Angpagmamanupaktura ay ang gawain ng pagbago sa hilaw na materyal upang maging magagamit na mga produkto. Kinasasangkutan ito ng paghahanda, paghuhubog at pagbago ng mga materyal sa pamamagitan ng maraming mga paraan, katulad ng paggupit sa hindi kailangang mga piraso, pagpukpok, pagbanat, pagpapa-init, o ginagamitan ng mgakimikal.[1]
Maaaring paraanin sa makinarya sa pabrika ang mga materyal, o sa paraang mekanikal. Ang pagmamanupaktura ay may kaugnayan sa mga katagangpaggawa,[2]pagyari,[3]pagtahi-tahi,paghalo-halo[4] opagkatha-katha ng mga produkto[5] na karaniwang ginagawa sa loob ng mgapabrika.
Kasali sa kontemporaryong pagmamanupaktura ang lahat ng mga intermedyaryong yugto sa paggawa at pagsasama ng mga bahagi ng isang produkto. Ginagamit sa halip, ng ilang industriya, tulad ng mga tagagawa ng mga semikonduktor at bakal, ang salitangpabrikasyon.[6]
Ayon sa isang "tradisyonal" na pananaw ng pagmamanupaktura, may limang pangunahing dimensyon kung saan maisusuri ang pagmamanupaktura: gastos, kalidad, pagkamaaasahan, pakikibagay at inobasyon.[7]
Ito ang nangungunang 50 bansa batay sa kabuuang halaga ng output ng pagmamanupaktura sa dolyar ng US para sa nabanggit na taon ayon sa Bangkong Pandaigdig:[12]
↑Hayes, R. H., Wheelwright, S. C. and Clark, K. B. (1988),Dynamic Manufacturing [Dinamikang Pagmamanupaktura] )sa wikang Ingles), New York: The Free Press, sinipi sa Wassenhove, L. van at Corbett, C. J.,"Trade-Offs? What Trade Offs? (A Short Essay on Manufacturing Strategy" [Mga Trade-Off? Anong Mga Trade Off? (Isang Maikling Sanaysay sa Estratehiya ng Pagmamanupaktura] (sa wikang Ingles), pa. 1,INSEAD, nailathala noong Abril 6, 1991, nakuha noong Setyembre 27, 2023
↑"UNIDO Statistics Data Portal" [Portada ng Estadistikang Datos ng UNIDO] (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 5, 2021. Nakuha noongOktubre 5, 2021.
↑"Leading Manufacturing Nations" [Mga Nangungunang Bansa sa Pagmamanupaktura] (sa wikang Ingles). Hulyo 15, 2021.Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 4, 2022. Nakuha noongMarso 14, 2022.