AngEra na Paleosoiko (Kastila:Paleozoico; mula Griyegongpalaios (παλαιός), "matanda" atzoe (ζωή), "buhay", na nangangahulugang "sinaunang buhay") ang pinakauna sa mgaerang heolohiko na sumasaklaw mula tinatayang542 hanggang 251 milyong taon ang nakalilipas (ICS, 2004). Ito ang pinakamahabang ng mga era naPhanerozoic at nahahati sa mga anim na panahon mula pinakamatandang hanggang pinakabata: angCambrian,Ordovician,Silurian,Deboniyano,Carboniferous atPermian. Ang Paleozoic ay sumunod saNeoproterosoiko ng eon naProterozoic at sinundan ng erangMesosoiko. Ang Paleozoic ay isang panahon ng dramatikong heolohikal, klimatiko atebolusyonaryong pagbabago. Ang panahongCambrian ay nakasaksi ng pinaka mabilis at malawak nadibersipikasyon ng buhay sa kasaysayan ng daigdig na tinatawag napagsabog na Cambrian kung saan ang modernongphyla ay unang lumitaw. Ang mgaisda,artropoda, mgaampibyano at mgareptilya ay lahat nag-ebolb sa panahong Paleozoic. Ang buhay ay nagsimula sakaragatan ngunit kalaunan ay lumipat sa lupain at sa huling Paleozoic, ito ay pinananaigan na ng iba't ibang mga anyo ng organismo. Ang mga malalaking mga gubat ng mga primitibong(sinaunang) mgahalaman ay tumakip sa mga kontinente na ang karamihan ay nabuo sa mga kamangcoal ng Europa at silanganingHilagang Amerika. Tungo sa huli ng erang ito, ang malalaki at sopistikadong mgareptilya ay nanaig at ang unang modernong mga halaman na mgakonipero ay lumitaw. Ang erang Paleozoic ay nagwakas sa isang pinakamalakingekstinksiyong pang-masa sa kasaysayan ng daigdig napangyayaring ekstinksiyong Permian-Triasiko. Ang mga epekto ng katastropiyang ito ay nakapipinsala na ang buhay sa lupain ay tumagal nang mga 30 milyong tungo sa erangMesosoiko upang makapanumbalik.[1] Ang pagpapanumbalik sa buhay na dagat ay maaaring naging mas mabilis.[2]