Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Krusipiksiyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saPagpapako sa krus)
Isangika-15 danataon na paglalarawan niJesus na ipinako sa krus sa pagitan ngdalawang magnanakaw

Angkrusipiksiyon ay isang paraan ngparusang kamatayan kung saan itinatali o ipinapako ang nahatulan sa isang malaking kahoy na krus, poste o tulos at iniiwan upang bitayin hanggang sa mamatay[1] Ginamit ito bilang parusa ng mgaPersa, Kartagines, atRomano,[1] bukod sa iba pa. Ginamit ang krusipiksiyon sa ilang bansa hanggang sa kamakailan noong ika-21 dantaon.[2]

Ang pagpapako kay Jesus sa krus ay sentro saKristiyanismo[3] at ang krus (kung minsan ay inilalarawan kasama si Jesus na nakapako dito) ay ang pangunahing simbolong panrelihiyon ng Kristiyanismo. Ang kanyang kamatayan ay ang pinakakilalang halimbawa ng pagpapako sa krus sa kasaysayan, na naging dahilan naman ng maramingkalinangan sa modernong mundo na malapit na iugnay kay Jesus at sa espirituwalidad ng Kristiyano ang paraan ng pagbitay na ito. Ang iba pang mga pigura sa Kristiyanismo (tulad ng apostol na siSan Pedro) ay pinaniniwalaan satradisyon na sumailalim din sa pagpapako sa krus.

Sa makabagong panahon, may limitadong bilang ng mga Kristiyano ang kusang sumasailalim sa hindi nakamamatay na pagpapako sa krus bilang isang gawaing debosyonal. Isa sa lugar saPilipinas kung saan kilala ang gawaing debosyonal ng pagpapako sa krus tuwingBiyernes Santo ay sa Barangay Cutud,San Fernando,Pampanga[4] na dinadayo ng mgaturista.[5] Isa sa mga pinakilalang residente ng lugar na ito, si Ruben Enaje, ang may debosyon ng pagpapako sa krus na kanyang ginagawa tuwing Biyernes Santo simula pa noong 1986.[6] Tinututulan ngSimbahang Romano Katoliko ang ganito uri ng debosyon.[7]

Terminolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Angsinaunang Griyego ay may dalawangpandiwa para sa pagpapako sa krus:anastauroo (ἀνασταυρόω), mula sastauros (na sa modernong Griyego ay nangangahulugang "krus" lamang subalit ginamit noong unang panahon para sa anumang uri ng kahoy na poste, matulis o mapurol, hubad o may mga kalakip) atapotumpanizo (ἀποτυμπανίζω) "ipako sa isang tabla", kasama anganaskolopizo (ἀνασκολοπίζω "tuhugin"). Sa mga naunang tekstong Griyego bago ang Romano, anganastauro ay karaniwang nangangahulugang "tuhugin".

Ang Griyego na ginamit sa KristiyanongBagong Tipan ay gumagamit ng apat na pandiwa, batay ang tatlo sa kanila sastauros (σταυρός), karaniwang isinasalin na "krus". Ang pinakakaraniwang katawagan aystauroo (σταυρόω), "ipapako sa krus", na lumilitaw nang 46 na beses;sustauroo (συσταυρόω), "ipako sa krus kasama ng" o "sa tabi" ay nangyayari ng limang beses, habanganastauroo (ἀνασταυρόω), "ang muling ipako sa krus" ay makikita nang isang beses lamang saSulat sa Mga Hebreo 6:6. Lumilitaw angprospegnumi (προσπήγνυμι), "ayusin o itali sa; ipako; ipako sa krus" ay lumilitaw nang isang beses lamang, saMga Gawa ng mga Apostol 2:23 .

Ang salitangTagalog na "krus" ay hango sa salitangKastila nacruz. Habang ang katumbas na salitangIngles aycross. Lahat na salitang ito ay hango sa salitangLatin nacrux,[8] na klasikong tumutukoy sa isang puno o anumang pagtatayo ng kahoy na ginagamit sa pagsasabit ng mga kriminal bilang isang paraan ng pagpatay. Nang maglaon, ang termino ay tumutukoy sa isang krus. Nagmula naman ang kaugnay na terminong "krusipiho",crucifijo atcrucifix sa Latincrucifixus ocruci fixus, nakalipas na pandiwaring balintiyak (past participle passive) ngcrucifigere ocruci figere, ibig sabihin ay "ipako sa krus" o "itali sa isang krus".[9][10][11][12]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.1Hunter, David G., pat. (2018). "Cross/Crucifixion".Brill Encyclopedia of Early Christianity Online (sa wikang Ingles). Leiden at Boston: Brill Publishers.doi:10.1163/2589-7993_EECO_SIM_00000808.ISSN 2589-7993.
  2. Roger Bourke,Prisoners of the Japanese: Literary imagination and the prisoner-of-war experience (St Lucia: University of Queensland Press, 2006), Chapter 2 "A Town Like Alice and the prisoner of war as Christ-figure", pp. 30–65. (sa Ingles)
  3. Hunter, David G., pat. (2018). "Cross/Crucifixion".Brill Encyclopedia of Early Christianity Online (sa wikang Ingles). Leiden atBoston: Brill Publishers.doi:10.1163/2589-7993_EECO_SIM_00000808.ISSN 2589-7993.
  4. "Penitensiya, pagpapako sa krus ibabalik sa Pampanga sa Mahal na Araw".ABS-CBN News. 2023-03-12. Nakuha noong2024-10-22.
  5. "Eight Filipinos nailed to crosses as Easter crucifixion re-enactments resume".The Guardian (sa wikang Ingles). 2023-04-07.ISSN 0261-3077. Nakuha noong2024-10-22.
  6. "Ruben Enaje, magpapapako sa krus sa ika-35 pagkakataon sa San Pedro Cutud".GMA News. Nakuha noong2024-10-22.
  7. "Kabilang ang 1 babae: 23 Pinoy nagpapako sa krus sa Pampanga". GMA News. 2010-04-02. Nakuha noong2024-10-22.
  8. "Online Etymology Dictionary, "cross"" (sa wikang Ingles). Etymonline.com. Nakuha noong2009-12-19.
  9. "Collins English Dictionary, "crucify"" (sa wikang Ingles). Collins. 31 Disyembre 2011. Nakuha noong12 Disyembre 2012.
  10. "Compact Oxford English Dictionary, "crucify"" (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Inarkibo mula saorihinal noong Mayo 21, 2013. Nakuha noong12 Disyembre 2012.
  11. "Webster New World College Dictionary, "crucify"".yourdictionary.com/ (sa wikang Ingles). Nakuha noong12 Disyembre 2012.
  12. "Online Etymology Dictionary, "crucify"" (sa wikang Ingles). Etymonline.com. Nakuha noong2009-12-19.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Krusipiksiyon&oldid=2133922"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp