AngNiue (pagbigkas: nyu•wey) ay isangbansangpulo na nasa timog ngKaragatang Pasipiko. Karaniwan itong nakikilala bilang "Bato ngPolinesya". Mayroon itong sarilingpamahalaan, subalit isa itongkaugnay na estado ngNew Zealand. Dahil dito, nangangahulugan na ang ulo ng estado o pinuno ng estado ng Niue ay angpinuno (ang reyna) ng New Zealand batay sakarapatan, at ang karamihan sa mga ugnayangpangdiplomasya ay isinasagawa ng pinuno ng New Zealand para sa kapakanan ng Niue. Ang teritoryo ay nasa 2,400 mga kilometro ng hilagang-silangan ng New Zealand na nasa loob ng isang tatsulok na nasa pagitan ngTonga,Samoa, at ngKapuluang Cook.