Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

One Piece

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mukhang kailangan pongayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sapamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Agosto 2011)
Makakatulong po kayo sapagpapaunlad sa nilalaman po nito.
Binigay na dahilan:wala
One Piece
Wan Pīsu
ONE PIECE(ワンピース)
DyanraAction,Adventure,Comedy-drama
Manga
KuwentoEiichiro Oda
NaglathalaShueisha
MagasinWeekly Shōnen Jump
DemograpikoShōnen
Takbo4 July 1997 – kasalukuyan
Bolyum110(listahan)
Teleseryeng anime
DirektorKōnosuke Uda (1999–2006)
Munehisa Sakai (2006–2008)
Hiroaki Miyamoto (2008–present)
ProdyuserYoshihiro Suzuki
IskripHirohiko Uesaka
Tatsuya Hamazaki
EstudyoToei Animation
LisensiyaMadman Entertainment (AUS,NZL)
4Kids Entertainment (USA ,CAN)(2004–2007)
Funimation Entertainment (USA,CAN)(2007–present)
Inere saAnimax,Fuji TV
Takbo20 Oktubre 1999 – kasalukuyan
Bilang1122(Listahan ng episode)
Related works

*One Piece films

 Portada ng Anime at Manga

AngOne Piece ay isang seryengJapanese Shonen Manga atAnime na nilikha ng Hapon na siEichiro Oda na naging seryal na saWeekly Shonen Jump mula pa noong 4 July 1997. Ang bawat kabanata ay inilalathala satakobon volumes niShueisha, sa una nitong release noong 24 Disyembre 1997, at ang ika-60 bolyum ay noong Nobyembre 2010. Pagdaan ng 2010, inanunsiyo ngShueisha na naipagbili na nila ang mahigit sa 200 milyong bolyum ngOne Piece sa ngayon; ang ika-60 na volume ay nakapagtala ng bagong record para sa pinakamataas na initial print run sa lahat ng aklat sa Japan sa kasaysayan na may 3.4 milyong kopya. Ito rin ang unang aklat na naibenta ng mahigit 2 milyong kopya sa Opening Week ngOricon Book Ranking ng Japan.

Hango ang One Piece sa paglalakbay niMonkey D. Luffy, isang 17 taong gulang na lalaki na nakakain ng sinumpaang prutas (Hapon: 悪魔の実,Akuma no Mi,Ingles:Devil Fruit) na tinatawag naGomu Gomu no Mi (Sa Pilipinas: Sinumpaang Prutas ng Goma Goma) na naging daan upang ang katawan niya ay humaba at ma-deform na parang Goma, at ang kanyang itinatag na grupo, angStraw Hat Pirates. Nilakbay ni Luffy ang karagatan upang mahanap ang pinakatago-tagong at ang pinakamalaking kayamanan na tinawag naOne Piece at upang hirangin siya bilang ang susunod naHari ng mga Pirata.

Sinimulan ang pagpapalabas ng One Piece sa Pilipinas noong 2003 ngGMA Network 7. Nakailan na rin itong pag-uulit ng mga episodes dahil sa pagbaba ng ratings nito sa kalabang Network naABS-CBN. Ang kasalukuyang episode nito sa Pilipinas ay sa pakikipagsapalaran saEnies Lobby at saCP9. At sa kabila ng maraming udlot sa telebisyon, unti-unting tumataas ang ratings ito sa 17% kumpara sa kabilang estasyon na 12-15%.

Buod

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang kuwento ay hango sa 17 taong gulang na siMonkey D. Luffy na pinukaw ng kanyang idolo noong bata pa sya na siRed Haired Shanks na naglalakbay upang hanapin angOne Piece. Sa paglalakbay ni Luffy, bumuo siya ng isang samahang pirata na tinawag niyangStraw Hat Pirates. Ang grupo ay binubuo nila:

  • Pirate HunterRoronoa Zoro
  • Cat ThiefNami (Ang Tagapaglayag)
  • Sharpshooter SogekingUsopp (Ang Sniper)
  • Black LegSanji (Ang Tagapagluto)
  • Cotton Candy LoverChopper (Ang Manggagamot)
  • Nico Robin (Ang Arkeyolohista)
  • CyborgFranky (Ang Shipwright)
  • HummingBrook (Ang Musikero).
  • Jinbei (Ang Helmsman)

Humarap din sila sa maraming pagsubok sa lahat ng sulok ng mundo. Ang pinakamalaki nilang kalaban ay ang mgaMarino na hawak ngPamahalaang Pandaigdig na naghahanap ng hustisya upang tuldukan angGinintuang Yugto ng mga Pirata. Marami ring ibang istorya ang hango sa paglalaban ng Gobyerno ,Pitong Warlord at ng Apat na Emperador, ang apat na pinakamalakas na pirata sa buong mundo.

Matapos ang pagkamatay nilaPortgas D. Ace (Ang kapatid ni Luffy na hindi niya kadugo) at niWhitebeard, ang bawat miyembro ng Strawhats ay sumailalim sa matinding pagsasanay. Matapos ang dalawang taon, nabuo ulit sila saSabaody Archipelago at tinuloy ang paglalakbay sa Bagong Daigdig (New World).

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=One_Piece&oldid=2136503"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp