Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Pamantasang Yale

Mga koordinado:41°18′40″N72°55′36″W / 41.311111111111°N 72.926666666667°W /41.311111111111; -72.926666666667
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Yale Law School

AngPamantasang Yale (Ingles:Yale University) ay isang Amerikanong pribadong Ivy League research university saNew Haven, Connecticut. Itinatag noong 1701 sa Saybrook Colony bilang ang Collegiate School, ang Unibersidad ay ang ikatlong pinakamatandang institusyon ngmas mataas na edukasyon saEstados Unidos. Ang paaralan ay pinalitan bilang Kolehiyong Yale noong 1718 bilang pagkilala sa kaloob ni Elihu Yale, na noon ay gobernador ngBritish East India Company. Itinatag upang sanayin ang mga Congregationalist na mga ministro sa teolohiya at banal na wika, noong 1777 ang kurikulum ng paaralan ay nagsimulang maglahok ng mga kurso sa humanidades at agham. Sa ika-19 siglo ang paaralan ay nagtatag ng mga programa sa antas gradwado at propesyonal, kung saan ginawad din ang unang Ph. D. sa Estados Unidos noong 1861 at naorganisa ang paaralan bilang unibersidad noong 1887.[1]

Sumusunod ang Kolehiyo ng Yale sa isang liberal arts curriculum na merong departmental majors at nakaorganisa sa isang sistema ng mga kolehiyong residensyal.

Ang Yale ay ang institusyon kung saan nagtapos ang maraming kilalang alumni, kabilang ang limang Pangulo ng US, 19 Hukom ng Kataas-taasang Hukuman ng US,[2] at maraming mga dayuhang mga pinuno ng estado. Sa karagdagan, ang Yale ay ang paaralan kung saan nagtapos ang daan-daang miyembro ng Kongreso at mga mataas na diplomatiko ng US. 52 Nobel laureates, 5 Fields Medalists, 240 Rhodes Scholars, at 118 Marshall Scholars ang may kaugnayan sa Unibersidad.[3]

Campus

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  • The Starr Reading Room in Sterling Memorial Library
    The Starr Reading Room in Sterling Memorial Library
  • The nave of Sterling Memorial Library
    The nave of Sterling Memorial Library
  • Harkness Tower
    Harkness Tower
  • The Library Circulation Desk
    The Library Circulation Desk
  • Memorial Chapel on Yale's Old Campus
    Memorial Chapel on Yale's Old Campus
  • The Yale School of Management
    The Yale School of Management
  • Yale School of Architecture
    Yale School of Architecture
  • Yale School of Forestry & Environmental Studies
    Yale School of Forestry & Environmental Studies
  • Hewitt Quadrangle
    Hewitt Quadrangle
  • Memorial Quadrangle Gate
    Memorial Quadrangle Gate
  • Yale Peabody Museum
    Yale Peabody Museum
  • The Yale Bowl
    The Yale Bowl

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Academic programs | Yale". Yale.edu. Nakuha noongSetyembre 16, 2009.
  2. "The Ten Colleges Most Likely to Make You a Billionaire". Nakuha noongAgosto 13, 2014.
  3. "Number of Winners by Institution". Nakuha noongSetyembre 15, 2016.

41°18′40″N72°55′36″W / 41.311111111111°N 72.926666666667°W /41.311111111111; -72.926666666667

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Pamantasang_Yale&oldid=2085255"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp