Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Peter Higgs

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Peter Higgs
Higgs at birthday celebration forMichael Atiyah, April 2009
Kapanganakan
Peter Ware Higgs

(1929-05-29)29 Mayo 1929 (edad 95)
NasyonalidadBritish
NagtaposKing's College London
Kilala saBroken symmetry inelectroweak theory
Higgs boson
Higgs field
Higgs mechanism
ParangalNobel Prize in Physics (2013)
Wolf Prize in Physics (2004)
Sakurai Prize (2010)
Dirac Medal (1997)
Karera sa agham
LaranganPhysics (theoretical)
InstitusyonUniversity of Edinburgh
Imperial College London
King's College London
University College London
TesisSome problems in the theory of molecular vibrations (1955)
Doctoral advisorCharles Coulson[1]
Doctoral studentChristopher Bishop
Lewis Ryder
David Wallace[1]
Websiteph.ed.ac.uk/higgs

SiPeter Ware Higgs,CH,FRS,FRSE (29 Mayo 1929 - 8 Abril 2024) ay isang pisikong teoretikal naBritish atemeritus propesor saUniversity of Edinburgh.[2] Siya ay pinakakilala sa kanyang mungkahi noong mga 1960 ngnasirang simetriya sateoriyang elektroweak na nagpapaliwanag ng masa ng mga elementaryong partikulo sa pangkalahatan at sa partikular ng mgaboson na W at Z. Ang tinatawag namekanismong Higgs na iminungkahi rin ng ilang mga pisiko bukod kay Higgs sa parehong panahon ay humula sa pag-iral ng bagong partikulo naHiggs boson.[3][4]. Inanunsiyo ngCERN noong 4 Hulyo 2012 na napatunayan ng eksperimento ang pag-iral ng isang tulad ng Higgs boson ngunit ang karagdagang pagsisiyasat ay kailangan upang malaman kung ito ay may mga katangiang aasahan mula sa Higgs boson ngPamantayang Modelo.[5] Noong 14 Marso 2013, ang bagong natuklasang partikulo ay tentatibong nakumpirmang + parity at ikot na sero,[6] na dalawang mga pundamental na kriterya ng isang Higgs boson na gumagawa ritong ang unang alam na partikulong skalar na natuklasan sa kalikasan.[7] Dahil dito, si Higgs kasama ng pisikong Belgian na siFrançois Englert ay ginawaran ngGantimpalang Nobel sa Pisika noong 2013. Ang mekanismong Higgs ay pangkalahatang tinatanggap bilang ang mahalagang sangkap ngPamantayang Modelo ng pisikang partikulo na kung wala ay walang masa ang ilang mga partikulo.[8]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.1Peter Higgs saMathematics Genealogy Project
  2. Griggs, Jessica (Summer 2008)The Missing PieceNaka-arkibo 2016-03-04 saWayback Machine.Edit the University of Edinburgh Alumni Magazine , Page 17
  3. Griffiths, Martin (20070501)physicsworld.com The Tale of the Blog's Boson Retrieved on 2008-05-27
  4. Fermilab Today (20050616)Fermilab Results of the Week. Top Quarks are Higgs' best Friend Retrieved on 2008-05-27
  5. "CERN Press Release: CERN experiments observe particle consistent with long-sought Higgs boson". Cdsweb.cern.ch. Nakuha noong2012-07-05.
  6. Pralavorio, Corinne (2013-03-14)."New results indicate that new particle is a Higgs boson". CERN. Nakuha noong14 March 2013.
  7. NAIK, GAUTAM (2013-03-14)."New Data Boosts Case for Higgs Boson Find".Wall Street Journal. Nakuha noong15 March 2013."We've never seen an elementary particle with spin zero," said Tony Weidberg, a particle physicist at the University of Oxford who is also involved in the CERN experiments
  8. Rincon, Paul (20040310)Fermilab 'God Particle' may have been seen Retrieved on 2008-05-27
Mga Nanalo ngGantimpalang Nobel saPisika
1901–1925
1926–1950
1951–1975
1976–2000
2001–kasalukuyan
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Peter_Higgs&oldid=2106337"
Mga kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp