Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Panahon ng Kaliwanagan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sa Salon ni Madame Geoffrin noong 1755 (Ingles:In the Salon of Madame Geoffrin in 1755). Pagbabasa ng trahedya ni Voltaire,The Orphan of China, sa salon niMarie Thérèse Rodet Geoffrin, niAnicet Charles Gabriel Lemonnier, c. 1812.

AngPanahon ng Kalinawagan, Panahon ng Paliwanag oPanahon ng Rason at angKalinawagan (Ingles:Age of Enlightenment, oAge of Reason andthe Enlightenment) ay isang kilusangintelektuwal atpilosopikal saEuropa na umiral mula huling bahagi ng ika-17 siglo hanggang sa unang bahagi ng ika-19 na siglo.[1][2] Pangunahing pinahahalagahan nito ang kaalamang nakuha sa pamamagitan ngrasyonalismo atempirisismo. Ang Kaliwanagan ay nakatuon sa malawak na hanay ng mga kaisipang panlipunan atpampolitika gaya nglikas na batas,kalayaan, atpag-unlad,pagtutulungan atpagkakapatiran,konstitusyonal na pamahalaan, atpormal na paghihiwalay ng simbahan at estado.[3][4][5]

Nagsimula ang Panahon ng Kalinawagan matapos at kasabay ngPanahon ng Siyentipikong Rebolusyon. Kabilang dito ang mga ginawa ninaJohannes Kepler,Galileo Galilei,Francis Bacon,Pierre Gassendi,Christiaan Huygens, atIsaac Newton, pati na rin ang mga kaisipan ninaDescartes,Hobbes,Spinoza,Leibniz, atJohn Locke. Ang pagtatakda ng simula ng panahon ng Kalinawagan ay maaaring maiugnay sa paglalathala ngDiscourse on the Method niRené Descartes noong 1637, kung saan ipinakilala niya ang kanyang paraan ng sistematikong pagdududa sa lahat ng bagay maliban na lang kung mayroon talagang matibay na dahilan upang tanggapin ito, at kasama rito ang kanyang tanyag na kasabihan,Cogito, ergo sum (“Ako ay nag-iisip, kaya ako ay umiiral”). Ang iba naman ay itinuturing ang paglalathala ngPrincipia Mathematica ni Isaac Newton (1687) bilang rurok ng Rebolusyong Siyentipiko at simula ng Panahon ng Paliwanag (Enlightenment).[6][7][8]

Malawak na ipinakalat ng mga pilosopo at siyentipiko noon ang kanilang mga ideya sa pamamagitan ng pagpupulong sa mgasiyentipikong akademya,Masonikong lohiya, mgapampanitikang salon, mgakapihan, at sa mganalathalang aklat,journal, atpolyeto. Ang mga ideya ng Panahon ng Paliwanag ay humamon sa awtoridad ngmonarkiya at ng relihiyosong mga opisyal at nagbukas ng daan sa mga pampulitikangrebolusyon noong ika-18 at ika-19 na siglo. Maraming kilusan noong ika-19 na siglo, gaya ngliberalismo,sosyalismo, atneoklasisismo, ay nag-ugat mula sa Panahon ng Paliwanag.[9][10]

Ang Panahon ng Paliwanag ay binigyang-diin ng lumalaking pag-unawa sa ugnayan ngisip at ng pang-araw-araw na kaalaman sa mundo,[11] at ng pagbibigay-halaga sasiyentipikongpamamaraan atreductionism, kasama ng mas malalim na pagkuwestiyon sa mgapaniniwalang panrelihiyon—isang pananaw na makikita sa sanaysay ni Kant na "Answering the Question: What Is Enlightenment?", kung saan matatagpuan ang pariralangsapere aude ("maging matapang na magtanong").[12]


Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "The Age of Enlightenment: A History From Beginning to End: Chapter 3".publishinghau5.com. Inarkibo mula sa orihinal noong. Nakuha noong3 April 2017.
  2. Conrad, Sebastian (1 October 2012)."Enlightenment in Global History: A Historiographical Critique".The American Historical Review.117 (4):999–1027.doi:10.1093/ahr/117.4.999.ISSN 0002-8762.
  3. Outram, Dorinda (2006).Panorama of the Enlightenment. J. Paul Getty Museum. p. 29.ISBN 978-0-89236-861-7.
  4. Zafirovski, Milan (2010).The Enlightenment and Its Effects on Modern Society. p. 144.
  5. Jacob, Margaret C.The Secular Enlightenment. Princeton: Princeton University Press 2019 1
  6. "The Enlightenment". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong16 November 2023.
  7. Bristow, William (20 August 2010)."Enlightenment". Mula sa Zalta, Edward N.; Nodelman, Uri (mga pat.).The Stanford Encyclopedia of Philosophy (ika-Fall 2023 (na) labas). Metaphysics Research Lab, Stanford University. Nakuha noong15 April 2025.
  8. Casini, Paolo (January 1988). "Newton's Principia and the Philosophers of the Enlightenment".Notes and Records of the Royal Society of London.42 (1):35–52.doi:10.1098/rsnr.1988.0006.ISSN 0035-9149.S2CID 145282986.
  9. Smaldone, William (2014).European socialism: a concise history with documents. Lanham: Rowman & Littlefield Publishers, Inc. pp. 3–4.ISBN 978-1-4422-0909-1.
  10. Eugen Weber,Movements, Currents, Trends: Aspects of European Thought in the Nineteenth and Twentieth Centuries (1992).
  11. Eddy, Matthew Daniel (2022).Media and the Mind: Art, Science and Notebooks as Paper Machines, 1700–1830. Chicago: University of Chicago Press. Inarkibo mula saorihinal noong 2024-12-06. Nakuha noong2025-07-20.
  12. Gay, Peter (1996).The Enlightenment: An Interpretation. W.W. Norton & Company.ISBN 978-0-393-00870-8.

PilosopiyaAng lathalaing ito na tungkol saPilosopiya ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Panahon_ng_Kaliwanagan&oldid=2178503"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp