AngNeptuno (Ingles:Neptune, bigkas:/ˈnɛptjuːn/;[1] sagisag:) ay ang ika-8planeta mula saAraw saSistemang Solar. Ipinangalan ito saRomanong diyos ng karagatan. Ito ay ang ika-4 sa pinakamalaking planeta ayon sa diametro at ikatlo naman ayon samasa. Ang Neptuno ay mas mabigat ng 17 beses kaysa sa mundo at mas mabigat ng kaunti sa halos kakambal nitong planeta ngUrano na katumbas ng 15 na Daigdig at hindi ganoon kadense.[2] Ang orbit ng Neptuno ay kalimitang nasa distansiya na 30.1AU mula sa Araw, mga halos 30 beses ng layo ng Daigdid sa Araw. Angastronomikal na simbolo nito ay ang, isang bersyon ngtrident ng diyos na si Neptuno.
Nadiskubre ito noong 23 Setyembre 1846,[3] ang Neptuno ay ang tanging planeta na nahanap gamit ang prediksiyong matematikal kaysaempirikal na obserbasyon. Ang mga hindi inaasahang pagbabago sa orbit ng Urano ang tumulong sa mga astronomer na malaman na naapektuhan ito ngperturbasyonggrabitasyonal ng isang di kilalang planeta. Ang Neptuno ay nahanap sa loob ng isang degree ng inaasahan nitong posisyon, at ang pinakamalaki nitong buwan, angTriton, ay natuklasan pagtapos. Sulbalit hindi kaagad natuklasan ang 12 pang mgabuwan sa pamamagitan ng teleskopiya hanggang sa ika-20 na siglo. Isang sasakyang pangkalawakan pa lamang ang nakabisita sa Neptuno, angVoyager 2, na lumipadng malapit sa planeta noong 25 Agosto 1989.
Angequatoriyal na radius ng Neptuno na 24,764 kilometro (15,388 mi)[4] ay halos apat na beses na mas malaki kaysa nung sa Daigdig. Ang Neptuno atUrano ay kinokonsidera na sub-klase ng mga higanteng gas na tinatawag na "higanteng yelo", dahil sa kanilang mas maliit na laki at mas maraming konsentrasyon ng mgabolatilo kung ikukumpara sa Hupiter atSaturno.[5] Sa kanilang paghahanap ng mgaekstrasolar na planeta, ang Neptuno ay ginagamit nametonym: ang mga bagay na kasing bigat nito ay tinatawag na "Neptunes",[6] gaya ng pagtawag sa ibang ekstra-solar na bagay na "Jupiters".
↑Walter, Elizabeth (21 Abril 2003).Cambridge Advanced Learner's Dictionary (ika-Second Edition (na) labas). Cambridge University Press.ISBN0521531063.{{cite book}}:|edition= has extra text (tulong)
↑The mass of the Earth is5.9736×1024 kg, giving a mass ratio of:
The mass of Uranus is 8.6810×1025 kg, giving a mass ratio of:
The mass of Jupiter is 1.8986×1027 kg, giving a mass ratio of:
↑See for example:Boss, Alan P. (2002). "Formation of gas and ice giant planets".Earth and Planetary Science Letters.202 (3–4): 513–523.doi:10.1016/S0012-821X(02)00808-7.