Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Pigsa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pigsa
Pigsa
EspesyalidadDermatology Edit this on Wikidata

Angpigsa (Ingles:boil kapag isahan,boils kapag maramihan,furuncle,sty) ay isang uri ng impeksiyon sa balat na nagsisimula sa ugat ng isang piraso ng buhok o ugat ng piraso ng balahibo (polikula ng isang buhok). Karaniwang lumilitaw ang pigsa sa mukha, leeg, bisig, balakang, at sa talukap ng mata. Kapag ang pigsa ay nasa talukap ng mata, ito ay tinatawag naguliti (kuliti o I love you).[1]

Mga sintomas

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sa una, nagkakaroon muna ng pamumula ang pook ng impeksiyon. Pagkatapos ay magkakaroon ng pamamaga, umbok, o bukol. Ang bukol na ito ang mismong nabuo at namuong "pigsa". Pagkalipas ng tatlo hanggang pitong mga araw, ang bukol na pigsa ay namumuti o naninilaw, na ang sanhi ay ang pagkakaroon ngnana sa loob ng bukol.[1]

Mga sanhi

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga karaniwang nagdudulot ng pagtubo ng pigsa ay ang mga mikrobyo (mgagerm), katulad ngbakteryangStaphylococcus. Nakakapasok sa katawan ang bakterya sa pamamagitan ng pagsuot sa napakaliliit na mga hiwa o mga butas ng balat, partikular na kapag nasugatan ang balat. Maaari ring maging dahilan ng pagkakaroon ng pigsa ang sumusunod na mga karamdaman o kalagayan: angdiyabetes,kakulangan sa pagkain (malnutrisyon),pagiging madumihin o hindi malinis sa katawan, at kahinaan ngsistemang imyuno ng katawan.[1]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.11.2PIGSA O BOILSNaka-arkibo 2013-10-16 saWayback Machine., KALUSUGAN PH
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Pigsa&oldid=2149911"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp