Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Kalakhang Maynila

Mga koordinado:14°35′N121°00′E / 14.58°N 121°E /14.58; 121
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saPambansang Punong Rehiyon)
Tungkol sa kalakhang kabisera ng Pilipinas ang artikulo na ito. Para kabiserang lungsod, tingnan angMaynila. Para ibang paggamit, tingnan angMaynila (paglilinaw).
Kalakhang Maynilà
Metro Manila

ᜃᜎᜃ᜔ᜑᜅ᜔ ᜋᜌ᜔ᜈᜒᜎ

Kamaynilaan
Pambansang Punong Rehiyon
National Capital Region (NCR)
Estasyong J. Ruiz
Kutang Santiago
Abenida Epifanio de los Santos
Bantayog ni Rizal
Katedral ng Maynila
Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino
Lokasyon sa Pilipinas
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado:14°35′N121°00′E / 14.58°N 121°E /14.58; 121
Bansa Pilipinas
Nangangasiwang entidadPangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila
Naitatag7 Nobyembre 1975[1]
Binubuo ng
Pamahalaan
 • UriKalakhang pamahalaan sa ilalim ng desentralisadong balangkas[2]
 • KonsehoPangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila
 • TagapanguloDanilo Lim (LP)
 • Konsehal ng kalakhanKonseho ng kalakhang Maynila
Lawak
 • Kalakhan atRehiyon619.57 km2 (239.22 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)[3]
 • Kalakhan atRehiyon12,877,253
 • Kapal21,000/km2 (54,000/milya kuwadrado)
 • Metro24,100,000 (Hindi pagtitipon, lugar ng kalakhan)
mgademonymTagalog: Manileño(-a), Manilenyo(-a), Taga-Maynila
Ingles: Manilan;
Kastila:manilense,[a]manileño(-a)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
IDD:area code+63 (0)2
Kodigo ng ISO 3166PH-00
GDP (2020)5.8 trilyon
$120.56 bilyon
Bilis ng paglagoIncrease (7.5%)
PulisyaNCRPO
Palatandaan ng pagunlad ng mga mamamayan (HDI)Increase 0.837 (Sobrang taas)
Antas ng HDIPangalawa (2015)
Websaytmmda.gov.ph
  1. Ito ang orihinal na pagsasalin sa wiking Espanyol, at ginamit din ito ni José Rizal sa kanyang obra naEl filibusterismo.

AngKalakhang Maynila (Ingles:Metropolitan Manila), tinatawag din bilangPambansang Rehiyong Kapital[5] (Ingles:National Capital Region), ay ang kabiserangrehiyon at isa sa mga itinakdangkalakhang pook ngPilipinas. Binubuo ito ng 16 na lungsod: angLungsod ng Maynila,Lungsod ng Quezon,Caloocan,Las Piñas,Makati,Malabon,Mandaluyong,Marikina,Muntinlupa,Navotas,Parañaque,Pasay,Pasig,San Juan,Taguig, atValenzuela, pati na rin ang bayan ngPateros. Ang rehiyon ay may sukat na 619.57 square kilometre (239.22 mi kuw) at kabuuang populasyon na 12,877,253 noong 2015.

Makati

Ang rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ngPilipinas. Ayon sa iprinoklamang Utos ng Pampanguluhan Blg. 940, ang kabuuan ng Kalakhang Maynila ay angsentro ng pamahalaan habang ang Lungsod ng Maynila angkabisera. Ang pinakamalaking lungsod sa Kamaynilaan ay angLungsod Quezon, samantalang ang pinakamalakingdistritong pangkalakalan ay angLungsod Makati.

Ang Kalakhang Maynila ang pinakamaraming naninirahan satinutukoy na 12 kalakhan ng Pilipinas at pang-11 sa pinakamaraming naninirahan sa buong mundo. Batay sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 11,855,975, katumbas ng 13% populasyon ng bansa.

Angkabuuang produktong pampook ng Kalakhang Maynila ayon noong Hulyo 2011 ay tinatayang $159 bilyon o 33% ngkabuuang produktong pambansa. Sa loob ng taong 2011, ayon saPricewaterhouseCoopers, ito ay pang-28 sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa pinagsamasamang lungsod sa buong mundo at pang-4 saTimog-Silangang Asya.

