Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Oslo

Mga koordinado:59°54′48″N10°44′20″E / 59.9133°N 10.7389°E /59.9133; 10.7389
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Oslo
big city,lungsod,Sentrong pampangasiwaan,largest city,national capital
Watawat ng Oslo
Watawat
Eskudo de armas ng Oslo
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado:59°54′48″N10°44′20″E / 59.9133°N 10.7389°E /59.9133; 10.7389
Bansa Noruwega
LokasyonOslo Municipality, Noruwega
1952 Winter Olympics1952
Itinatag1048
Lawak
 • Kabuuan454.12 km2 (175.34 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Enero 2023, estimation)
 • Kabuuan709,037
 • Kapal1,600/km2 (4,000/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00,Oras ng Gitnang Europa
Kodigo ng ISO 3166NO-03
Websaythttps://www.oslo.kommune.no/

AngOslo ay isang bayan at gayun din ang siyang kabisera at pinakamataong lungsod saNorwega. bilang isang bayan (formannskapsdistrikt), ito ay itinatag noong 1 Enero 1838. Itinaguyod noong bandang 1048 ni HaringHarald III ng Norwega, ang karamihan sa lungsod ay nawasak matapos ng isang sunog noong 1624. Ang lungsod ay inilipat ng lugar sa ilalim ng hari ngDinamarka-Norwega na siCristian IV. Ito ay itinayo nang mas malapit saMoog ng Akershus, bilangCristiania. Noong 1925, binawi ng lungsod ang dati nitong pangalang Norwego, Olso. Ang diocesis ng Oslo ay isa sa limang dating diocesis ng Norwega, na naitatag noong pang bandang 1070.

Ang Oslo ay ang sentrong pangkultura, pang-agham, pang-ekonomiya at pampamahalaan ng Norwega. Ang lungsod ay himpilan din ng kalakalang Norwego, pagbabangko, industriya at pagbabarko. Ito ay isang mahalagang sentro para sa mga industriya at kalakalang pandagat saEuropa. Ang lungsod ay kinalalagyan ng maraming mga kompanyang may kinalaman sa kalakalang pandagat at pagbabarko. Ang Oslo ay isangpilot city sa programangintercultural cities ngKonsilyo ng Europa at ngKomisyong Europeo.

Ang Oslo ay itinuturing na isangglobal city at binansagangBeta World City sa mga pagsusuring isinagawa ngGlobalization and World Cities Study Group and Network noong 2008.[1] Sa loob ng ilang nakalipas na taon, ang Oslo ay nakalista bilang isa sa mga mahal-tirahang lungsod sa daigdig, kasama ng ilang mga lungsod tulad ng Zurich, Ginebra, Copenhague, Paris at Tokyo.[2] Subalit noong 2009, nabawing muli ng Oslo ang karangalan nito bilang ang pinakamahal-tirahang lungsod sa daigdig.[3][4]

Base sa 2010, ang kalakhang Oslo ay may populasyong 1.4 milyon, na kung saan 912,046 ay nakatira sa magkakadikit na mga karatig-bayan. Ang populasyon ay kasalukuyang dumarami sa hakbang na 1.64% taun-taon, at dahil dito ay siyang pinakamabilis-lumaking lungsod sa Europa.[5] Ang paglaking ito ay dulot ng inmigrasyon, dahil ang populasyong Norwego ay kumakaunti.[6] Ang sukat ng mga dayo sa populasyon ng pinaka-lungsod ay ngayon umaabot sa mahigit sa 25% ng pangkalahatan ng lungsod.[7]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "The World According to GaWC 2008".
  2. "Worldwide Cost of Living survey: A lot of yen". The Economist (www.economist.com). 9 March 2009.
  3. Boyle, Catherine (20 August 2009). "So you think London’s expensive? It isn’t any more". Times Online (Business.timesonline.co.uk). Retrieved 20 August 2009.
  4. Marowits, Ross. "The Canadian Press: Montreal beats Toronto with 12th most purchasing power in world, says UBS study". Retrieved 20 August 2009.
  5. "Oslo europamester i vekst - Nyheter - Oslo". Aftenposten.no. Retrieved 2011-06-03.
  6. "Ola og Kari flytter fra innvandrerne - Nyheter - Oslo". Aftenposten.no. Retrieved 2011-06-03.
  7. "Immigration and immigrants". Ssb.no. 1 January 2009. Retrieved 29 August 2009.


NoruwegaAng lathalaing ito na tungkol saNoruwega ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Mgakabisera ng estadongEuropeo at teritoryo
Kanluran
Hilaga
Gitna
Timog
Silangan
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Oslo&oldid=2083367"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp