SiPatrice Émery Lumumba oPatrice Emergy Lumumba[1] (2 Hulyo, 1925 – 17 Enero, 1961) ay isangAprikanong pinuno na laban sa kolonyalismo at unang legal na nahalal sa pagka-Punong ministro ngRepublika ng Congo makaraan niyang tumulong sa pagkakamit ng kasarinlan mula saBelgium noong Hunyo 1960. Makaraan lamang ang sampung linggo, naalis ang pamahalaan ni Lumumba dahil sa isangcoup d'etat noong panahon ngKrisis ng Congo. Ipinakulong siya at sumailalim sa isang pataksil na pagpaslang.
Isinilang ang makabayang pinunong Kongoles na ito saKatakokombe,lalawigan ng Kasai. Bilang pinuno ngMouvement National Congolais, sinubukan niyang magkaroon ng pagkakaisa sa Congo, na tinatanggihan ang pagkakaroon ng kasarinlan nglalawigan ng Katanga noong Hulyo 1960. Naalis siya sa tungkulin dahil sacoup ni KoronelJoseph-Désiré Mobutu (kilala rin bilangMobutu Sese Seko at Mobutu Sese Seko Nkuku Ngbendu wa Za Banga) noong Setyembre 1960 at ibinilanggo sa kaniyang sariling tahanan. Nakatakas siya subalit muling nahuli, at inilipad saElisabethville, Katanga, kung saan muli siyang nakatakas ngunit inihayag na napatay ng kaniyang mga kaaway sa politika.[1]