Batay sa census noong 2007, ay populasyon ay 11,553,427[6]. Kung isasama sa pagbibilang ng populasyon ang mga katabing lalawigan (Bulacan,Kabite,Laguna atRizal) ngMalawakang Maynila, ang populasyon ay humigit kumulang 20 milyon[7][8].

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Tingnan din:Kasaysayan ng Maynila
Karagdagang impormasyon:Kabisera ng Pilipinas
Mapa ng lalawigan ngMaynila

Kaharian ng Lusong

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang mapa ng sinaunang Maynila noong 1570. Ang bayan ng Maynila ay naka-kulay dilaw.

Isang makasaysayang kaharian na kilala bilangMaynila ang kabilang sa mga teritoryo na minsang nasaklaw sa mga sinaunang kaharian. Kasama rin dito ang mga isla sa paligid ngMaynila atTondo, ngunit may mas maliit na kaharian din katulad ngTambobong, Taguig, Pateros, at ang pinagtibay na kaharian ngCainta.

Panahon ng Kastila, Himagsikan at Panahon ng Amerikano

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Naging kabisera ito ng kolonyal na Pilipinas, at angIntramuros ay nagsilbi bilang sentro ng kapangyarihang kolonyal. Noong 1898, isinama ang lungsod ngManila at 23 iba pang mga bayan. AngMariquina ay nagsilbi ring kabisera ng Pilipinas mula 1898–1899, noong inilipat ang soberanya ng Pilipinas saEstados Unidos. Noong 1901, ang lalawigan ng Maynila ay pinawalangbisa at halos lahat ng teritoryo nito ay inilipat sa noo'y bagong lalawigan ngRizal.

Mula pa noong panahong kolonyal ng mga Espanyol, ang Maynila ay itinuturing bilang isang orihinal nalungsod pandaigdig.

Anggaleon ng Maynila ay ang pinaka-unang kilalang kalakalan na naglayag sa rutang pangkalakaran saKaragatang Pasipiko sa loob ng 250 taon, na nagdadala sa Espanya ng mga karagamentong may luho, benepisyong pang-ekonomiya, at pagpapalit ng kultura.

Heograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Retratong satelayt ng Kalakhang Maynila na kinuha mula saInternational Space Station noong Mayo 2016.
Tanawin ng Kalakhang Maynila mula saMoog ng San Felipe saKabite.

Matatagpuan sa 14°40' H 121°3 S, ang Kalakhang Maynila ay nasa isangisthmus na naghahanggan saLawa ng Laguna sa timog silangan at saLook ng Maynila sa kanluran. Ang pook metropolitan ay nasa malawak na kapatagan. Naghahanggan ang sakop nito saBulacan sa hilaga, sa lalawigan ngRizal sa silangan, saLaguna sa timog at saKabite sa timog kanluran. Hinahati ngIlog Pasig ang Kalakhang Maynila na nagdudugtong sa dalawang katubigan kinahahanggan nito sa kanluran at silangan.

Pinakamaliit sa mga rehiyon ng Pilipinas ang Kalakhang Maynila, subalit pinakamatao at pinakamakapal angpopulasyon nito. 636 kilometrong parisukat ang lawak nito at pinapaligiran ito ng mga lalawigan ngBulacan sa hilaga,Rizal sa silangan, atLaguna atCavite sa timog. Matatagpuan naman sa kanluran ng Kalakhang Maynila angLook ng Maynila at sa timog-silangan naman angLaguna de Bay. Dumadaloy sa gitna ng Kalakhang Maynila angIlog Pasig na siyang nagdudugtongLaguna de Bay sa Look ng Maynila.

Ang Kalakhang Maynila ay itinuturingswampyisthmus na may karaniwang elebasyon na 10 metro. Ang pangunahing anyong tubig ng Kalakhang Maynila ay angIlog Pasig; ito ang humahati sa isthmus ng Kalakhang Maynila.

