Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Palasurian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa payak na kahulugan, angpalasurian,[1] tinatawag din nasemantics (sa Ingles) osemantika, ay ang pag-aaral ngkahulugan. Sa ganitong pagkakataon, tumutukoy ang salitangkahulugan sa kaugnayan sa pagitan ng mgatagapagpabatid otagapagkahulugan (mgasignifier sa Ingles) at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Ang ganyang mga tagapagpabatid ay ang mgasalita,pananda, at mgasimbolo. Samakatuwid, ang semantika ay ang pag-aaral hinggil sa kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga, o wika. Ang sementika ay isa sa tatlong bahagi ng may mas malawak na kontekstong semiotiks, ang pangkalahatang teoriya ng wika. Nagbuhat ang semantika sawikang Griyegong "σημαντικός" -semantikos[2], na may kahulugang "makabuluhan" o "makatuturan", mula saσημαίνω (semaino), "may ibig sabihin, nagpapahiwatig ng" at ng mula saσῆμα (sema), "tanda, marka, sagisag, simbolo".

Mga sanggunian

  1. http://diksiyonaryo.ph/search/palasurian
  2. σημαντικός,Henry George Liddell,Robert Scott,A Greek-English Lexicon, nasaPerseus Digital Library

WikaAng lathalaing ito na tungkol saWika ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Palasurian&oldid=1689791"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp