Angpari ay isang alagad ngSimbahan o isang taong nagsasakripisyo at nagdarasal sa Diyos para sa mga tao. Sasinaunang Israel, kinakailangan isinilang mula satribo niLevi ang isang pari. Bilang pinakamahalagang pinuno sa pananampalataya, mayroong mga natatanging gawain ang isang "Mataas na Pari". SaBagong Tipan ngBibliya, itinuturing si Hesus bilang isang Mataas na Pari para sa kanyang mga tagasunod sapagkat ibinigay niya ang kanyang sarili bilang isangalay osakripisyo. Kaugnay ng Kristiyanismo at Hudaismo, itinuturing na mga "pari" na rin ang lahat ng mga tagasunod ni Hesus, mga taong malayang makapagdadala ng sakripisyo at papuri sa Diyos.[1] Katumbas o katulad ang pari ngministro,rabi, atpastor.[2]
Noong Marso 2009, ipinahayag niPapa Benedikto XVI ang Hunyo 19, 2009 hanggang Hunyo 19, 2010 bilang Taon ng Kaparian o Taon ng mga Pari. Nagsimula ito sa solemnidad ng Banal na Puso ni Hesus noong Hunyo 19, 2009, na magtatapos sa pandaigdigang pagtitipon ng mga pari sa piling ng Banal na Amang Santo Papa sa pagsapit ng Hunyo 19, 2010. Idiniklara rin ni Papa Benedikto XVI ang pagiging Unibersal na Patron ng mga Pari siSan Juan Vianney, sa okasyon ng ika-150 anibersaryo ng kamatayan ng paring ito na kilala rin bilangCuré d’Ars o "ang kura paroko ng nayon ng Ars".[3][4]
↑The Committee on Bible Translation (1984)."Priest".The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.,Dictionary/Concordance, pahina B9.
↑Year for PriestsNaka-arkibo 2009-06-24 saWayback Machine.,June 19, 2009 - June 19, 2010,Faithfulness of Christ, Faithfulness of Priests,Clergy, Consecrated Life and Vocations,United States Conference of Catholic Bishops, USCCB.org