Klima

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ayon sapagbubukod ng klima na Köppen, ang Pambansang Punong Rehiyon ay maytropikong basa at tuyo na klima attropikong balaklaot na klima. Ang Kalakhang Maynila ay may maiklingtagtuyo mula Enero hanggang Mayo, at may pagkahabangtag-ulan mula Hunyo hanggang Disyembre.


BuwanEneroPebreroMarsoAbrilMayoHunyoHulyoAgostoSetyembreOktubreNobyembreDisyembreTaon
Katamtamang Mataas na Temperatura°C30313233333231303130303031
Katamtaman Kababaan ng Temperatura°C (°F)21222224252524232323232223
Ulan (cm)2113122640363419136197
Pinagkunan:WeatherbaseNaka-arkibo 2012-03-07 saWayback Machine.

Pamahalaan at politika

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Karagdagang impormasyon:Mga paghahating pampangasiwaan ng Kalakhang Maynila

Mga lungsod at bayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Mapa ng Kalakhang Maynila.

Ang labimpitong mga yunit ng lokal na pamahalaan ng Kalakhang Maynila ay administratibong kapantay sa mga lalawigan. Binubuo ang mga ito ng labing-anim na mgamalayang lungsod na iniuri bilang "mga lungsod na mataas na urbanisado", at isang malayang bayan:Pateros.

Lungsodo
bayan
RetratoPopulasyon(2015)[3]Lawak[a]DensidadPetsa ng pagsapi bilang lungsod
km2sq mi/km2/sq mi
Caloocan12.3%1,583,97853.2020.5430,00078,0001962
Las Piñas4.6%588,89432.0212.3618,00047,0001997
Makati4.5%582,60221.738.3927,00070,0001995
Malabon2.8%365,52515.966.1623,00060,0002001
Mandaluyong3.0%386,27611.064.2735,00091,0001994
Maynila13.8%1,780,14842.8816.5642,000110,0001571
Marikina3.5%450,74122.648.7420,00052,0001996
Muntinlupa3.9%504,50941.6716.0912,00031,0001995
Navotas1.9%249,46311.514.4422,00057,0002007
Parañaque5.2%664,82247.2818.2514,00036,0001998
Pasay3.2%416,52218.647.2022,00057,0001947
Pasig
5.9%755,30031.4612.1524,00062,0001995
Pateros0.5%63,8401.760.68[b]36,00093,000Hindi pa isang lungsod
Lungsod Quezon22.8%2,936,116165.3363.8318,00047,0001939
San Juan0.9%122,1805.872.2721,00054,0002007
Taguig6.3%804,91545.1817.4418,00047,0002004
Valenzuela4.8%620,42245.7517.6614,00036,0001998
Kabuuan12,877,253613.94237.0421,00054,000
  1. ^ Ang mga bilang ng sukat ng lupain ay mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology at Geoscience Australia.[9][10]
  2. ^ Ang sukat ng lupain ng Pateros ay mula sa opisyal na websayt ng pamahalaan ng Munisipyo ng Pateros.[11]

Mga distrito

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Hindi tulad ng ibang rehiyon na nahahati sa mgalalawigan, nahahati ang Kalakhang Maynila sa limang hindi administratibong distrito, na nakauri batay saheograpiya nito gamit angIlog Pasig bilang reperensiya. Nabuo ang mga distritong ito noong 1976 ngunit walang lokal napamahalaan o may kinatawan sakongreso, salungat sa mga lalawigan. Ginagamit ang mga distritong ito para sa layuning piskal atestadistikal.

Nahahati ang mga lungsod at munisipyo sa Kalakhang Maynila sa apat na distrito, ang mga ito ang sumusunod:

Mga distrito ng Kalakhang Maynila
Mga distrito ng Kalakhang Maynila
DistritoMga lungsod/bayanPopulasyon(2015)Lawak
Kabiserang Distrito
(Unang Distrito)
Maynila1,780,14842.88 km2
(16.56 mi kuw)
Silangang Distrito ng Maynila
(Ikalawang Distrito)
4,650,613236.36 km2
(91.26 mi kuw)
Hilagang Distrito ng Maynila (CAMANAVA)
(Ikatlong Distrito)
2,819,388126.42 km2
(48.81 mi kuw)
Katimugang Distrito ng Maynila
(Ikaapat na Distrito)
3,626,104208.28 km2
(80.42 mi kuw)
Kalakhang Maynila12,876,253613.94 km2
(237.04 mi kuw)
Mga pinagkunan:

Ekonomiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang Pambansang Punong Rehiyon ay bumuo ng 36% ng pambansang kita noong 2018.[15]

Lugar ng Libangan at Palatandaan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang parteng ito ay bakante.Makakatulong ka sa pamamagitan ngpagdaragdag dito.

Transportasyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Transportasyon sa Kalakhang Maynila
Tingnan din:Metro Manila Dream Plan

Ayon saLand Transportation Franchising and Regulatory Board, ang pampublikong sakayan sa Kalakhang Maynila ay binubuo ng mga sumusunod: 46% ng mga tao ay lumilibot sa pamamagitan ng mgadyipni, 32% sa pamamagitan ng mga pampribadong kotse, 14% sa pamamagitan ng bus, at 8% ay gumagamit ng sistemangdaambakal.[16] Nakaalinsunod ang pagpapausbong ng transportasyon ng Kamaynilaan saMetro Manila Dream Plan, na binubuo ng pagpapatayo ng mga impraestruktura na tatagal hanggang 2030 at tumutugon sa mga usaping ukol sa trapiko, paggamit ng lupain, at kalikasan.[17][18]

Mga daan at lansangan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Talaan ng mga lansangan sa Kalakhang Maynila
Tanawing panghimpapawid ngEDSA, ang pinakaabalang lansangan sa kalungsuran.
NAIA Expressway, ang kauna-unahang mabilisang daanang pampaliparan sa kalakhan at sa bansa.

Itinayo ang mga daan ng Kamaynilaan sa paligid ngLungsod ng Maynila. Ibinukod ang mga daan bilang mga lokal na daan, pambansang daan, o daang subdibisyon. Mayroong sampung daang radyal na lumalabas ng lungsod. Gayundin, mayroong limang daang palibot na bumubuo sa isang serye na mga bilugang hating-bilog na arko sa paligid ng Maynila. Ang mga daang palibot at daang radyal ay mga sistema ng nakakonektang daan at lansangan. Isang suliranin sa mga daang palibot ay mga nawawalang daan (missing road links). Ito ay mga daan na hindi pa itinatayo (sa ngayon) para magbigay-daan sa pagpapausbong dahil sa mabilisang urbanisasyon ng Kamaynilaan. Inilulutas na ng kalakhan ang suliraning ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga nawawalang daan o sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga daang nag-uugnay (connector roads).

Isang mahalagang daang palibot ay angDaang Palibot Blg. 4 (o C-4), na binubuo ng Daang C-4 sa Navotas at Malabon,Daang Samson sa Caloocan, atEDSA (Abenida Epifanio de los Santos]]. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Mandaluyong, Lungsod Quezon, at Caloocan. Sinusundan ngLinya 3 ng MRT ang pagkakalinya ng EDSA mulaAbenida Taft sa Pasay hanggangTrinoma malapit sa sangandaan nito saAbenida North. AngDaang Palibot Blg. 5, o mas-kilala bilang C-5, ay nagsisilbi sa mga nakatira malapit sa mga hangganang panrehiyon ng Kamaynilaan at nagsisibi ring alternatibong ruta para sa C-4.

Ang pinakatanyag na daang radyal ay angDaang Radyal Blg. 1 (R-1), na binubuo ngKalye Bonifacio (Bonifacio Drive),Bulebar Roxas, atManila–Cavite Expressway (oCoastal Road). Inuugnay nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ngKabite. Ang mga iba pang kilalang daang radyal sa Kamaynilaan ay angDaang Radyal Blg. 3 (R-3), o angSouth Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan saLaguna;Daang Radyal Blg. 6, na binubuo ngBulebar Ramon Magsaysay,Bulebar Aurora, atLansangang Marikina–Infanta na dumadaan patungongRizal;Daang Radyal Blg. 7 (R-7), na nag-uugnay ng Maynila sa Lungsod Quezon atSan Jose del Monte,Bulacan; atDaang Radyal Blg. 8 (R-8), o ang mga daan ngAbenida Bonifacio atNorth Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa mga lalawigan sa hilaga tulad ng Bulacan atPampanga.

Isang palatandaan ngN150 saAbenida Padre Burgos. Ang nasabing abenida ay isang bahagi ng nabanggit na ruta ngsistemang lansangambayan ng Pilipinas.

Ang sistemang daang radyal at palibot ay kasalukuyang pinapalitan ng isangbagong sistema ng nakabilang na lansangambayan na ipinapatupad ngKagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at kasalukuyang inilalagay ang mga bagong palatandaan sa pagpapatupad nito. Itinatanda ang mga mabilisang daanan ng mga bilang na may unlaping "E" (nangangahulugang "expressway" o mabilisang daanan). Itinakda naman ang mga pambansang lansangan ng mga bilang may isa hanggang tatlong tambilang, maliban lamang sa mga lansangang iniuri bilang mga pambansang daang tersiyaryo.

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang pagtatayo ngMetro Manila Skyway Stage 3 at angNAIA Expressway Phase 2 na bahagi ng Metro Manila Dream Plan. Kabilang sa mga iba pang proyekto itinatayo ay ang pagpapaganda ng EDSA, pagtatayo ng Taft Avenue Flyover, at ang pagtatayo ng mga nawawalang daan para sa mga daang palibot circumferential roads (hal.Metro Manila Interchange Project Phase IV).

Mga sistemang daambakal

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Kailangangisapanahon ang artikulong ito. Pakitulungang isapanahon ang article na ito upang sumalamin ang kamakailang mga kaganapan o bagong impormasyon na mayroon na.
Tingnan din:Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila andSistema ng Metro Rail Transit ng Maynila
Mapang sistema ngLRT atMRT (Hulyo 2015)
AngEstasyon ng J. Ruiz ngLinya 2.

May tatlong linyang daambakal ang Kalakhang Maynila, na pinangangasiwaan ng dalawang entidad. Ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRTA) ay nagtatakbo ng Linya 1 (Linyang Lunti) atLinya 2 (Linyang Bughaw). Sa kabilang banda, angSistema ng Metro Rail Transit ng Maynila ay nagtatakbo ngLinya 3 (Linyang Dilaw) na dumadaan saEDSA.

Ang Unang Linya ay may 560,000 bilang ng mga mananakay kada linggo.[19] Noong Pebrero 2014, ang kabuuang bilang na 14.06 milyong pasahero ang gumamit ng Unang Linya habang 6.13 milyon naman ang gumamit ng Ikalawang Linya.[20] 

Sa kasalukuyan, itinatayo ang Ikapitong Linya ng Metro Rail Transit ng Maynila (Linyang Pula). Pag-nakumpleto, uugnayin nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ngBulacan. Bukod pa riyan, isangcommon station na mag-uugnay ng Unang Linya, Ikatlong Linya, at Ikapitong Linya ay nakapanukala, subalit ang pagtatayo nito ay hinahadlangan ngburukrasya saKagawaran ng Transportasyon (DOTr), mahigpit na alitan sa korporasyon, at mga usapin ukol sa ipinapanukalang lokasyon nito.[21][22][23][24]

Ipinanukala na ipapahaba ang Linya 1 papuntang Bacoor sa lalawigan ngKabite.[19] Isang ikalawang pagpapahaba, ang Ika-anim na Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila, ang mag-uugnay ng Bacoor saDasmarinas sa kahabaan ngLansangang Aguinaldo. Sa ngayon, itinatayo ang Silangang Ekstensyon ng Linya 2. Ang silangang ekstensyon na ito ang mag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa lalawigan ngRizal. Ipapahabain rin ito pakanluran sa hinaharap, at dahil diyan mas-dadami ang ugnayan sa mga lugar ng Divisoria at Pier 4 at angPantalan ng Maynila.

Ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) ay nagpapatakbo ng isang serbisyong riles pang-komyuter sa Kalakhang Maynila na tinatawag naPNR Metro South Commuter. Angpangunahing estasyong terminal nito ay matatagpuan sa Tutuban saTondo. Kapag nakumpleto na ang kanlurang karugtong ng Linya 2, ang Tutuban ay magiging pinaka-maabalangestasyong palitan sa buong kalakhan, na may dagdag na isa pang 400,000 tao mula sa kasalukuyang 1 milyong tao na pumupuntang Tutuban Center.[25]

Himpapawid

[baguhin |baguhin ang wikitext]

AngPaliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) na matatagpuan sa mga lungsod ngPasay atParañaque ay ang primerang pasukan sa Kalakhang Maynila. Ito lamang ang paliparan na naglilingkod sa rehiyon at ito ang pinaka-abalang paliparan sa bansa.[26] Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino ay nahahati sa mga apat na terminal: ang Terminal 1, ang Terminal 2 na ekslusibong ginagamit ngPhilippine Airlines, ang Terminal 3 na pinakabago at pinakamalaki sa NAIA komplex, at ang Terminal 4 na kilala rin bilang Manila Domestic Passenger Terminal. Ang isa pang paliparan na naglilingkod sa Kalakhang Maynila ay angPaliparang Pandaigdig ng Clark na matatagpuan saAngeles,Pampanga.

Ferry

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Isang bangka ng Pasig River Ferry Service.

AngPasig River Ferry Service na pinapatakbo ngMMDA ay angsistemang shuttle na lantsang pantawid ng Kalakhang Maynila. Dumadaan ito saIlog Pasig mula Plaza Mexico saIntramuros hanggang Barangay Pinagbuhatan saPasig. Bagamat itinuturi itongferry, mas-kahawig nito ang isangtaksi na pantubig. Ito ay may labimpitong (17) estasyon, subalit labing-apat (14) lamang ang gumagana.

Demograpiko

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Populasyon ng
Pambansang Punong Rehiyon
TaonPop.±% p.a.
19805,925,884—    
19907,948,392+2.98%
19959,454,040+3.30%
20009,932,560+1.06%
200711,553,427+2.11%
201011,855,975+0.95%
201512,877,253+1.59%
Sanggunian: Philippine Statistics Authority[6][27][28][3]

Ang Pambansang Punong Rehiyon ay may populasyon na&0000000012877253.00000012,877,253, ayon sa pambansang senso 2015. Ang kabuuang pook-urban (urban area), na binubuo ng pinagsamang pook-urban na tumutukoy sa tuluy-tuloy na paglawak ng urbanisasyon ng Kamaynilaan patungongBulacan,Kabite,Laguna,Rizal, atBatangas ay may populasyon na&0000000024123000.00000024,123,000.[29] Ito ang pinakamataong rehiyon sa Pilipinas, ang ikapitong pinakamataong kalakhan sa Asya, at ang ikatlong pinakamataong pook-urban sa buong mundo.

Ang mga pinakamataong lungsod sa Kamaynilaan ayLungsod Quezon (2,936,116),Maynila (1,780,148),Caloocan (1,583,978),Taguig (804,915),Pasig (755,300),Parañaque (665,822),Valenzuela (620,422),Las Piñas (588,894),Makati (582,602), atMuntinlupa (504,509).

Mgaslum

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Noong 2014, tinatayang may apat na milyong mga tumitira sa mgaslum sa Kalakhang Maynila. Isang pangunahing suliranin sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila ang kawalan ng tirahan.[30]

Edukasyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang parteng ito ay bakante.Makakatulong ka sa pamamagitan ngpagdaragdag dito.

Kalusugan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang parteng ito ay bakante.Makakatulong ka sa pamamagitan ngpagdaragdag dito.

Seguridad at Pulisya

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang parteng ito ay bakante.Makakatulong ka sa pamamagitan ngpagdaragdag dito.

Palingkurang-bayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Kuryente

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang parteng ito ay bakante.Makakatulong ka sa pamamagitan ngpagdaragdag dito.

