Oktubre, mula saTrès Riches Heures du Duc de Berry
AngOktubre ay ang ikasampungbuwan sakalendaryong Gregoryano.[1] Naglalaman ito ng tatlumpu't isangaraw. Orihinal itong ikawalong buwan sa lumang kalendaryo ni Romulo noong mga bandang 750 BK, subalit nanatili ang pangalan nitong "Oktubre" (mula saLatin atGriyegongôctō na ibig sabihin ay "walo") kahit na naidagdag na angEnero atPebrero sa kalendaryong orihinal na ginawa ng mga Romano. SaSinaunang Roma, isa sa tatlonglapis manalis ang ginaganap tuwing Oktubre 5; ang Meditrinalia ay tuwing Oktubre 11; Augustalia tuwing Oktubre 12;October Horse o Kabayo ng Oktubre tuwing Oktubre 15; at Armilustrio tuwing Oktubre 19. Ang mga petsang ito ay hindi tumutugma sa modernong kalendaryong Gregoryano. Sa mga Anglo-Sahon, tinatawag nila ang buwang ito na Winterfylleth (Ƿinterfylleþ), dahil sa kabilugan ng buwan sa panahong ito ay sinasabing nagsisimula angtaglamig.[2]
Karaniwang inuugnay ang Oktubre sa panahon ngtaglagas sa ilang bahagi ngHilagang Emispero, attagsibol sa ilang bahagi ngTimog Emispero, kung saan ito ang katumbas ngAbril sa Hilagang Emispero, at kabaligtaran naman.
Ang mga batong kapanganakan para sa Oktubre ay angturmalina atopalo.[3] Ang bulaklak kapanganakan nito ay angkalendula.[4] Ang mga tandangsodyak ng buwan ayLibra (hanggang Oktubre 22) atScorpio (mula Oktubre 23 pataas). Ang opalo ay karaniwang iniuugnay sa mga pulseras o palamuti, habang ang turmalina ay makikita sa ginupit na anyo sa mgaalahas.[5][6]
Dahon ng Pulangmaple (Acer rubrum) sa Oktubre (Hilagang Emisperyo).The kalendulaPinutol na turmalinaIsang pulseras na opalo. Ang opalo ay isang batong kapanganakan para sa Oktubre
Sa huling dalawa hanggang tatlong linggo ng Oktubre (at minsan pati ang unang linggo ng Nobyembre), karaniwang ito lamang ang panahong nagkakasabay-sabay ang apat na pangunahing propesyonal na liga ngisports saEstados Unidos atCanada sa kanilang mga laro: nagsisimula angpreseason ngNational Basketball Association (NBA) at kasunod nito ang regular naseason pagkaraan ng halos dalawang linggo; nasa unang buwan ng regular naseason ang National Hockey League (NHL); nasa kalagitnaan ng regular naseason ang National Football League (NFL); at ang Major League Baseball (MLB) ay nasa yugto ngpostseason, kabilang ang League Championship Series at World Series. Ang mga araw na sabay-sabay may laro ang apat na liga ay tinatawag nasports equinox.