Ang Novy Urengoy ay mayklimang subartiko (Köppen climate classificationDfc). Lubhang napakaginaw at napakahaba ang mga taglamig kalakip ng katamtamang mga temperatura mula −30 °C (−22 °F) hanggang −22 °C (−8 °F) sa Enero. Banayad at maigsi naman ang mga tag-iniy kalakip ng katamtamang mga temperatura mula +10 °C (50 °F) hanggang +18 °C (64 °F) sa Hulyo. Katamtaman angpag-uulan ngunit mas-mabigat sa tag-init kaysa ibang mga bahagi ng taon.
Isang pangunahing industriya sa Novy Urengoy ang produksiyon ng langis at gas. Malapit sa lungsod ang isa sa pinakamalakingmgagas field sa mundo, at may maraming mga pag-aasam para sa karagdagang panggangalugad. Pangunahing pampook na may patrabaho ang kompanyangGazprom, napag-aari ng pamahalaan.
Matatagpuan ang lungsod sa linyang daambakal ngTyumen–Novy Urengoy. Pagbiyahe pahilaga mula Tyumen, ang Novy Urengoy ay ang pinakahuling mahalagang estasyon. Dating mahalagang estasyon angNoyabrsk.
Nasa kahabaan ngDaambakal ng Salekhard–Igarka (o "Dead Road") ang lungsod. Ginagamit ang bahaging Novy Urengoy papuntangStary Nadym bilang isang mahalagang pangkargamentong daambakal.
↑2.02.1Russian Federal State Statistics Service (2011)."Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1].Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service.{{cite web}}:Invalid|ref=harv (tulong)