ng Pilipinas mula 1990 hanggang 2008 ng tinatayang 28 milyon, 45% paglago sa nasabing panahon.[103] Sa kauna-unahang opisyal na sensus ng Pilipinas na ginanap noong 1877 ay nakapagtala ng populasyon na 5,567,685.[104] Noong 2011, naging ika-12 pinakamataong bansa sa buong daigdig ang Pilipinas, na ang populasyon ay humihigit sa 94 milyon.
Tinatayang ang kalahati ng populasyon ay naninirahan sa pulo ng Luzon. Ang antas ng paglago ng populasyon sa pagitan ng 1995 hanggang 2000 na 3.21% ay nabawasan sa tinatayang 1.95% para sa mga taong 2005 hanggang 2010, subalit nananatiling isang malaking isyu.[105][106] 22.7 Ang panggitnang gulang ng populasyon ay 22.7 taon gulang na may 60.9% ang nasa gulang na 15 hanggang 64 na gulang.[2] Ang tinatayang haba ng buhay ay 71.94 taon, 75.03 taon para sa babae at 68.99 na taon para sa mga lalaki.[107]
May mahigit 11 milyong mga Pilipino sa labas ng Pilipinas.[108] Nang magsimula ang liberalisasyon ng batas pang-imigrasyon ngEstados Unidos noong 1965, ang bilang ng mga taong may liping Pilipino ay tumaas. Noong 2007, tinatayang nasa 3.1 milyon ang bilang nito.[109][110] Ayon sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos, ang mga imigrante mula sa Pilipinas ay bumubuo ng ikalawang pinakamalaking pangkat sunod saMehiko na naghahangad nang pagkakabuo ng pamilya.[111] May tinatayang dalawang milyong Pilipino ang naghahanapbuhay sa Gitnang Silangan, kung saan nasa isang milyon nito ay nasaArabyang Saudi.[112]
Mga pangunahing pangkat etniko sa bawat lalawigan.Ang mga katutubongAeta (itaas) at mgaIgorot (ibaba).Ang mga Subanon ngZamboanga.
Ayon sa pagtatala noong 2000, 28.1% ng mga Pilipino ay Tagalog, 13.1% ay Sebwano, 9% ay Ilokano, 7.6% ay Bisaya/Binisaya, 7.5% ay Hiligaynon, 6% ay Bikolano, 3.4% ay Waray, at ang nalalabing 25.3% ay kabilang sa iba pang mga pangkat,[2][114] na kinabibilangan ng mgaMoro,Kapampangan,Pangasinense, mgaIbanag at mgaIbatan.[115] Mayroon ding mga katutubong mga pangkat gaya ng mgaIgorot, mgaLumad,Mangyan,Badjao, at mga pangkat-etniko ng Palawan. Ang mgaNegrito, gaya ng mgaAeta, at ang mgaAti, ay itinuturing na mga kauna-unahang nanahan sa kapuluan.[116] Kasama ang mga grupong minorya ng kabundukan, mga dayuhan at mga etnikong Pilipinong Moro ng Mindanao sa natitirang 10 porsiyento. Ang mga Aeta o Negrito na dating aktibo sa kapuluan ilang libong taon ang nakaraan, ay nagsipaglikas sa loob ng kagubatan at kabundukan. Ang kapalaran nila ay katulad din ng sa ibang grupong katutubo sa buong mundo tulad ngmga katutubong Australyano at angmga katutubong Amerikano. Marami sa kanila na napasanib at napahalo sa mga etnikong Malay-Pilipino o kaya'y napahiwalay bunga ng "sistematikong pag-aalis" noon.
Ayon sa tala ng pamahalaan ng Pilipinas at mga kasalukuyang datos ng senso, mga 95% ng mamamayan ay pangkat Malay, mga ninuno ng mga nandarayuhan mula sa Tangway ng Malaya at kapuluang Indonesya na dumating bago pa man ang panahong Kristiyano. Ang mga mestiso, na may halong lahing Pilipino-Kastila,Pilipino-Tsino, Pilipino-Hapones,Pilipino-Amerikano o Kastila-Tsino (Tornatra) ay bumubuo ng isang maliit ngunit makapangyarihan na pangkat pagdating sa ekonomiya at pamahalaan. Mayroon ding maliliit na pamayanan ng mga dayuhan tulad ng Kastila, Amerikano,Italyano,Portuges,Hapon, SilangangIndiyan, at Arabo, at mga katutubong Negrito na nakatira sa mga malalayong pook at kabundukan.
