Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Paralaks

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang pinasimpleng ilustrasyon ng paralaks ng isang bagay.

Angparallax (maaring baybayin na "paralaks"; Espanyol:paralaje) ay isang pagbabago ngmalawak na posisyon ng isang bagay na nakikita sa dalawang linya ng paningin, at nasusukat sa pamamagitan ng anggulo o semi-anggulo ng inklinasyon sa pagitan ng dalawang linya.[1][2] Nagmula ang termino mula sa Griyegong παράλλαξις (parallaxis), na may kahulugang "alterasyon". May malaking paralaks ang mga malalapit na bagay kaysa sa mga malalayong bagay kapag tiningnan sa magkaibang posisyon, kaya nagagamit ang paralak sa pagalam sa layo ng isang bagay.

Ginagamit ng mgaAstronomer ang prinsipyo ng paralak para malaman ang layo ng mga bagay sa kalawakan kasama na angBuwan, angAraw, at ang mgabituin na nasa labas na ngSistemang Solar. Halimbawa, ang satelayt ngHipparcos ay kumukuha ng mga sukatan sa humigit kumulang 100,000 malalapit na bituin. Nagbibigay ito ng batayan para sa iba pang malalayong sukatan sa astronomiya, anghagdanan ng layo sa kalawakan. Dito, ang terminong "paralaks" ay isang anggulo o semi-anggulo ng inklinasyon sa pagitan ng dalawang bahagyang linya papunta sa bituin.

Naaapektuhan rin ng paralaks ang ilang instrumentong pangmata tulad na lamang ng teleskopyo ng riple,largabista,mikroskopyo, at iba pa na tinitignan ang mga bagay sa bahagyang ibang anggulo. Mayroong dalawangmata ang maraming hayop, tulad ng mga tao, na may magkasanob nanakikitang parang na gumagamit ng paralaks para makakuha nglalalimang persepsiyon; kilala ang prosesong ito bilangstereopsis. Sapaningin ng kompyuter, ginagamit ang epektong ito saesteryong paningin ng kompyuter, at mayroong gamit na tinatawag naparallax rangefinder na ginagamit para mahanap ang ranggo, at ang ilang baryasyon tulad ng altitud sa puntirya.

Talababa

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Parallax".Shorter Oxford English Dictionary. 1968.Mutual inclination of two lines meeting in an angle
  2. "Parallax".Oxford English Dictionary (ika-Second Edition (na) edisyon). 1989.Astron. Apparent displacement, or difference in the apparent position, of an object, caused by actual change (or difference) of position of the point of observation; spec. the angular amount of such displacement or difference of position, being the angle contained between the two straight lines drawn to the object from the two different points of view, and constituting a measure of the distance of the object.{{cite ensiklopedya}}:|edition= has extra text (tulong)

Mga kawing panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Paralaks&oldid=1994453"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp