Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Nintendo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nintendo Company Ltd.
任天堂株式会社
UriPubliko
Industriyalarong baraha (nauna)
larong bidyo
Itinatag23 Setyembre 1889[1]
NagtatagFusajirō Yamauchi Edit this on Wikidata
Punong-tanggapanHaponKyoto
Mga Pandaigdig na Tanggapan:
Estados UnidosRedmond,Washington,Estados Unidos
CanadaRichmond, British Columbia
Europe Großostheim,Alemanya
Australia Scoresby, Victoria,Australya
Republikang Bayan ng TsinaSuzhou,Tsina (bilang iQue, Ltd.)
Timog KoreaSeoul,Timog Korea
Panama Costa del Este,Panama (bilang Latamel Inc.)
LiberiaMonrovia,Liberia
TaiwanTaiwan (bilang Nintendo Phuten Co., Ltd.)
Pangunahing tauhan
Satoru Iwata:Presidente &CEO
Reggie Fils-Aime: Presidente &COO ng NOA
Shigeru Miyamoto: Tagadisenyo ng Laro
Gunpei Yokoi (namatay): Manlilikha ng Game Boy, Game & Watch], atMetroid
Hiroshi Yamauchi: Lumang Presidente & Tagapangulo
Minoru Arakawa & Howard Lincoln: Lumang pangulo ng NOA
Satoru Shibata: Presidente ng NOE
ProduktoLinya ng Game Boy, Color TV Game, NES, SNES, Nintendo 64, Nintendo GameCube, Nintendo DS, Wii, at iba't-ibanglarong bidyo na mga pamagat.
KitaUSD$8.19 bilyon (2007)[2]
Dami ng empleyado
3,768 (2008)
WebsaytNintendo Japan
Nintendo ng Amerika
Nintendo ng Canada
Nintendo Europe
Nintendo Australia

AngNintendo Co., Ltd.(Hapones:任天堂株式会社,Hepburn:Nintendō kabushikigaisha) ay isang multinasyunal na kompanya mula sa bansangHapon na gumagawa ng mgaelektronikang pangkonsyumer atlarong bidyo. NasaKyoto ang kanilang punong himpilan habang nakahimpil naman ang kanilang internasyunal na mga sangay na Nintendo of America saRedmond,Washington,Estados Unidos at Nintendo of Europe saFrankfurt,Alemanya. Isa ang Nintendo sa pinakamalaking kompanyang pang-larong bidyo sa mundo ayon sa kapitalisasyon sa merkado, na nakalikha sa ilang mga pinakakilala at pinakamabentang prangkisang pang-larong bidyo, tulad ngMario,The Legend of Zelda,Animal Crossing, atPokémon.

Itinatag ang Nintendo ni Fusajiro Yamauchi noong 23 September 1889 at orihinal na gumagawa ng mga yaring-kamay nahanafuda nabaraha. Noong 1963, sumubok ang kompanya ng ilang maliit na inaankop na mganegosyo, tulad ng mga serbisyong taksi atotel na walang malaking tagumpay. Iniwan ang mga nakaraang pakikipagsapalaran kapalit ngpamumuhunan sa mgalaruan noong dekada 1960, lumago ang Nintendo bilang isang kompanyanglarong bidyo noong dekada 1970. Lumawak pa sila noong dekada 1980 sa pamamagitan ng mga pangunahing dibisyon nito na Nintendo of America at Nintendo of Europe, ang Nintendo ay naging isa sa mga pinakamaimpluwensiyang kompanya sa industriya ng larong bidyo at isa sa mga pinahahalagaang kompanya sa bansang Hapon na may halaga sa merkado na higit sa $37 bilyon noong 2018.[3]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Company History" (sa Hapones). Nintendo. Inarkibo mula saorihinal noong 2006-07-21. Nakuha noong2006-07-29.Naka-arkibo 2006-07-21 saWayback Machine.
  2. Nintendo Co., Ltd. Company Profile - Yahoo! Finance (sa Ingles)
  3. David Cole (2 Nobyembre 2018).Who is worth more? Sony and Nintendo market value (Ulat) (sa Ingles). DFC Intelligence. Nakuha noong3 Abril 2019.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Nintendo&oldid=2178136"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp