Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Paraon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Paraon ngSinaunang Ehipto
Larawan ng isang Paraon na may suot na nemes sa ulo, pekengbalbas atshendyt (kilt)
(pagkatapos niDjoser ngIkatlong dinastiya ng Ehipto
Detalye
EstiloHorus,Nebty
Unang monarkoHaringNarmer o HaringMenes (ayon sa tradisyon)
(Ang unang gamit ng pamagat ng Paraon para sa isang hari ng Ehipto ay kayMerneptah)
Huling monarko
[2]
Itinatagc. 3150 BCE
Binuwag
  • 343 BCE
    (huling katutubong paraon)[1]
  • 30 BCE
    (huling Griyegong paraon)
  • 314 CE
    (hulingEmperador Romano na tinawag na paraon)[2]
Tahanan
NaghirangDiyos
Mga panahon at mga dinastiya ngSinaunang Ehipto
O1
O29
pr-ˤ3
"Great house"
sahiroglipo
sw
t
L2
t


A43A45


S1
t
S3
t


S2S4


S5
nswt-bjt
"King of Upper
and Lower Egypt"
sahiroglipo

AngParaon (Ingles:Pharaoh) (/ˈfɛər/,/USalsoˈf.r/;[3]Wikang Ehipsiyo:pr ꜥꜣ;[note 1]Coptic:ⲡⲣ̅ⲣⲟ,romanisado: Pǝrro;Biblical Hebrew:פַּרְעֹהPărʿō) ay titulo na ginamit sa mga hari o monarka ngSinaunang Ehipto mula saUnang dinastiya ng Ehipto (c. 3150 BCE) hanggang sa pagkakasakop sa teritoryo ng Sinaunang Ehipto ngImperyong Romano.[4] Pero "hari" ang titulong madalas na ginagamit ng mga sinaunang Ehipsiyo para sa kanilang mga monarka, anoman ang kasarian ng mga ito, sa kalagitnaan ngIkalabingwalong Dinastiya saBagong Kaharian. Sa mas naunang mga dinastiya ng Sinaunang Ehipto, tatlong pamagat ang ginamit ng mga pinuno nito: angHorus,Sedge at Bubuyog(nswt-bjtj), at Ang Dalawang Babae o Nebty (nbtj) name.[5] Idinagdag kalaunan ang Ginintuang Horus at ang mga titulong nomen at prenomen kalaunan.[6]

Sentro ng pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan angSinaunang relihiyong Ehipsiyo sa lipunan ngSinaunang Ehipto. Isa sa mga tungkulin ng Paraon ang pagiging tagapamagitan ng mgaDiyos at mga tao. Kaya naman may tungkulingsibil atrelihiyoso ang mga Paraon. Ang Paraon ang may-ari ng lahat ng lupain ng Sinaunang Ehipto, nagpapasá ng mga batas, naniningil ng buwis, at nagtatanggol laban sa mga mananakop na bansa bilang punong komandante nghukbo.[7] Sa tungkuling panrelihiyon, ang Paraon ang nagsasagawa ng mga seremonya at pumipili ng mga lugar na pagtatayuan ng mga templong panrelihiyon. Tungkulin din ng Paraon ang pagpapanatili ngMaat o kaayusan nguniberso, balanse, at hustisya. Kabilang dito ang pakikidigma laban sa mga kaaway na bansa kung kinakailangan o kapag pinaniniwalaang makadaragdag ito sa Maat, gaya ng pagkuha ng pinagkukunang-yaman.[8]

Bago ang pag-iisa ng Mataas at Mababang Ehipto, angDeshret o "Pulang Korona" ang simbolo ng Mababang Ehipto,[9] habang angHedjet o "Puting Korona" naman ang isinusuot ng mga hari ng Mataas na Ehipto.[10] Pagkatapos ng pag-iisa ng dalawang kahariang ito, angPschent, ang pinagsamang pula at puting korona, ang naging opisyal na korona ng paraon.[11] Sa paglipas ng mga panahod, nagkaroon ng mga bagong pantakip sa ulo gaya ngKhat,Nemes,Atef, angkoronang Hemhem, atKhepresh na unang ginamit sa iba't ibang mga dinastiya.

Etimolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Hango ang salitang Paraon sa salitangEhipsyongpr ꜥꜣ, */ˌpaɾuwˈʕaʀ/ "dakilang bahay", na isinusulat gamit ang dalawang bilateral hieroglyph napr "bahay" atꜥꜣ "haligi", na dito ay nangangahulugang "dakila" o "mataas". Ito ang tawag sa maharlikang palasyo at ginagamit lamang sa mga pariralang gaya ngsmr pr-ꜥꜣ "Tagapaglingkod ng Mataas na Bahay", na espesipikong tumutukoy sa mga gusali ng korte o palasyo.[12] Mula sa Ikalabingdalawang dinastiya ng Ehipto, lumitaw ang salitang ito sa wish formula na "Dakilang Bahay, Nawa'y Mabuhay, Sumagana, at Lumusog", ngunit muli ay tumutukoy lamang sa maharlikang palace, hindi sa isang tao.

Ang kauna-unahang halimbawa kung saan espesipikong tumukoy sa isang pinuno angpr ꜥꜣ ay sa isang liham kayAkhenaten (naghari mula 1353–1336 BCE) na para kay "Dakilang Bahay, L, W, H, ang Panginoon".[13][14] Gayunman, may posibilidad na unang ginamit angpr ꜥꜣ bilang pagtukoy sa tao kayThutmose III (c. 1479–1425 BCE), depende kung mapatutunayang sa kaniya tumutukoy ang isang inskripsiyon sa Templo ng Armant.[15]

Gayunman, sa panahon ng Ikadalawampu't Isang Dinastiya (ikasampung siglo BCE), sa halip na gamitin nang mag-isa at para tumukoy sa palasyo gaya noong una, nagsimula itong mapasama sa iba pang mga titulong inilalagay bago ang pangalan ng hari, at mula noong Ikadalawampu't Limang Dinastiya (ikawalo hanggang ikapitong siglo BCE, sa pagtatapos ng Third Intermediate Period), ginamit ito bilang nag-iisang titulong pandangal na ikinakabit bago ang maharlikang titulo.

Magmula noong Ikalabinsiyam na Dinastiya, ginagamit na angpr-ꜥꜣ nang mag-isa at kasingdalas ng sḥm "Kamahalan".[16] Samakatwid, nagbago ang salitang ito mula sa isa na espesipikong tumutukoy sa isang gusali tungo sa isang mapagpitagang katawagan para sa pinunong naninirahan sa gusaling iyon.

Ang unang kinikilalang paglitaw ng titulong "paraon" may kinalaman sa pangalan ng isang pinuno ay matatagpuan sa Taóng 17 niSiamun (ikasampung siglo BCE) sa isang tipak mula sa Karnak Priestly Annals, isang relihiyosong dokumento. Dito, espesipikong iniuugnay ang pagpasok ng isang indibidwal sa pagkaparing Amun sa paghahari ni "Paraon Siamun".[17] Nagpatuloy ang bagong kaugaliang ito sa tagapagmana niyang siPsusennes II, pati na sa mga sumunod na kahaliling hari ng ikadalawampu't dalawang dinastiya. Halimbawa, ang Large Dakhla stela ay espesipikong kinilala bilang mula sa Taóng 5 ng haring si "Paraon Shoshenq, minamahal ni Amun", na kinikilala ng mga Ehiptologo bilang siShoshenq I—ang nagtatag ng Ikadalawampu't Dalawang Dinastiya—pati na niAlan Gardiner sa kaniyang orihinal na publikasyon ng stelang ito noong 1933.[18] Si Shoshenq I ang ikalawang tagapagmana ni Siamun. Samantala, nagpatuloy ang tradisyon ng pagtukoy sa soberano bilangpr-ꜥꜣ sa mga opisyal na Ehipsyong naratibo.

Talababa

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Mukhang kailangan pongayusin ang bahagi na ito upang umayon ito sapamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Pebrero 2025)
Makakatulong po kayo sapagpapaunlad sa nilalaman po nito.
Binigay na dahilan:Translation needed
  1. Likely pronouncedparūwʾar inOld Egyptian (c. 2500 BCE) andMiddle Egyptian (c. 1700 BCE), andpərəʾaʿ orpərəʾōʿ inLate Egyptian (c. 800 BCE)

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.1Clayton 1995, p. 217. "Although paying lip-service to the old ideas and religion, in varying degrees, pharaonic Egypt had in effect died with the last native pharaoh, Nectanebo II in 343 BC"
  2. 2.02.1von Beckerath, Jürgen (1999).Handbuch der ägyptischen Königsnamen. Verlag Philipp von Zabern. pp. 266–267.ISBN 978-3422008328.
  3. Wells, John C. (2008),Longman Pronunciation Dictionary (ika-3rd (na) edisyon), Longman,ISBN 9781405881180
  4. Clayton, Peter A. Chronicle of the Pharaohs the Reign-by-reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt. London: Thames & Hudson, 2012. Print.
  5. Wilkinson, Toby A. H. (2002-09-11).Early Dynastic Egypt (sa wikang Ingles). Routledge.ISBN 978-1-134-66420-7.
  6. Bierbrier, Morris L. (2008-08-14).Historical Dictionary of Ancient Egypt (sa wikang Ingles). Scarecrow Press.ISBN 978-0-8108-6250-0.
  7. "Pharaoh".AncientEgypt.co.uk. The British Museum. 1999. Nakuha noong20 December 2017.
  8. Mark, Joshua (2 September 2009)."Pharaoh - World History Encyclopedia".World History Encyclopedia. Nakuha noong20 December 2017.
  9. Hagen, Rose-Marie; Hagen, Rainier (2007).Egypt Art. New Holland Publishers Pty, Limited.ISBN 978-3822-85458-7.
  10. "The royal crowns of Egypt".Egypt Exploration Society. 7 March 2019.Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-18. Nakuha noong2022-05-02.
  11. Gaskell, G. (2016).A Dictionary of the Sacred Language of All Scriptures and Myths (Routledge Revivals). Routledge.ISBN 978-1-317-58942-6.
  12. A. Gardiner,Ancient Egyptian Grammar (3rd edn, 1957), 71–76.
  13. Hieratic Papyrus from Kahun and Gurob, F. LL. Griffith, 38, 17.
  14. Petrie, W. M. (William Matthew Flinders); Sayce, A. H. (Archibald Henry); Griffith, F. Ll (Francis Llewellyn) (1891).Illahun, Kahun and Gurob : 1889-1890. Cornell University Library. London : D. Nutt. pp. 50.
  15. Robert Mond and O.H. Meyers.Temples of Armant, a Preliminary Survey: The Text, The Egypt Exploration Society, London, 1940, 160.
  16. Doxie, Denise M. (1998).Egyptian Non-Royal Epithets in the Middle Kingdom: A Social and Historical Analysis. BRILL. p. 119.ISBN 90-04-11077-1.
  17. J-M. Kruchten, Les annales des pretres de Karnak (OLA 32), 1989, pp. 474–478.
  18. Alan Gardiner, "The Dakhleh Stela",Journal of Egyptian Archaeology, Vol. 19, No. 1/2 (May, 1933) pp. 193–200.
Tingnan ang katumbas na artikulo saWikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.
Panahong Protodinastiko
(bago ang 3150 BCE)
Panahong Simulang Dinastiko
(3150–2686 BCE)
Lumang Kaharian
(2686–2181 BC)
|Ika-1 Panahong Pagitan
(2181–2040 BCE)
Gitnang Kaharian ng Ehipto
(2040–1782 BCE)
Ika-2 Panahong Pagitan
(1782–1570 BCE)
Bagong Kaharian ng Ehipto
(1570–1070 BC)
Ika-3 Panahong Pagitan
(1069–525 BCE)
Panahong Huli
(525–332 BCE)
Panahong Hellenistiko
(332–30 BCE)
  • nagpapahiwatig na ang paraon ay babae
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Paraon&oldid=2148701"
Mga kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp