Angpaglalakbay ay ang paggalaw ng mga tao sa pagitan ng magkakalayong lokasyong pangheograpiya. Maaaring maglakbay sa pamamagitan ng paglalakad,bisikleta,kotse,tren,bangka,bus,dyip,eroplano, barko, o iba pang paraan, may dala mang bagahe o wala, at maaaring patungong isang direksyon lamang o pabalik (round trip).[1] Maaari ring kabilang sa paglalakbay ang mga panandaliang pananatili sa pagitan ng sunud-sunod na paggalaw, gaya ng sa kaso ngturismo.
turismo, paglalakbay para sarekreasyon;[2] maaring ilapat ito sa paglalakbay mismo, o maaari na isang kailangan na puhunan ang paglalakbay upang makarating sa isang ninais na pook
pakipagkalakalan,[2] sa kalumaan, ilang pangkat ng mga tao ang naglalakbay ng malawak na layo upang makipagpalitan ng mga produkto na makukuha lamang sa ilang lugar.
Ilan sa mga karaniwan na makasaysayang dahilan ng paglalakbay: mangibang-pook,paglalakbay ng peregrino, at eksplorasyon or ekspedisyon. Naging sanhi ang kalikasan ng tatlong ito ang pansarili at kultural na pagpapakasakit, tulad sa mga kaso ng mgaAboriginal, mgaperegrino saMecca at siKapitan James Cook. Sa isang banda, kadalasang pinahihintulot ngpakipagkalakalan ang pagpapalitan at paghalo ng mgakultura at dinala ang pagbabago samga tao. Nito lamang nakaraang ilang dantaon na simula nating naisip na kasingkahulugan ngpaglalakbay ang kaisipan ngmga pista o bakasyon; sa ibang salita, ang pagtakas sa ating araw-araw na pagpupunyagi at paggawa. Sa pagdami ng bilang ng mga taong naglalakbay upang magbakasyon, dumami na rin ang mgaahensya ng paglalakbay,seguro sa paglalakbay, at opsyon ngpera sa paglalakbay.
Maaaring lokal, rehiyonal, pambansa (domestiko), o pandaigdig ang paglalakbay. Sa ilang bansa, ang paglalakbay sa loob ng bansa subalit lampas sa sariling lugar ay maaaring mangailangan ng panloob na pasaporte, samantalang ang pandaigdigang paglalakbay ay karaniwang nangangailangan ngpasaporte atbisa. Karaniwang uri ng paglalakbay ang mga lakbay-pasyal. Ilang halimbawa ng mga lakbay-pasyal ay ang paglalayag na ekspedisyon,[4] lakbayang maliit ang grupo,[5] at paglalayag sa ilog (river cruise).[6]
Binibigyang-diin ng mga kinauukulan ang kahalagahan ng pag-iingat upang matiyak angkaligtasan sa paglalakbay.[7] Kapag naglalakbay sa ibangbansa, karaniwan ay ligtas at walang insidenteng nagaganap, subalit maaaring makaranas ang mga manlalakbay ng mga suliranin,krimen, atkarahasan.[8] Kabilang sa mga dapat isaalang-alang para sa kaligtasan ang pagiging maalam sa paligid,[7] pag-iwas na maging biktima ng krimen,[7] pag-iwan ng mga sipi ng pasaporte at impormasyon sa iskedyul ng paglalakbay sa mapagkakatiwalaang mga tao,[7] pagkuha ng segurong medikal na tanggap sa bansang binibisita,[7] at pagrerehistro sa sarilingembahada pagdating sa dayuhang bansa.[7]
Maraming bansa ang hindi kumikilala sa mga lisensiya sa pagmamaneho mula sa ibang bansa; gayunman, tinatanggap ng karamihan sa mga bansa ang mga pandaigdigang pahintulot sapagmamaneho (international driving permit).[9] Madalas na hindi tanggap sa mga banyagang bansa ang mga polisiyang seguro sa sasakyan na inisyu sa sariling bansa, kaya karaniwang kailangan kumuha ng pansamantalang seguro sa sasakyan na may bisa sa bansang binibisita.[9] Mainam ding pag-aralan ang mga patakaran at batas sa pagmamaneho ng bansang pupuntahan.[9]
Lubhang ipinapayo ang pagsusuot ngsinturong pangkaligtasan para sa kaligtasan; maraming bansa ang may parusa para sa paglabag sa mga batas hinggil sa sinturong pangkaligtasan.[9]