AngPermanenteng Hukuman ng Arbitrasyon (Ingles:Permanent Court of Arbitration;Pranses:Cour permanente d'arbitrage),[1] karaniwang kilala sa daglat dito naPCA, ay isang pandaigdigang organisasyong nakabase saThe Hague saNetherlands. Itinatag ito noong 1899 saHague Peace Conference. Hinihikayat ng PCA ang resolusyon ng mga alitang kinasasangkutan ng mga estado, entidad ng estado, intergobyernong organisasyon, at mga pribadong partido sa pamamagitan ng pagtulong sa pagbuo ng mga hukumang pang-arbitrasyon at mapadali ang kanilang mga gawain. Iba pa ang PCA kaysaInternational Court of Justice na matatagpuan din sa parehong gusali, angPeace Palace sa The Hague.
Itinatag ang hukuman noong 1899 bilang isa sa mga unang ginawa ng unangHague Peace Conference, ito ngayon ang pinakamatandang institusyon para sa resolusyon ng mga alitang internasyonal. Nakasaad ang paglikha nito sa Artikulo 20 hanggang 29 ng 1899 Hague Convention for the Pacific Settlement of International Disputes, na naging resulta ng unang Hague Peace Conference. Sa ikalawang Hague Peace Conference, nirebisa ang unang Kumbensiyon ng 1907 Convention for the Pacific Settlement of International Disputes. Pinulong ang Kumperensiya sa pagkukusa ni Czar Nicolas II ng Rusya na "may pakay na makahanap ng pinakamalayuning paraan upang matiyak sa sanlibutan ang kapakinabangan ng isang totoo at pangmatagalang kapayapaan, at higit sa lahat, malimitahan ang pagsulong ng pagdami ng mga umiiral na kagamitang-pandigma." Ang pinakakongkretong nakamit ng Kumperensiya ay ang pagtatatag ng PCA: ang unang pandaigdigang mekanismo para sa paglutas ng mga alitan sa pagitan ng mga estado.
↑"The 2016 State of the Nation Address (Filipino)".Gasetang Opisyal. 25 Hulyo 2016. Inarkibo mula saorihinal noong 18 Agosto 2023. Nakuha noong18 Agosto 2023.Tungkol sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas (West Philippine Sea), na kilala rin bilang Dagat Tsina (China Sea), pinaninindigan ng Pilipinas ang paggalang sa resulta ng kaso sa harap ng Permanenteng Hukuman ng Arbitrasyon (Permanent Court of Arbitration) bilang isang mahalagang kontribusyon sa isinasagawang pagsisikap upang magkaroon ng mapayapang resolusyon at paglutas sa ating mga pagtatalo.