Kabilang sa mga wikang banyaga sa Pilipinas angIngles; (Mandarin,Hokyen atKantones); AngIngles;Hapones;Hindu ay mula sa mga kasapi ng pamayanan ng mga, Indiyan, mga Amerikano, ay mula sa kanilang,Munting Indiya oLittleIndiapook ng korea oKoreatown,pook ng mga Amerikano oAmericantown at mgaMunting Amerika oLittleAmerica at paaralan kung saan ang wika ng pagtuturo ay ang paggamit ng dalawang wika na Mandarin/English;Arabe sa mga kasapi ng pamayanangMuslim o Moro; atEspanyol, na pangunahing wika ng Pilipinas hanggang 1973, ay sinasalita ng tinatayang 3% ng mamamayan. Gayun pa man, ang tanging nabubuhay na wikang halong Asyatiko-Espanyol, na angTsabakano, ay wika ng ilan sa timog-kanlurang bahagi ng bansa.
Mula 1939, sa pagsisikap na paigtingin ang pambansang pagkakaisa, pinalaganap ng pamahalaan ang paggamit ng opisyal na pambansang wika na angFilipino nade facto na batay saTagalog. Itinuturo ang Filipino sa lahat ng paaralan at unti-unting tinatanggap ng taongbayan bilang pangalawang wika. AngIngles naman ay ginagamit bilang pangalawang pangunahing wika at kadalasang maririnig sa talakayan ng pamahalaan, pag-aaral at pangkabuhayan.
Ayon saSaligang Batas ng Pilipinas ng 1987, angWikang Filipino atIngles ang mga opisyal na wika. Ang Filipino ay ang wikang pambansa ng Pilipinas na ibinatay saTagalog ngunit patuloy na nililinang at pinapagyayaman batay sa mga iba pang wika ng Pilipinas. Pangunahin itong sinasalita saKalakhang Maynila at sa ibang mga rehiyong urban. Kapuwa ginagamit sa pamahalaan, edukasyon, pahayagan, telebisyon at negosyo ang wikang Filipino at Ingles. Nagtalaga ang saligang batas ng mga wikang rehiyonal gaya ngBikolano,Sebwano,Hiligaynon,Ilokano,Kapampangan,Pangasinan, Tagalog, atWaray bilang katulong na opisyal na wika at iniuutos na angWikang Kastila atArabe ay itaguyod nang kusa at opsiyonal.[119]
Ayon sa Pambansang Komisyon sa mga Pilipinong Muslim noong 2012, tinatayang nasa 11% ng mga Pilipino ang naniniwala saIslam[121], na ang karamihan sa mga ito ay mgaSunni. Sa katunayan, ang karamihan ng mga taga-katimugang Pilipinas ay mga Muslim.
Iniulat ng Tanggapan ng Pambansang tagatala ng Pilipinas na ang payak na kamuwangan ng Pilipinas ay nasa 93.4% at ang nagagamit na kamuwangan ay nasa 84.1% noong 2003.[2][70][122] Halos pantay ang kamuwangan ng mga babae at lalaki.[2] Ang paggastos sa pag-aaral ay nasa tinatayang 2.5% ng GDP.[2] Ayon saKagawaran ng Edukasyon, 44,846 na mababang paaralan at 10,384 na mataas na paaralan ang nakatala para sa taong pampaaralan ng 2009-2010[123] samantalang itinala ngKomisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED na may 2,180 na mga institusyong pag-aaral, ang 607 dito ay pampubliko at ang 1,573 ay mga pribado.[124]
May ilang mga sangay ng pamahalaan ang kasama sa pag-aaral. Ang Kagawaran ng Edukasyon ang nakasasakop sa mababang paaralan, pangalawang mataas na paaralan, at mga hindi pormal na edukasyon; angPangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan o TESDA ang namamahala sa mga pag-aaral sa pagsasanay at pagpapaunlad pagkatapos ng pangalawang mataas na paaralan; at ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon ang nangangasiwa sa mga dalubhasaan at pamantasan at nag-aayos ng mga pamantayan sa lalong mataas na pag-aaral.[125]
Mga mananayaw ngTinikling.Ang batong bahay ng mgaIbatan saBatanes. Isang magandang halimbawa ng arkitekturang Pilipino. Ang bahay ay gawa sa apog atsagay habang ang bubong nito'y sakugon.Ang pista ngKadayawan salungsod ng Dabaw.Tinola, ang pagkaing kilala na binanggit sa nobelangNoli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin) ni José Rizal.
Sa buong kasaysayan ng Pilipinas, walang ni isang tanging pambansang pagkakakilanlang o pangkaugalian na nahubog. Sa isang bahagi, ito ay dahil marahil sa napakaraming wikang ginagamit sa buong kapuluan na tinatantiyang nasa 80, bukod pa sa mga wika nito. Ang pagkakabukod-bukod ng mga magkakaratig na barangay o mga pulo ay nakadagdag din sa pagkawalang pagkakaisa sa pagkakakilanlan.
Sa pagdating ng mga Kastila, tumawag ang mga tagakalat pananampalatayang Katoliko ng mga katutubo para maging tagasalin, nakapaglikha ng mga dalawa ang wikang ginagamit na uri, ang mga Ladinos. Ang mga ito, tulad ng tanyag na makatang siGaspar Aquino de Belen, ay lumikha ng mga tula ng kabanalan na isinulat sa titik Romano, kalimitan sa wikang Tagalog. Angpasyon ay isang pagsasalaysay ng simbuyo, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo na sinimulan ni Gaspar Aquino de Belen. Umusbong din ang mga panitikang sekular na binase sa mga korido, mga baladang Kastila ng kabalyero. Nasulat din ang mga ito sa abakadang Romano ng mga pangunahin na wika at kumalat.
Sa karagdagan, ang panitikan (Jose Rizal,Pedro Paterno) at mga kasulatan ng kasaysayan (pambansang awit,Constitución Política de Malolos), ay nasa Espanyol, na hindi na pangunahing wika ngayon. Ang mga manunulat na Pilipino, tulad niClaro M. Recto ay nagpatuloy sa pagsusulat sa wikang Espanyol hanggang 1946.
Ang Pilipinas ay bayan ng maraming bayani. Sinasabing siLapu-Lapu ng pulo ngMactan ang unang pumigil sa paglusob kanluranin at ang pumatay kay Fernando Magallanes. SiJose Rizal (ipinanganak noong ika-19 ng ika-6 na buwan ng 1896 sa bayan ngCalamba, Laguna), ipinagmamalaki ng Lahing Malay, Pambansang Bayani ng Pilipinas, 22 wika ang alam: Arabe, Katalan, Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapones, Latin, Malay, Portuges, Ruso, Sanskrito, Espanyol, Tagalog at iba pang katutubong wika; siya ay naging tagaguhit ng mga gusali, tagapagtanghal, nakikipagkalakal, tagaguhit ng karikatyur, guro, ekonomista, etnolohista, siyentipikong magsasaka, bihasa sa kasaysayan, imbentor, peryodista, dalubhasa sa wika, bihasa sa awit, mitolohista, makabayan, naturalista, nobelista, siruhano sa mata, makata, propagandista, sikolohista, siyentista, manlililok, sosyolohista, at teologo. Pilipino ang unang Asyatikong Kalihim-Heneral ng Asamblea Heneral ngMga nagkakaisang Bansa (UN) – si Carlos Peña Romulo.
Itinuturing naPandaigdigang Pamanang Pook ang mga Barokeng Simbahan ng Pilipinas at ang Makasaysayang Bayan ngVigan. Kabilang sana rito angIntramuros ngunit nawasak ito matapos angIkalawang Digmaang Pandaigdig. Isa ring Pandaigdigang Pamanang Pook ang mga Hagdan-hagdang Palayan oPay-yo ngKordilyera, na kinikilala ring ikawalong nakakahangang-yaman ng daigdig.
Ang pangunahing wika na ginagamit sa midya sa Pilipinas ay angFilipino atIngles, bagama't ang pagsasahimpapawid ay lumipat sa Wikang Filipino.[126] Ginagamit din naman ang ibang mga wika sa Pilipinas, lalo na sa mga radyo dahil sa kakayahan nitong maabot ang mga malalayong pook na maaaring hindi kayang maabot ng ibang uri ng midya. AngLupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon ang namamahala ng mga palabas sa telebisyon, patalastas, at pelikula sa Pilipinas.[127][128] Karamihan sa mga Pilipino ay nakakakuha ng mga balita at impormasyon mula sa telebisyon, Internet, athatirang pangmadla.[129][130] Angflagship state-owned broadcast-television network ng bansa ay angPeople's Television Network (PTV). Ang mga pangunahing himpilang pantelebisyon sa Pilipinas naman ay angABS-CBN,GMA atTV5 na may malawak din na serbisyong panradyo.[131]
Ang industriya ng aliwan o tinatawag nashowbiz ay makulay at nagbibigay laman sa mgapahayagan at peryodiko ng mga detalye tungkol sa mgaartista. Tinatangkilik din ang mgateleserye gaya rin ng mga telenobelang Latino, Asyano (partikular ang mga dramang Koreano) at mgaanime. Ang mga pang-umagang palabas ay pinangingibabawan ng mgagame shows,variety shows, at mgatalk shows gaya ngEat Bulaga atIt's Showtime.[132] Tanyag din ang mgaPelikulang Pilipino at mayroong mahabang kasaysayan, subalit nahaharap sa matinding kompetensiya mula sa mga pelikulang banyaga. Kabilang sa mga pinagpipitagang direktor siLino Brocka para sa pelikulangMaynila, sa mga Kuko ng Liwanag. Sa mga nakalipas na mga taon nagiging pangkaraniwan ang paglilipat-lipat ng mga artista mula sa telebisyon at pelikula at pagkatapos ay ang pagpasok sa politika na pumupukaw ng pangamba.[133]
↑Legarda, Benito Jr. (2001). "Cultural Landmarks and their Interactions with Economic Factors in the Second Millennium in the Philippines".Kinaadman (Wisdom): A Journal of the Southern Philippines.23. Xavier University – Ateneo de Cagayan: 40.
↑Rankin, Karl L. (25 Nobyembre 1943). "Introduction".Document 984 (Ulat). Foreign Relations of the United States: Diplomatic Papers, 1943, The British Commonwealth, Eastern Europe, the Far East. Bol. III.Office of the Historian. Inarkibo mula saorihinal noong 29 Hunyo 2017. Nakuha noong9 Mayo 2024.
↑Hastedt, Glenn P. (1 Enero 2004)."Philippines".Encyclopedia of American Foreign Policy (sa wikang Ingles). New York, N.Y.: Facts On File. p. 392.ISBN978-1-4381-0989-3.Inarkibo mula sa orihinal noong 10 May 2023. Nakuha noong8 Mayo 2024.
↑Manapat, Ricardo (1991).Some are smarter than others: the history of Marcos' crony capitalism. New York: Aletheia Publications.ISBN9719128704.OCLC28428684.
↑Chaffee, Frederic H.; Aurell, George E.; Barth, Helen A.; Betters, Elinor C.; Cort, Ann S.; Dombrowski, John H.; Fasano, Vincent J.; Weaver, John O. (February 1969).Area Handbook for the Philippines (sa wikang Ingles). Washington, D.C.:U.S. Government Printing Office. p. 6.OCLC19734.Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Abril 2023. Nakuha noong15 Mayo 2024.
↑70.070.1Republic of the Philippines. National Statistics Office. (Oktubre 2009)."Quickstat"(PDF). Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 2012-07-11. Nakuha noong2009-12-11.
↑The North Luzon Expressway ProjectNaka-arkibo 2018-08-09 saWayback Machine. (NLEX) is for the rehabilitation, expansion, operation and maintenance of the existing 83.7 km (52 mi) NLEX that connects Metro Manila to the northern provinces of Bulacan and Pampanga.
↑Regidor, Anna Kristine."UPD monorail project begins".July 27, 2011. University of the Philippines Diliman. Inarkibo mula saorihinal noong 24 Setyembre 2014. Nakuha noongSeptember 23, 2014.{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
↑Asis, Maruja M.B. (Enero 2006). "The Philippines' Culture of Migration".Migration Information Source. Migration Policy Institute. Hinango noong 2009-12-14.
↑Castles, Stephen and Mark J. Miller. (Hulyo 2009). "Migration in the Asia-Pacific Region".Migration Information Source. Migration Policy Institute. Retrieved 2009-12-17.
↑Lewis, Paul M. (2009).Languages of Philippines.Ethnologue: Languages of the World (16th ed.). Dallas, Tex.: SIL International. Hinango noong 2009-12-16.
↑Republic of the Philippines. Commission on Higher Education. (Agosto 2010).Information on Higher Education System.Official Website of the Commission on Higher Education. Hinango noong 2011-04-17.