Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Organismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saOrganism)
AngEscherichia coli ay isangprokaryote.

Angorganismo otataghay ay isang bagay na may buhay. Kabilang sa mga ito ang mgahayop at mgahalaman. Ang mga organismo ay isangbiyotiko, o buhay, na bahagi ngkapaligiran. Ang mga bato at sinag ng araw ay isang bahagi ngabiyotiko, o walang buhay, na kapaligiran. Mayroong limang payak na pangangailangan ang mga organismo: kabilang dito ang pangangailangan nila nghangin,tubig, mganutriyente (sustansiya opagkain),enerhiya at isang lugar na matutuluyan. Ilan sa mga organismo ay binubuo ng milyun-milyong mgasihay (selula), kaya't tinatawag silang mgaorganismong multiselular. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mgaaso, mgapuno, at mgatao. Karamihan sa mgaorganismong multiselular (organismong may maramihang mga selula) ay maaaring makita na hindi kailangang gumamit ngmikroskopyo. Ilan sa mga organismo ay napakaliit kung kaya't hindi sila nakikita ng basta mga mata lamang. Kailangan ang paggamit ng mikroskopyo upang makita sila. Tinatawag ang mga ito bilang mgamikroorganismo. Ang mga organismo ay maaaring binubuo lamang ng iisangselula, na tinatawag namang mgaorganismong may isang selula oorganismong uniselular. Ilang halimbawa ng mga ito angbakterya,amoeba, atprotosoa na katulad ngparemecium. Ang mga tao ay isang organismong binubuo ng maraming mga selula. Sa katunayan, angkatawan ng tao ay mayroong maraming trilyun-trilyong mga selula na ipinangkat upang maging natatangi o espesyal na mgatisyu at mgaorgano.

Sabiyolohiya, ang isang tataghay ay isangsistema ng mga nabubuhay na bagay na may kaugnayan sa isa't isa katulad ng hayop,halamang-singaw ofungus, mikroogranismo, o halaman. Lahat ng mga tataghay ay may kakayahang tumugon saestimulo (o istimulo),reproduksiyon, paglaki atpag-unlad, at pagpapanatili nghomoeostasis (o homeostasis, ang kabalansehang pangpisyolohiya ng katawan) bilang isang matatag na kabuuan.

Ang katagang "organismo" ay may kaugnayan saGriyegong ὀργανισμός –organismos, na nagmula naman saSinaunang Gresyang ὄργανον -organon na may ibig sabihing "organo, instrumento, kagamitan, o kasangkaapan". Tuwiran itong may kaugnayan sa salitang "organisasyon". Mayroon isang matagal na kaugalian ng pagbibigay ng kahulugan sa mga organismo bilang mga nilalang na nagsasaayos o nag-aayos ng sarili, sa madaling sabi ay mga nilalang na nag-oorganisa ng sarili o organisado ang sarili.[1]

Nagkaroon ng isang mahalagang pagtatalo kamakailan lamang hinggil sa pinakamainam na paraan sa pagbibigay ng kahulugan sa organismo[2] at talaga nga ang tungkol sa kung kailangan nga bang talaga ang ganyang kahulugan (depinisyon) o hindi naman.[3] Ang ilan sa mga ambag o kontribusyon[4] ay ang mga tugon o sagot sa mga mungkahi na angkategorya ng "organismo" ay maaaring hindi sapat sa biyolohiya.[5]

Angklasipikasyong siyentipiko (kauriang pang-agham) sa biyolohiya ay tumuturing sa mga tataghay bilang kasingkahulugan (sinonimo) sa "buhay sa daigdig" o "buhay sa mundo". Batay sa uri ng selula, ang mga tataghay ay maaaring hatiin sa mga pangkat naprokaryotiko ateukaryotiko. Ang mga prokaryota (mgaprokaryote sa Ingles) ay kumakatawan sa dalawang magkahiwalay na mgadominyo, angBakterya atArchaea. Ang mga tataghay na eukaryotiko, na may isangnukleyo ng selula na nababalutan ngmembrano (bamban), ay naglalaman din ng mgaorganel (mgaorganelle), na kinasasamahan ngmitokondriya at ang panghalaman na mgaplastid, na pangkalahatang itinuturing na hinango mula sa bakteryangendosimbiyotiko.[6] Halimbawa ng mgauring (espesye) eukaryota ay angfungi, mga hayop, at mga halaman.

Kamakailan lamang ay iminungkahi niThomas Cavalier-Smith ang isangclade, angNeomura, na nagpapangkat na magkasama angArchaea at angEukarya. Iniisip na ang Neomura ay umunlad (sumailalim sa proseso ngebolusyon) mula saBacteria, mas tiyakang nagbuhat saAktinobakterya (Actinobacteria).[7]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Kant I.,Critique of Judgment
  2. Dupré, J. (2010). "The polygenomic organism".Sociological Review.58 (s1): 19–31.Folse 3rd, H. J.; J. Roughgarden (2010)."What is an individual organism? A multilevel selection perspective".The Quarterly review of biology.85 (4): 447.ISSN 0033-5770.{{cite journal}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)Pradeu, T. (2010). "What is an organism? An immunological answer".History and Philosophy of the Life Sciences.32: 247–268.Gardner, A.; A. Grafen (2009). "Capturing the superorganism: a formal theory of group adaptation".Journal of Evolutionary Biology.22 (4): 659–671.Michod, R E (1999).Darwinian dynamics: evolutionary transitions in fitness and individuality. Princeton University Press.ISBN 9780691050119.Queller, D. C; J. E Strassmann (2009). "Beyond society: the evolution of organismality".Philosophical Transactions of the Royal Society B: Biological Sciences.364 (1533): 3143.doi:10.1098/rstb.2009.0095.Santelices, B. (1999)."How many kinds of individual are there?".Trends in Ecology & Evolution.14 (4): 152–155.Wilson, R (2007). "The biological notion of individual".Stanford Encyclopedia of Philosophy.
  3. Pepper, J. W; M. D Herron (2008)."Does biology need an organism concept?".Biological Reviews.83 (4): 621–627.doi:10.1111/j.1469-185X.2008.00057.x.PMID 18947335.Wilson, J (2000). "Ontological butchery: organism concepts and biological generalizations".Philosophy of Science: 301–311.JSTOR 188676.
  4. Bateson, P. (2005). "The return of the whole organism".Journal of Bioscience.30: 31–39.
  5. Dawkins R. (1982) The Extended Phenotype. Oxford: Oxford University Press.
  6. T.Cavalier-Smith (1987)The origin of eukaryote and archaebacterial cells, Annals of the New York Academy of Sciences 503, 17–54
  7. T. Cavalier-Smith (2002)The neomuran origin of archaebacteria, the negibacterial root of the universal tree and bacterial megaclassification. International Journal of Systematic and Evolutionary Microbiology 52, 7–76
Mga subdisiplina ng biyolohiya
Hierarka ng buhay
Mga pundasyon ng Biyolohiya
Mga prinsipyo ng ebolusyon
Mga prinsipyo ng ekolohiya
Mga prinsipyo ng Biyolohiyang Molekular
Mga prinsipyo ng biyokimika
Glosaryo
Mga elemento ngKalikasan
Sansinukob
Daigdig
Panahon (meteorolohiya)
Kapaligiran
Buhay
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Organismo&oldid=2106600"
Mga kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp