OS/2 |
| Gumawa | IBM Microsoft (1.0–1.3) |
|---|
| Sinulat sa | C, C++ at wikang assembly |
|---|
| Estado ng paggana | Makasaysayan, binuo na ngayon bilang ArcaOS |
|---|
| Modelo ng pinaggalingan | Closed source o nakasarang pinagmulan |
|---|
| Unang labas | Disyembre 1987;38 taon ang nakalipas (1987-12) |
|---|
| Pinakabagong labas | 4.52 / Disyembre 2001;24 taon ang nakalipas (2001-12) |
|---|
| Layunin ng pagbenta | Mga propesyonal, mga server |
|---|
| Magagamit sa | Tsino,Ingles,Pranses,Aleman,Italyano,Hapones,Koreano,Espanyol, Slobeno,Portuges,Ruso |
|---|
| Plataporma | 32-bit x86, PowerPC |
|---|
| Uri ng kernel | Hybrid kernel o halong kernel |
|---|
| Naimpluwensiyahan ng | MS-DOS, IBM PC DOS |
|---|
| User interface | Workplace Shell |
|---|
| Lisensiya | Propiyetaryo |
|---|
| Sinundan | eComStation ArcaOS |
|---|
| Opisyal na website | OS/2 Warp (Naka-arkibo) |
|---|
AngOS/2 ay isang pribadongoperating system (sistemang pang-operasyon) para sa mga personal nakompyuter na nakabatay sa x86 at PowerPC. Nilikha ito at orihinal na binuo na magkatuwang ngIBM atMicrosoft sa pamumuno ng tagadisenyo ngsoftware ng IBM na si Ed Iacobucci,[1] bilang kapalit ng DOS. Inilabas ang unang bersyon noong 1987. Dahil sa alitan na nagsimula noong 1990, iniwan ng Microsoft ang proyekto at ipinagpatuloy ng IBM ang pag-unlad nito nang mag-isa. Noong 1996, inilunsad angOS/2 Warp 4 bilang huling pangunahing bersyon. Kasunod nito, unti-unting huminto ang IBM sa pagpapaunlad ng OS/2 dahil hindi nito natalo angWindows ng Microsoft sa merkado. Patuloy pa ring naglabas ang IBM ng mga pagbabago hanggang 2001.
Ang pangalan nitong OS/2, pinaikling Operating System/2, ay ipinakilala kasabay ng Personal System/2 (PS/2) – ikalawang henerasyon ng mga PC mula sa IBM. Nilalayon ng OS/2 na palitan ang PC DOS gamit angprotected mode (modang nakaprotekta) na teknolohiya para sa Intel 80286 naprocessor. Hinalaw ang mga pangunahingsystem call (tawag sa sistema) mula saMS-DOS – marami sa mga ito ay nagsisimula sa "Dos" at posible ring makalikha ngFamily Mode (Modang Pampamilya) na mgatext-mode application (aplikasyong naka-teksto) na gumagana sa parehong OS/2 at DOS.[2] Dahil dito, may ilang pagkakatulad ang OS/2 sa mga sistemang tulad ngUnix, Xenix, atWindows NT. Mas kilala ito sa mga kompyuter na naka-network na gamit sa mga negosyo at institusyong korporado.
Noong 1992, inilabas angOS/2 2.0, ang unang 32-bit na bersyon, at ito rin ang kauna-unahang bersyong ganap na binuo ng IBM matapos tuluyang kumalas ang Microsoft bunga ng alitan sa kung paano ipoposisyon ang OS/2 kaugnay ng paglabas ngWindows 3.1.[3][4] Sa pamamagitan ngOS/2 Warp 3 noong 1994, tinangkang maabot ng IBM ang mga pangkaraniwang gumagamit sa tahanan sa tulong ng isang multi-milyong dolyar na kampanya sa pag-aanunsyo.[5] Gayunman, nahirapan pa rin ito sa merkado, na bahagi ay iniuugnay sa mga estratehikong hakbang ng Microsoft na itinuturing ng ilan bilang kontra kompetisyon.[6][7]
Kasunod ng kabiguan ng proyektongWorkplace OS ng IBM, inilabas ang OS/2 Warp 4 bilang huling pangunahing bersyon noong 1996. Pormal na itinigil ng IBM ang suporta sa OS/2 noong Disyembre 31, 2006.[8] Mula noon, ang OS/2 ay patuloy na binuo, sinuportahan, at ipinagbili ng dalawang pribadong kumpanya sa ilalim ng lisensiya mula sa IBM – una ng Serenity Systems sa pangalangeComStation mula 2001 hanggang 2011,[9] at pagkatapos ay ngArca Noae LLC sa ilalim ng pangalangArcaOS simula 2017.[10][11][12]