Tubig

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang parteng ito ay bakante.Makakatulong ka sa pamamagitan ngpagdaragdag dito.

Komunikasyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang parteng ito ay bakante.Makakatulong ka sa pamamagitan ngpagdaragdag dito.

Pamamahala ng mga Basura

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang parteng ito ay bakante.Makakatulong ka sa pamamagitan ngpagdaragdag dito.

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Presidential Decree No. 824 November 7, 1975".lawphil.net.Arellano Law Foundation. Nakuha noong14 Enero 2014.
  2. Manasan, Rosario; Mercado, Ruben (Pebrero 1999)."Governance and Urban Development: Case Study of Metro Manila"(PDF).Philippine Institute for Development Studies Discussion Paper Series (99–03). Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 16 Disyembre 2018. Nakuha noong15 Disyembre 2018.
  3. 3.03.13.23.3Census of Population (2015)."National Capital Region (NCR)".Total Population by Province, City, Municipality and Barangay.PSA. Nakuha noong20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  4. "The Principal Agglomerations of the World".citypopulation.de. Nakuha noong8 Disyembre 2017.
  5. "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino"(PDF).Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 23 September 2021. Nakuha noong27 Marso 2018.
  6. 6.06.1"Final Results - 2007 Census of Population". Census Bureau of the Philippines. Inarkibo mula saorihinal noong 2008-11-20. Nakuha noong 29-03-10.{{cite web}}:Check date values in:|accessdate= (tulong)
  7. "Demographia World Urban Areas & Population Projections"(PDF). 2010. Nakuha noong29 Marso 2010.
  8. "Official population count reveals..." Philippine National Statistics Office. 16-04-08. Inarkibo mula saorihinal noong 2009-03-02. Nakuha noong 29-30-10.{{cite web}}:Check date values in:|accessdate=,|date=, at|year= /|date= mismatch (tulong);Unknown parameter|month= ignored (tulong)
  9. "An Update on the Earthquake Hazards and Risk Assessment of Greater Metropolitan Manila Area"(PDF).Philippine Institute of Volcanology and Seismology. November 14, 2013. Nakuha noongMay 16, 2016.{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)[patay na link]
  10. "Enhancing Risk Analysis Capacities for Flood, Tropical Cyclone Severe Wind and Earthquake for the Greater Metro Manila Area Component 5 – Earthquake Risk Analysis"(PDF).Philippine Institute of Volcanology and Seismology andGeoscience Australia. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong Agosto 6, 2016. Nakuha noongMay 16, 2016.{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  11. "Land Use Classification".Municipality of Pateros. Inarkibo mula saorihinal noong 15 September 2008. Nakuha noong7 April 2016.
  12. "An Update on the Earthquake Hazards and Risk Assessment of Greater Metropolitan Manila Area"(PDF).Philippine Institute of Volcanology and Seismology. November 14, 2013. Nakuha noongMay 16, 2016.{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  13. "Enhancing Risk Analysis Capacities for Flood, Tropical Cyclone Severe Wind and Earthquake for the Greater Metro Manila Area Component 5 – Earthquake Risk Analysis"(PDF).Philippine Institute of Volcanology and Seismology andGeoscience Australia. Nakuha noongMay 16, 2016.{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)
  14. Pateros; Land Use Classification
  15. https://psa.gov.ph/grdp/grdp-id/138508. Philippine Statistics Authority.
  16. Katerina Francisco (5 Marso 2015)."Fixing traffic: Jeeps eyed as feeders to bus routes". Rappler. Nakuha noong5 Marso 2015.
  17. "JICA transport study lists strategies for congestion-free MM by 2030".Japan International Cooperation Agency. 2 Setyembre 2014. Inarkibo mula saorihinal noong 2 Agosto 2015. Nakuha noong27 Marso 2015.
  18. Jerry E. Esplanada (20 Abril 2014)."Japan presents $57-B 'dream plan' to solve Metro congestion".INQUIRER.net. Nakuha noong27 Marso 2015.{{cite web}}:Italic or bold markup not allowed in:|publisher= (tulong)
  19. 19.019.1"Line 1 Cavite Extension and Operation & Maintenance". Public-Private Partnership Center. Inarkibo mula saorihinal noong 2015-03-16. Nakuha noong24 Marso 2015.
  20. Marielle Medina."Did you know: Lines 1 and 2 ridership".INQUIRER.net. Nakuha noong24 Marso 2015.{{cite web}}:Italic or bold markup not allowed in:|publisher= (tulong)
  21. Kris Bayos (4 Pebrero 2015)."Common station at SM North EDSA pushed for LRT1, MRT3, and MRT7".Manila Bulletin. Nakuha noong24 Marso 2015.{{cite web}}:Italic or bold markup not allowed in:|publisher= (tulong)
  22. Judith Balea (14 Hunyo 2014)."Why SM is after the MRT-LRT common station". Rappler. Nakuha noong26 Marso 2015.{{cite web}}:Italic or bold markup not allowed in:|publisher= (tulong)
  23. Mick Basa (20 Nobyembre 2014)."DOTC eyeing another LRT-MRT common station". Rappler. Nakuha noong26 Marso 2015.{{cite web}}:Italic or bold markup not allowed in:|publisher= (tulong)
  24. Danessa O. Rivera (1 Agosto 2014)."SC stops DOTC, LRTA from building common station in front of Trinoma".GMA News. Nakuha noong26 Marso 2015.{{cite web}}:Italic or bold markup not allowed in:|publisher= (tulong)
  25. "Tutuban Center may become Manila's busiest transfer station". ABS-CBN News. Nakuha noong21 Marso 2015.[patay na link]
  26. Darwin G. Amojelar (03 Hulyo 2012)."NAIA is Philippines' busiest airport - NSCB". InterAksyon.com. Inarkibo mula saorihinal noong 2013-02-15. Nakuha noong29 Hunyo 2013.{{cite web}}:Check date values in:|date= (tulong);no-break space character in|date= at position 9 (tulong)
  27. "2010 Census of Population and Housing: National Capital Region"(PDF). National Statistics Office of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 25 June 2012. Nakuha noong6 April 2012.
  28. "National Capital Region. Total Population by Province, City, Municipality and Barangay: as of May 1, 2010"(PDF). National Statistics Office of the Philippines. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 15 November 2012. Nakuha noong22 December 2012.
  29. Demographia (January 2015).Demographia World Urban Areas(PDF) (ika-11th (na) edisyon). Nakuha noong2 March 2015.
  30. Paul Roy (18 September 2014)."In the slums of Manila, inequality is so bad that the worst off have no chance to protest". TheNew Statesman. Nakuha noong4 Nobyembre 2016.{{cite web}}:Italic or bold markup not allowed in:|publisher= (tulong)


Mga paghahating pampangasiwaan
Heograpiya
Pamahalaan
Kasaysayan
Ekonomiya
Palingkurang-bayan
Edukasyon
Kalinangan
Transportasyon
Pampublikong transportasyon
Ibang mga paksa
Luzon
Kabisayaan
Mindanao
Dating Rehiyon
Rehiyon I
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon II
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon III
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon IV
Lalawigan
Lungsod
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon V
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon VI
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon VII
Lalawigan
Lungsod
Bais •Bayawan •Bogo •Canlaon •Carcar •Cebu •Danao •Dumaguete •Guihulngan •Lapu-Lapu •Mandaue •Naga •Tagbilaran •Talisay •Tanjay •Toledo
Rehiyon VIII
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon IX
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon X
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon XI
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon XII
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon XIII
Lalawigan
Lungsod
CAR
Lalawigan
Lungsod
NCR
Kabiserang Distrito
Ikalawang Distrito
Ikatlong Distrito
Distritong Katimugan
BARMM
Lalawigan
Lungsod
Mga ibang teritoryo
Mga pinag-aagawang teritoryo
PilipinasMga kalakhang pook ng Pilipinas
Kasalukuyang mga kalakhang pook
Ipinapanukalang mga umiiral na kalakhang pook
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Kalakhang_Maynila&oldid=2139699"
Mga kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp