AngPambansang koponan ng futbol ng Alemanya (Aleman:Die deutsche Fußballnationalmannschaft) ay ang panlalaking koponan ngfutbol na ang kumakatawan saAlemanya sa mga paligsahang internasyunal mula 1908.[4] Ito ay pinamumunuhan ngGerman Football Association (Aleman:Deutscher Fußball-Bund Tagalog:Samahang Futbol ng Alemanya), na itinatag noong 1900.[8][9] Mula noon itinatag muli ang DFB noong 1949 ang koponan ay kumatawan saRepublikang Pederal ng Alemanya. Sa ilalamin ng pagsakop at paghati ng puwersang Allied sa Alemanya, dalawa pang pambansang koponan ay kinilala ngFIFA: Ang koponan ngSaarland ang kumakatawan saSaarland (1950–1956) at ang koponan ngSilangang Alemanya ang kumakatawan saDemokratikong Republika ng Alemanya (1952–1990). Ang parehas ay pinagsama, kasama na ang mga naging mga nakamit na talaan[10][11] ng kasalukuyang koponan. Ang opisyal na pangalan at kodigo ng koponan ay "Germany FR (FRG)" (Tagalog: RP Alemanya) ay ipinaikli sa "Germany (GER)" (Tagalog:Alemanya) pagkatapos ng muli na pagsasama ng Silangan andKanlurang Alemanya noong 1990.
Ang Alemanya ay isa sa mga pinakamatagumpay ng koponan sa mga paligsahang internasyunal, na nanalo ng kabuuang apat naWorld Cup (1954,1974,1990,2014) at tatlongKampeonatong Europeo (1972,1980,1996).[8] Sila rin ay nakakamit ng pangalawang gantimpala ng apat na beses sa Kampeonatong Europeo, apat na beses sa WorldCup, at nakamit rin nila ang ikatlong gantimpala ng apat na beses.[8] Nanalo ang Silangang Alemanya ng ginto sa 1976 Olimpiko.[12] Ang Alemanya lamang ang natatanging bansa nanalo sa parehas na panlalaki at pambabae na edisyon ng World CUp. Sa pagkatapos ng 2014 World Cup ng Futbol ng FIFA, nakamit ng Alemanya ang pinakamataas nakatuyuan ng Elo kumpara sa iba pang pambansang koponan sa kasaysayan, na may 2200 puntos.[13] Ang Alemanya lamang ang natatanging Europeong bansa na nanalo ng World Cup sa Timog Amerika. Ang Kasalukuyang punong tagasanay ng pambansang koponan ay siJoachim Löw.
↑In Germany, the team is typically referred to asDie Nationalmannschaft (the national team),DFB-Elf (DFB eleven),DFB-Auswahl (DFB selection) orNationalelf (national eleven). Whereas in foreign media, they are regularly described asDie Mannschaft (The Team).[1] As of June 2015, this was acknowledged by the DFB as official branding of the team.[2]