Angostrits,abestrus, oStruthio camelus (Ingles:ostrich)[2][3] ay isang ibong hindi nakakalipad na katutubo ngAprika. Ito lamang ang nabubuhay na uri ng kanyang mag-anak o pamilyangStruthionidae, at ng saringStruthio. Kakaiba ang kaanyuhan nito, na mayroong mahabang leeg at binti, at nakakatakbo ito sa bilis na 65km/h (40 mph).
Pinakamalaking nabubuhay na ibon ang mga abestrus at inaalagaan sa maraming sakahan sa buong mundo. Angpangalang pang-agham ng abestrus ay galing sa salitangGriyego para sa "kamelyongmaya" dahil sa mahabang leeg nito.[4]
Karaniwang umaabot sa 90kg hanggang sa 130 kg (200 to 285libra) ang timbang ng mga abestrus, bagaman naitalang umabot sa 155 kg (340 libra) ang timbang ng ilang mga lalaking abestrus. Halos itim ang balahibo ng mga matatandang abestrus, ngunit may kulay puti sa balahibo at buntot nito.
Mga batang abestrus
Abong-kape at puti ang kulay ng mga babae at mga batang lalaki. Ginagamit sa pagpapares ang maliit na balahibo ng mga lalaki. Nakapagbibigay rin sila ng lilim para sa mga sisiw. Malambot at ginagamit sa insulasyon ang mga balahibo nito, at may pagkakaiba sa matigas na balahibo ng mga lumilipad na ibon. Mayroong mga kuko sa dalawang daliri ng mga pakpak nito.
Walang mga balahibo ang malalakas na binti ng mga abestrus. Nakakatayo ito sa dalawang daliri sa paa, na kamukha ng kuko ngkabayo ang mas malaking daliri.
Sa sekswal na edad nito (dalawa hanggang apat na taong gulang), umaabot sa pagitan ng 1.8m at 2.7 m (6talampakan at 9 talampakan) ang tangkad ng mga lalaking abestrus, samantalang umaabot sa pagitan ng 1.7 m at 2 m (5.5 talampakan at 6.5 talampakan) ang tangkad ng mga babaeng abestrus. Sa unang taon ng buhay, umaabot sa 25sm (10pulgada) ang laki ng mga sisiw buwan-buwan. Sa isang taon, umaabot sa 45 kg (100 libra) ang timbang ng mga abestrus. Maaaring umabot sa 75 taon ang buhay ng isang abestrus.
Inihahambing sa isang abestrus ang taong nagtatago sa oras ng kagipitan, sapagkat may inaakalang gawi ang ostrits na maglubog ng ulo nito sa buhangin o lupa subalit nalitaw naman ang katawan.[5]