Ang isangkardinal-pamangking lalake (Espanyol:cardenal nepote [tuwirang salin:kardinal-pamangkin]; Ingles:cardinal-nephew; Latin:cardinalis nepos; Italyano:cardinale nipote; Espanyol:valido de su tío; Pranses:prince de fortune) ay isangkardinal saSimbahang Katoliko Romano na itinaas sa posisyon ngpapa ng Simbahang Romano Katoliko na tiyuhin ng kardinal na ito o sa mas pangkalahatan ay kamag-anak. Ang kasanayan ng paglikha ng mgakardinal-pamangkin ay nagmula saMga Gitnang Panahon at umabot sa tugatog nito noong ika-16 at ika-17 siglo.[1] Ang salitangnepotismo ay orihinal na tumutukoy nang spesipiko sa kasanayang ito nang ito ay lumitaw sa wikang Ingles noong 1669. Mula sa gitna ngkapapahan ng Avignon (1309–1377) hanggang sa bull na anti-nepotismo niPapa Inocencio XII na Romanum decet pontificem (1692), ang isang papa na walang kardinal-pamangkin ang eksepsiyon sa patakaran. Ang bawat papa ng panahongRenasimiyento na lumikha ng mga kardinal ay humirang ng isang kamag-anak saKolehiyo ng mga Kardinal at ang pamangking lalake ang pinakakaraniwang pagpipilan. Ang institusyon ng kardina-pamangkin ay nag-ebolb sa loob ng pitong mga siglo. Mula 1566 hanggang 1692, ang isang kardinal-pamangkin ay humawak ng opisinang pang-curia ng superintendente ng estadong eklesiyasitikal na kilala bilang Kardinal Pamangkin at kaya ang mga termino ay minsang ipinagpapalit. Ang opisina ng Kardinal Pamangkin gayundin ang institusyon ng kardinal-pamangkin ay bumaba habang ang kapangyarihan ng Kardinal Kalihim ng Estado ay tumaas at ang mgakapangyarihang temporal ng mga Papa ay nabawasan noong mga ika-17 at ika-18 siglo. Ang talaan ng mga kardinal-pamangkin ay kinabibilangan ng hindi bababa sa labinglima at posibleng kasingrami ng labing siyam na mga Papa (Gregorio IX,Alejandro IV,Adriano V,Gregorio XI,Bonifacio IX,Inocencio VII,Eugenio IV,Pablo II,Alejandro VI,Pio III,Julio II,Leo X,Clemente VII,Benedicto XIII, atPio VII at marahil ay sinaJuan XIX atBenedicto IX rin kung sila ay talagang itinaas bilang mga kardinal gayundin sinaInocencio III atBenedicto XII kung sila ay talagang may relasyon sa mga nagtaas sa kanila sa pagkakardinal), isangantipapa (Antipapa Juan XXIII) at dalawa o tatlong mga santo (Carlos Borromeo,Guarino ng Palestrina at marahil ay siAnselmo ng Lucca sa kaso na siya ay talagang isang kardinal).