Tungkol sa bansa ang artikulo na ito. Para sa punong lungsod ng bansa, tingnan angLungsod ng Panama. Para sa ibang gamit, tingnan angPanama (paglilinaw).
Pinanirahan ang Panama ng mga liping katutubo bago naging kolonya ng mga Kastila na dumating noongika-16 na dantaon. Kumalas sila saEspanya noong 1821 at umanib sa Republika ng Gran Colombia, isang unyon ng Nueva Granada,Ecuador, atVenezuela. Pagkatapos mabuwag ang Gran Colombia noong 1831, naging Republika ng Colombia ang Panama at Nueva Granada sa kalaunan. Sa suporta ngEstados Unidos, humiwalay ang Panama mula sa Colombia noong 1903, na pinahintulot ang konstruksyon ngKanal ng Panama upang makumpleto ng Hukbong Pulutong ng mga Inhinyero ng Estados Unidos sa pagitan ng 1904 at 1914. Napagkasunduan sa mga Kasunduang Torrijos–Carter noong 1977 na ilipat ang kontrol ng kanal mula Estados Unidos tungong Panama noong Disyembre 31, 1999.[1] Unang binalik ang palibot na teritoryo noong 1979.[11]
Ang kita mula sa mga bayad otoll sa kanal ay patuloy na kinakatawan ang isang mahalagang bahagi ngGDP ng Panama, bagaman, pangunahin at lumalago ang mga sektor ng komersyo,pagbabangko, atturismo. Tinuturing itong bilang isangekonomiya na may mataas na kita.[12] Noong 2019, nakaranggo ang Panama sa ika-57 sa mundo saTalatuntunan ng Kaunlarang Pantao.[7] Noong 2018, nakaranggo ang Panama sa ikapitong pinakakompetitibong ekonomiya saLatinong Amerika, sang-ayon sa Pandaidigang Indeks sa Pagiging Kompetitibo ng Porong Ekonomiko ng Mundo (World Economic Forum's Global Competitiveness Index).[13] Tahanan ang mga gubat, na tinatakpan ang mga 40 bahagdan ng sukat ng lupain ng Panama, ng saganang tropikal na mgahalaman athayop – ilan sa kanila ay hindi natatagpuan saanman sa daigdig.[14] Isang kasaping nagtatag ngMga Nagkakaisang Bansa ang Panama, at ibang samahang internasyunal tulad ngOAS, LAIA, G77,WHO, at NAM.
Nahahati ang Panama sa sampung lalawigan na may kani-kaniyang lokal na mga awtoridad (mga gobernador). Nahahati ang bawat isa sa mga distrito at mgacorregimiento (kabayanan). Dagdag dito, mayroon din limangComarcas (literal: "mga kaunti") na pinaninirahan ng iba't ibang mga pangkat katutubo.
↑"National Geographic Education" (sa wikang Ingles). National Geographic Society. Inarkibo mula saorihinal noong Hulyo 28, 2011. Nakuha noongMayo 12, 2011. National Geographic Atlas (list). National Geographic Society. 2010. p. 4. Webster's New Geographical Dictionary (list and map) (sa wikang Ingles). Merriam-Webster Inc. 1984. pp. 856, 859. "Americas"Standard Country and Area Codes Classifications (M49), United Nations Statistics Division (sa Ingles) "North America"Atlas of Canada (sa Ingles) North America Atlas National Geographic (sa Ingles)
↑Department of State, United States of America (1987) [Pinirmahan sa Washington noong Setyembre 7, 1977. Nagkaroon ng bisa noong Oktubre 1, 1979.]."Panama Canal Treaty".United States Treaties and Other International Agreements (sa wikang Ingles). Bol. 33. United States Department of State. p. 55. 33 UST 39; TIAS 10030.Upon entry into force of this Treaty, the United States Government agencies known as the Panama Canal Company and the Canal Zone Government shall cease to operate within the territory of the Republic of Panama that formerly constituted the Canal Zone.