Angpag-ikot orotasyon (mula Kastilarotación) ay ang pabilog na paggalaw ng isang bagay sa isang sentro (o punto) ng pag-ikot. Anglapyang pangheometriya (geometric plane) na iniikutan nito ay tinatawag nalapyang iniikutan (rotation plane), habang anglinyang guniguni (imaginary line) na tumatagos mula sa sentro at nakatadlong (perpendicular) sa lapyang iniikutan nito ay tinatawag namangaksis ng pag-ikot (rotation axis). Kayang mapaikot palagi ang isang tatlong-dimensiyong bagay ng kahit anong bilang ng aksis.
Kung umiikot ang isang bagay sa sarili niya, kadalasan dahil sasentro ng bugat (mass) nito, masasabing "pumipihit" (spinning) ito. Sa kabilang banda naman, kung may iniikutan naman ang isang bagay, kadalasan dahil naman sadagsin, masasabi naman ito ay "lumiligid" (orbiting) sa bagay na iyon.
Sa kaso ng pagpihit, ang salubungan ng kalapagan (surface intersection) nito ay tinatawag nataluktok opolo (pole). Sa kaso naman ng pagliligid, ang dulo naman ng aksis ng pag-ikot nito ay tinatawag napolong nililigiran.
Isang halimbawa ng pagpihit at pagligid ay ang mgaplaneta. Pumipihit angMundo sa sarili niya, habang nililigiran naman nito angAraw.

Ang lathalaing ito na tungkol saMatematika atPisika ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.