Isang folder ng email box na pinuno ng mga mensaheng spam.
Angpag-spam ospamming ay paggamit ng mga sistema ng pagmensahe upang magpadala ng hindi hinihiling na mensahe (spam) sa malaking bilang na tatanggap para sa layuning komersyongpagpapatalastas, para sa layuning di-komersyong pag-proselito, o para sa kahit anumang ipinagbabawal na layunin (lalo na ang layuning mapanlinlang ng phishing). Habang angspam sa email ang pinakamalawak na kilalang anyo ng spam, nailalapat din ang katawagan sa katulad na mga abuso sa ibang midya: spam sainstant messaging, spam sa Usenet newsgroup, spam sasearch engine ng web, spam sa mgablog, spam sawiki, spam sa mgaonline classified ad, spam sa mga mensahe sateleponong selular, spam sa internetforum, mga transmisyong basura safax, spam na sosyal, spam sa mobile apps,[1]patalastas satelebisyon, spam sa pagbabahagi ngfile. Ipinangalan ito saSpam, isang karneng pananghalian oluncheon meat, sa pamamagitan ng maikling dula ng Monthy Python tungkol sa restawran na mayroon Spam sa lahat ng halos lahat ng putahe nito kung saan nakakainis na umaawit ang mga viking ng "Spam" na paulit-ulit.[2]
Tinatawag naspammer o nag-i-spam ang taong naglilikha ng spam.[3]
↑"Spam".Merriam-Webster Dictionary (depinisyon at marami pa) (sa wikang Ingles). 2012-08-31. Nakuha noong2013-07-05.
↑Gyöngyi, Zoltan; Garcia-Molina, Hector (2005)."Web spam taxonomy"(PDF).Proceedings of the First International Workshop on Adversarial Information Retrieval on the Web (AIRWeb), 2005 in The 14th International World Wide Web Conference (WWW 2005) May 10, (Tue) – 14 (Sat), 2005, Nippon Convention Center (Makuhari Messe), Chiba, Japan (sa wikang Ingles). New York, NY: ACM Press.ISBN978-1-59593-046-0.