Angpapabile (pagbigkas sa wikang Italyano: [paˈpaːbile], maramihan:papabili) ay isang hindi opisyal na katagangItalyano na nilikha at unang ginamit ng mgaBatikanologo (Batikanolohista) at ginagamit na sa ngayon sa maraming mga wika sa buong mundo upang ilarawan ang isang tao o lalaking Katoliko, na kadalasang isangkardinal, na iniisip bilang isang maaari o malamang na kandidato upang magingmahalal bilangpapa. Ang literal na salinwika ay "isang tao [o lalaki] na maaaring maging papa".
Sa ilang mga pagkakataon, ang mga Kardinal ay pipili ng isang kandidatong papabile. Kabilang sa mga kardinal na "papabili" na nahalal bilang papa ay sinaEugenio Pacelli (Pio XII),Giovanni Battista Montini (Pablo VI), atJoseph Ratzinger (Benedicto XVI). Subalit, sa kung minsan, naghahalal ang Kolehiyon ng mga Kardinal ng isang lalaki o tao na hindi itinuring bilang papabile ng karamihan sa mga tagapagmatyag ng Batikano. Sa kamakailang mga taon, ang mga nahalal na papa, bagaman hindi isinaalang-alang bilang "papabili" ay kinabibilangan ninaJuan XXIII,Juan Pablo I, atJuan Pablo II. Mayroong isang kasabihan ang mga Batikanologo na "ang isang lalaki [o taong] pumasok sa konklabe bilang Papa ay lumalabas mula rito bilang isang kardinal."
Ang tala ng "papabili" ay nagbabago habang tumatanda ang mga kardinal. Halimbawa na, inisip na siCarlo Maria Martini ay isang "papabile" hanggang sa magretiro siya mula sa kaniyang sede sa pagsapit niya ng 75 gulang. Ang tala ng "papabili" sa konklabeng pampapa noong 2005 ay nagpakita ng kung sino ang itinuturing bilang "papabile" nang mamatay si Juan Pablo II. Dahil sa si Papa Benedicto XVI ay isa sa pinakamatatandang mga lalaki na nasa listahan, karamihan sa mga lalaking nasa talaan ay nananatili bilang mga maaaring maging kapalit niya.
Sa wikang Italyano, ang salitangpapabile ay ginagamit din sa ibang mga sitwasyon na kinasasangkutan ng paghalal o pagtatalaga sa isang mahalagang posisyon. Halimbawa na, siMario Draghi ay naging nasa lista ng papabili upang maging gobernador ng Bangko ng Italya.[kailangan ng sanggunian]
Ang lathalaing ito na tungkol saKatolisismo ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.