Papa Silverio |
 |
Pangalan | Silverius | Nagsimula sa pagiging Papa | Hunyo 8,536 | Natapos sa pagiging Papa | March537 | Nakaraang Papa bago siya | Agapetus I | Sinundan | Vigilius | Ipinanganak | ??? | Lugar ng kapanganakan | ??? |
|
Pampapang styles ni Papa Silverio |
---|
 |
Sangguniang estilo | His Holiness |
---|
Estilo ng pananalita | Your Holiness |
---|
Estilo ng relihiyoso | Holy Father |
---|
Estilo ng pumanaw | Saint |
---|
SiSanto Papa Silverio oPope Saint Silverius [Ingles] ay nagsilbingpapa at tagapamamahala ngSimbahang Katoliko. Bilang isang papa, naglingkol siya mulaHunyo 8,536 hanggangMarso,537). Lehitimong anak siya niPapa Hormisdas, na ipinanganak bago man maging pari ang kaniyang ama. Pinaniniwalaang sumailalim siya sa pamamaraan ng konsekrasyon para maging santo noongHunyo 8,536.
Tinanggihan niya ang pagbabalik (restorasyon) niheretikong monopisito at datingpatriarka ng Constantinople na siAnthimus, na tinanggal niAgapetus, at ang pagtanggi niyang ito ang naging sanhi ng pagkasuklam sa kaniya niEmperatrisTheodora. Naging hangarin tuloy ni Theodora na maging papa siVigilius. Sa kapanahunan ng pagiging papa ni Silverio, pinaniniwalaang binili niya ang kaniyang pagluklok saupuan ni San Pedro (ibang katawagan sa pagka-Papa) mulapagka-papa mula sasee of St. Peter mula kay HaringTheodahad.
NoongDisyembre 9,536, pumasok saRoma ang heneral ngByzantine na siBelisarius, na may basbas ni Papa Silverio. Bumuo ng isang hukbo ang kapalit ni Theodahad na siWitiges, at nilusob ang Roma sa loob ng maraming mga buwan, na naging sanhi ng karuhkaan at kagutuman sa lungsod. Sinasabi na sumulat si Papa Silverius kay Witiges na nag-aalok na ipagkakanulo niya ang lungsod. Dahil rito, tinanggal siya sa pagka-papa ni Belisarius noong Marso537 sa paratang na pakikipag-ugnayang pataksil sa Roma at pagkampi niya sa mgaGoth, na naging sanhi ng pagbaba ng kaniyang antas mula isang papa hanggang sa isang karaniwang monghe na lamang. Natungo siya saConstantinople upang makipagkita kayJustinian I, na nagpaunlak naman sa reklamo ni Silverius. Pinabalik siya ni Justinian I sa Roma, subalit naipatapon naman ng lumaon ang kaniyang kalabang si Silverius saPandataria (Ventotene), isang kulungang pulo, kung saan namuhay si Silverius sa kapanahunan ng kaniyang mga huling araw sa mundo at nakalimutan na ng iba. Walang nakaaalam sa petsa ng kaniyang kamatayan. Ngunit, ayon saLiber Pontificalis (Aklat ng mga Papa), hindi sa Ventotene ipinatapon si Santo Papa Si Silverio, kundi ay saPalmarola, kung saan namatay siya pagkaraan ng dalawang buwan, noongHunyo 20,537.
Nang lumaon, dumaan sa pamamaraan ngbeatipikasyon si Papa Silverio atnaging ganap na santo. Siya ngayon ang banal na patron sa pulo ngPonza,Italya. Tinatawag din siyangSan Silverio (Saint Silverius [Ingles]). Ayon sa alamat ngKapuluan ng Ponza, may mga mangingisdang nakasakay sa isang maliit na bangka nang magkaroon ng isang bagyo, malapit lamang saPalmarola. Tumawag atnanalangin ang mga mangingisda kay San Silverio upang humingi ng tulong.Nagpakita sa kanila sa San Silverio at ginabayan sila ng santo patungo sa Palmarola, at sila nga'y naligtas. Ang milagrong ito ang sanhi ng pagiging santo ni San Silverio.
Ayon naman saNew Catholic Encyclopedia (Bagong Ensiklopedyang Katoliko, 1966), pinagdududahan ang mga petsa ng pagiging papa ni Papa Silverio: "Hunyo 1 o 8, 536, hanggangcirca Nobyembre 11, 537; kamatayan: Palmaria, maaaring Disyembre 2, 537." Gayundin, sinasabing hindi naman siya tunay na dumaan sa proseso ng beatipikasyon o kanonisasyon, ngunit tuwirang itinuring lamang bilang isang santo ng mga mamamayan. Unang nabanggit ang kaniyang pangalan noong ika-11 dantaon, mula sa talaan ng mga santo.
- Catholic Encyclopedia (1913), Pope St. Silverius (Santo Santo Silverio)
- Louise Ropes Loomis,The Book of Popes ("Liber Pontificalis", Ang Aklat-Talaan ng mga Papa). Merchantville, NJ: Evolution Publishing.ISBN 1-889758-86-8 (muling paglilimbag ng edisyong 1916. Pagsasalin sa Ingles na may mga talibaba ng mga dalubhasa, at mga ilustrasyon).
- Kasama sa itaas ang mga laman ng isang hindi-napangalanang ensiklopedya (edisyon 9, 1887)
|
---|
ika-1 hanggang ika-4 na siglo CE | | |
---|
ika-5 hanggang ika-8 na siglo CE | |
---|
ika-9 hanggang ika-12 na siglo CE | |
---|
ika-13 hanggang ika-16 na siglo CE | |
---|
ika-17 siglo hanggang sa kasalukuyan | |
---|
|