Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ngpagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. Maaari kang makatulong sa pamamagitan ngpagbabago nito ngayon.
Cooperatores veritatis (Mga katrabaho ng katotohanan)[1]
Lagda
Eskudo de armas
AngPapa Benedicto XVI (ipinanganakAbril 16,1927 bilangJose Luis Ratzinger oJoseph Aloisius Ratzinger – pumanaw Disyembre 31, 2022) ang inihalal naPapa ngSimbahang Katoliko noongAbril 19,2005, tatlong araw matapos ang kaniyang kaarawan. Bilang Papa, siya rin angObispo ng Roma (o Arsobispo Metropolitano ng Lalawigan ng Roma), Pinuno ngEstado ng Lungsod ng Vaticano, Patriyarka ng Kanluran, Primado ng Italya, at Kataas-taasang Pontipika ng pandaigdigang Simbahang Katolikong kaugnay sa Roma, kasama ng mga Simbahan ng Silanganang Rito na kakomunyon saSanta Sede. Pormal syang ginawang Papa noongAbril 24,2005, sa kaniyang Misa ngPapal Inauguration noon.
Matapos ang kaniyang pag-orden bilang pari noong taong 1951 sa kaniyang sinilangangBaviera, sinimulan ni Ratzinger ang kaniyang pang-aralang karera. Kinilala siya bilang isang bihasang teyologo pagkarating ng katapusan ng dekadang 1950. Itinakda siyang ganap na propesor noong 1958, sa edad ng 31. Pagkalipas ng maraming taon bilang isang propesor ng teolohiya sa ilang pamantasan saAlemanya, hinirang siya bilangArsobispo ngMunich at Freising at kardinal sa pasya niPapa Pablo VI.
Si Benedicto ay namatay noong Disyembre 31, 2022 sa oras 9:34 (8:34 sa GMT) noong Sabado. Ang kaniyang sinundang Papa na si Papa Francisco ang nangasiwa sa kaniyang libing, ginanap noong Enero 5, 2023.[2] Mga hindi lalagpas 50,000 ang mga dumalo sa misa noong panahong iyon, inilibing siya sa ilalim ng St. Peter's Basilica kung saan kasama niya ang mga humigit siyamnapu na mga pumanaw na papa.[3]