![]() Palitan ng Magallanes (Magallanes Interchange) | |
---|---|
![]() Palitan ng Magallanes noong Setyembre 2008 | |
Lokasyon | |
Makati,Kalakhang Maynila,Pilipinas | |
Mga koordinado | 14°32′25.54″N121°1′0.74″E / 14.5404278°N 121.0168722°E /14.5404278; 121.0168722 |
Mga lansangan sa daanan | |
Konstruksiyon | |
Uri | Kalahatingpalitang turbina na may apat na antas |
Nabuksan | 1975 (1975) |
Pinangangasiwaan ng | Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan |
AngPalitan ng Magallanes (Ingles:Magallanes Interchange) ay isang kalahatingpalitang turbina saMakati,Kalakhang Maynila,Pilipinas, na nagsisilbing sangandaan ngAbenida Epifanio de los Santos (EDSA) atSouth Luzon Expressway (SLEx).[1] Ito ay isa ring palitan sa pagitan ng dalawang linya ng daambakal sa Kamaynilaan: angMRT-3 na nasa ibabaw ng EDSA atPNR Metro Commuter na nasa tabi ng SLEX. Kasalukuyan itong pinangangasiwaan ngKagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH).
Pagkaraan ng panukala ni PangulongFerdinand Marcos sa paglikha ngSistemang Arteryal ng mga Daan ng Kalakhang Maynila noong 1969, pinahaba ang EDSA (na dating nagtatapos saAbenida Taft) patungongBulebar Roxas. Kinailangang magtayo ng isang palitan sa pagitan ng SLEX at EDSA. Natapos ang pagtatayo nito at binuksan sa mga motorista noong 1975. Kasalukuyang isa ito sa mga pinaka-abalang sangandaan sa Kamaynilaan.
Sa kasamaang palad, hindi sapat ang pagdidisenyo ng palitan, at noong 2010, natuklasan na may mga pagtagas ng mgatubo sa ilalim ng palitan. Pansamantalang isinara ngMMDA ang mga linyang labas (outer lanes) nito. Binuksan muli ang mga ito noong 2011.[2]