Kailangangisapanahon ang artikulong ito. Pakitulungang isapanahon ang article na ito upang sumalamin ang kamakailang mga kaganapan o bagong impormasyon na mayroon na.
AngNew York City Subway ay isangmabilis na sistema ng transit na pag- aari ngLungsod ng New York at pinaupahan sa New York City Transit Authority, isang ahensya ng pampamahalaaang Metropolitan Transportation Authority (MTA). Binuksan noong 1904, ang New York City Subway ay isa sa mga pinakalumang pampublikong sistema ng transit sa mundo, isa sa mga pinaka-ginagamit, at isa sa may mga pinakamaraming istasyon. Ang New York City Subway ay ang pinakamalakingmabilis na sistema ng pagbibiyahe sa buong mundo ayon sa bilang ng mga istasyon, na may 472 istasyon na nasa operasyon (424 kung ang mga konektadong istasyon ng mga paglilipat ay bibilangin bilang isang istasyon). Matatagpuan ang mga istasyon sa buong mga distrito ngManhattan,Brooklyn, Hudson,Queens, atang Bronx.
Nag-aalok ang system ng serbisyo 24 oras araw-araw, sa bawat araw ng taon, kahit may ilang ruta sa sistema ang maaring gamitin nang pansamantala lamang. Ayon sa taunang pakay, ang New York City Subway ay ang pinaka-abalang mabilis na sistema ng pagbiyahe sa parehong Kanlurang Hating-daigdig atMundo Kanluranin, maging bilang siyam na pinaka-abalang mabilis na sistema ng transportasyon sa riles sa mundo. Noong 2017, nagsakay ng 1.72 bilyong beses ang subway, na umaabot sa halos 5.6 milyong araw-araw na pagsakay mula Lunes hanggang Biyernes at pinagsamang 5.7 milyong pagsakay tuwing katapusan ng linggo (3.2 milyon sa Sabado, 2.5 milyon sa Linggo). Noong Setyembre 23, 2014, higit sa 6.1 milyong mga tao ang sumakay sa sistema ng subway, ang pinakamataas na pakay sa isang araw simula nang sinubaybayan ng palagian ang pakay sa subway noong 1985.[a]
Ang sistema ay isa sa pinakamahaba sa mundo. Sa kabuuan, ang sistema ay may 394 kilometrong (245 milyang) riles, katumbas ng 1,070 km (665 mi) na pinagkakakitaang riles at kabuuang 1,370 km (850 mi) riles na hindi pinagkakakitaan. Sa 28 ruta o "serbisyo" ng sistema (na kadalasan nakikibahagi ng riles o "linya" sa iba pang mga serbisyo), 25 ang dumadaan patungong Manhattan, maliban sa mga tren na G, Abenida Franklin at ang Liwasang Rockaway. Malaking bahagi ng subway sa labas ng Manhattan ay itinayo nang nakataas, nasa ibabaw ng mga dike o papasok sa mga hiwang lagusan, at may ilang haba ng riles ang tumatakbo sa ng lupa. Sa kabuuan, 40% ng mga riles ay nasa ibabaw ng lupa. Karamihan sa mga linya at istasyon ang nagaalok ng mabilis at lokal na mga serbisyo. Ang mga linya nito ay may tatlo o apat na riles. Kadalasan, ang dalawang panlabas na riles ay giangamit ng lokal na mga tren, habang ang isang o dalawang panloob na riles naman ay ginagamit ng na mga mabilis na tren. Ang mga istasyon na gumagamit ng mga mabibilis na tren ay kadalasan mga pangunahing lugar ng paglilipat o destinasyon.
Simula noong 2018, ang pasang pinansyal para sa paggasta ng New York City Subway ay $8.7 bilyon, na nanggagaling mula sa koleksyon ng pamasahe, bayad sa mga tulay, mga bayarin at buwis, pati na rin mula sa tuwirang pagpopondo ng mga estado at lokal na pamahalaan. Ang on-time performance rate nito ay 65% tuwing linggo.
Itinayo ni Alfred Ely Beach ang unang demonstrasyon para sa isang sistemang pangtransportasyon sa ilalim ng lupa sa New York City noong 1869 at binuksan ito noong Pebrero 1870. Ang kanyang Beach Pneumatic Transit ay umabot lamang ng 95 metro (312 talampakan) sa ilalim ng Broadway, Ibabang Manhattan na tumatakbo mula sa Kalye Warren hanggang Kalye Murray at ipinakita ang kanyang ideya para sa isang riles na panghimpapawid bilang isang subway. Ang tunel ay hindi kailanman pinalawak para sa pampulitika at pinansyal na mga kadahilanan. Ngayon, walang bahagi ng linyang ito ang nananatiling bilang ang lagusan ay ganap na nasa loob ng mga limitasyon sa kasalukuyang araw na istasyon ng City Hall sa ilalim ng Broadway.[13]
Ang Malaking Buhawi ng Niyebe ng 1888 ay nakatulong upang ipakita ang mga pakinabang ng isang sistema ng transportasyon sa ilalim ng lupa. Ang plano para sa pagpatatayo ng subway ay naaprubahan noong 1894, at sinimulan ang konstruksiyon noong 1900. Kahit na ang mga bahagi sa ilalim ng lupa ay hindi pa naitatayo, maraming mga seksyon sa itaas na bahagi ng ngayong sistema ng New York City Subway ay nasa serbisyo na noon. Ang pinakalumang istraktura na ginagamit pa rin hanggang ngayon ay binuksan noong 1885 bilang bahagi ng BMT Linyang Abenida Lexington sa Brooklyn at ngayon ay bahagi ng BMT Linyang Jamaica. Ang pinakalumang karapatan nang daan, na bahagi ng BMT Linyang Kanlurang Dulo na malapit sa Sapang Islang Coney, ay ginamit noong 1864 bilang isang riles ng singaw na tinawag na Brooklyn, Bath at Isla Coney Riles ng Train.
Ang unang linya ng subway na pangilalim ng lupa ay binuksan noong Oktubre 27, 1904, halos 36 taon pagkatapos ng pagbubukas ng unang nakataas na linya sa New York City (na naging IRT Linyang Ika-Siyam na Abenida).[14] Ang 14.6 km (9.1 mi) linya ng subway, pagkatapos ay tinawag na "Manhattan Main Line", ay tumatakbo mula sa istasyon ng munisipyo pahilaga sa ilalim ng Kalye Lafayette (pagkatapos ay pinangalanang Kalye Elm) at Abenida PArk (pagkatapos ay pinangalanang Ika-apat na Abenida) bago tumalikod sa pailalim sa Ika-42 Kalye. Pagkatapos ay bumaluktot muli pahilaga sa Kwadradong Times, na nagpapatuloy sa ilalim ng Broadway bago magtapos sa istasyong Ika-145 Kalye sa Harlem. Ang operasyon nito ay pinaupa sa Interborough Rapid Transit Company at mahigit sa 150,000 mga pasahero ang nagbayad ng 5¢ pamasahe upang sakyan ito sa unang araw ng operasyon.
Sa huling bahagi ng 1900 at unang bahagi ng 1910, ang mga linya ay pinagsama sa dalawang pribadong pag-aari ng mga sistema, ang Brooklyn Rapid Transit Company (BRT, kalaunan ang Brooklyn-Manhattan Transit Corporation, BMT) at ang Interborough Rapid Transit Company (IRT). Ang lungsod ay nagtayo ng karamihan sa mga linya at inupa ito sa mga kumpanya. Ang unang linya ng pag-aari ng lungsod at pinatatakbo ng Independent Subway System (IND) na binuksan noong 1932 ay inilaan upang makipagkumpetensya sa mga pribadong sistema at pahintulutan ang ilan sa mga nakataas na riles ng tren, ngunit nanatili sa loob ng pusod ng lungsod dahil sa maliit na kapital nito. Kinailangan nitong patakbuhin 'sa gastos', kung kaya dumoble sa limang sentimo ang pamasahe na pamilyar sa panahon noon.
Digital na karatula sa gilid ng isang R142 train sa rutang 4Istasyong Ika-125 Kalye sa linyang IRT Broadway–Seventh Avenue
Maraming mabilis na sistema ng transportasyon ang nagpapatakbo ng permamenteng mga ruta, upang hindi magkasingkahulugan ang "linya" mula sa "ruta" ng tren. Madalas magbago ang ruta sa lungsod ng New York sa ilang mga dahilan. Ayon sa mga katawagan ng subway, ang "linya" ay tumutukoy sa pisikal na riles o kahabaan ng riles na ginagamit ng payak na ruta ng tren mula sa isang terminal papunta ng isa pa. Ang "ruta" (tinatawag rin bilang "serbisyo") ay sinasagisiag ng isang titik o bilang habang ang mga "linya" ay mga pangalan. Pinapakita ng mga tren ang kanilang nakatalagang ruta.[20]
May 28 serbisyo ng tren sa loob ng subway system, kabilang na ang tatlong maiikling tren. Ang bawat ruta ay may kulay at pagtatalaga kung lokal man o mabilis na serbisyo na sumisimbolo sa linyang trunk ng Manhattan ng mismong partikular na serbisyo.[21][22] Madalang kung tawagin ng mga residente ng Lungsod ng New York ang mga serbisyo ayon sa kanilang kulay (hal. Linyang Bughaw o Linyang Luntian) ngunit ginagawa ito ng mga dayuhan.[20][23][24]
Ang mga tren na 1, C, G, L, M, R, at W ay ganap na lokal at dumadaan sa bawat istasyon. Ang mga tren na 2, 3, 4, 5, A, B, D, E, F, N, at Q naman ay mga mga bahagi ng mabilis at lokal na serbisyo. Ang mga tren na J, Z, 6 at 7 ay nag-iiba sa piling oras at araw. Ang titik S ay ginagamit lamang para sa tatlong serbisyo ng mga treng Abenida Franklin, Liwasang Rockaway at Ika-42 Kalye.[22][25]
Kahit na bukas ang sistema ng subway 24 oras,[20] may ilan sa mga nakatalgang ruta ang hindi tumatakbo, tumatakbo ng mas maikling ruta (kadalasan tinatawag bilang 'shuttle train' na bersyon ng buo nitong katumbas) o tumatakbo gamit ang ibang padron ng pagtigil. Ito ay kadalasan ipinapahwatig ng mas maliit, at panagalawang karatulang pangruta sa mga plataporma ng mga istasyon.[22][26] Dahil walang sistema ng panggabing pagantala para sa pagsasaayos, ang mga riles at istasyon ay kinakailangan panatilihin habang tumatakbo ang sistema. Ang gawaing ito minsan ay kinakailangan ng pagbabago sa serbisyo tuwing kalagitnaan ng araw, magdamagang oras at tuwing sa dulo ng linggo.[27][28][b]
Tuwing may mga bahagi ng linya ay sinasara pansamantala para sa konstruksyon, ang awtoridad sa transportasyon ay maaring magalok ng libreng shuttle buses (gamit ang MTA Regional Bus Operations bus fleet) upang palitan ang mga ruta na kadalasang tumatakbo sa mga linyang naapektuhan.[29] Ang awtoridad sa transportasyon ay nagaanunsyo ng mga planadong pagbabago sa serbisyo sa kanilang websayt,[30] sa pamamagitan ng mga placards na nakapaskil sa mga istasyon at sa dingding sa loob ng mga tren, at sa kanilang pahina sa Twitter.[31]
Ang kasalukyang opisyan na mapa ng transportasyon ng New York City Subway ay halaw sa 1979 disenyo ng Michael Hertz Associates.[35] Ang mga mapa ay hindi heograpikong tumpak sapagkat sa pagiging kumplikado ng sistema (Manhattan bilang ang pinakamaliit na distrito, ngunit may pinakamaraming serbisyo), ngunit pinapakita nito ang pangunahing mga lansangan ng lungsod bilang tulong sa paglalakbay. Ang pinakbagong edisyon ay ginamit noong Hunyo 27, 2010, kung saan pinalaki ang Manhattan habang ang Isla ng Staten ay pinaliit, at may mga maliit na pagbabagong ginawa sa mapa kapag may mga mas maraming permamenteng pagbabago ang gagawin.[25][36] Ang mga dating banghay ng subway (ang una na ginawa noong 1958) ay may puna bilang mas heograpikong mali kaysa sa mga mas bagong baghay ngayon. Ang disenyo ng mapa ng subway na ginawa ni Massimo Vignelli, ay initlathala ng MTA mula 1972 at 1979, ay naging makabagong panuntunan ngunit nagpatantong may kamalian ng MTA ang mapang ito dahil sa paglagay nito ng mga elementong heograpikal.[37][38]
A late night-only version of the map was introduced on January 30, 2012.[39] On September 16, 2011, the MTA introduced a Vignelli-style interactive subway map, "The Weekender",[40] to its website;[41] as the title suggests,[42] theonline map provides information about any planned work, from late Friday night to early Monday morning.[43][44]
May ilang pribadong ginawang skematiko ay magagamit online o nakalimbag, tulad ngHagstrom Map.[45]
Mapa ng magdamagang gabing serbisyo ng subway
Mapa ng pagangat ng linya mula sa lupa; ang mga linya sa ilalim ng lupa ay kahel, habang ang mga nasa ibabaw ng lupa ay bughaw, nakaangat man, nasa ibabaw ng mga dike o papasok sa loob ng mga hiwang lagusan
Ipinagdiriwang ng New York City Subway ang Pride Month noong Hunyo kasama ang mga poster na may temang Pride. Ipinagdiwang ng MTA ang Stonewall 50 - WorldPride NYC 2019 noong Hunyo 2019 na mayroong mga logo ng Pelikula na may bahaghari sa mga tren ng subway pati na rin ang may temang Pribadong MetroCards.
↑Finnegan, Jack, Belden Merims and Jennifer Cecil (2007).Newcomer's Handbook for Moving to and Living in New York City: Including Manhattan, Brooklyn, the Bronx, Queens, Staten Island, and Northern New Jersey. Portland, OR: First Books Inc.ISBN978-0912301723. p. 336.