Angparkour (dinadaglat naPK) ay isang paraan ngpagsasanay na nakatuon sa makatuwiran o rasyunal na pagkilos kapwa sa kapaligiranglikas aturbano. Ang tuon ay gumalaw sa paligid ng mga balakid na may katulinan, mabisa, at kapakipakinabang. Nilikha at napaunlad ito saPransiya niDavid Belle, na ang pangunahing layunin ng disiplinang ito ay ang turuan ang mga nakikilahok na kumilos sa kanilang kapaligiran sa pamamagitan ng pagbiling (vaulting sa Ingles), paggulong, pagtakbo, pag-akyat, at pagtalon. Ang mga nagsasagawa ngparkour ay tinatawag na mgatraceur (binibigkas na /tra-sur/). Nagsasanay sila upang mapag-alaman nila at maggamit ang panghalili at mas kapakipakinabang na mga daanan. Maaaring isagawa ang parkour saan mang lugar, subalit ang mga pook na siksik o puno ng masisikip na mga obstakulo ay nakapag-aalok ng maraming mga pagkakataon ng pagsasanay.
Ang lathalaing ito na tungkol saPalakasan ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.