Ang Pamantasang Monash(/ˈmɒnæʃ/,Ingles:Monash University) ay isangpampublikongunibersidad sa pananaliksik na nakabase saMelbourne,Australia. Itinatag noong 1958, ito ang pangalawang pinakamatandang unibersidad sa Estado ngVictoria. Ang Monash ay miyembro ng Group of Eight ngAustralia, isang koalisyon ng walong nangungunang unibersidad sa pananaliksik,[1] isang miyembro ng ASAIHL,[2] at ang tanging Australiyanong miyembro ng M8 Alliance of Academic Health Centers, Universities and National Academies. Ang Monash ay isa sa dalawang unibersidad sa Australia na iniranggo ng École des Mines de Paris (Mines ParisTech) ayon sa bilang ng mga nagtapos na bahagi ng listahan ng CEO ng 500 pinakamalaking mga kumpanya sa buong mundo.[3] Ang Monash ay nasa Top 20% sa pagtuturo, Top 10% sa internasyonal na pananaw, Top 20% sa kitang industriyal at Top 10% sa pananaliksik sa mundo sa 2016.[4]